CHAPTER 11.1

492 19 0
                                    

"MALAPIT NA TAYONG mag-start, guys. Mag-prepare na kayo."

Napukaw ang atensiyon ni Nadine nang magsalita na ang kanilang all-out support manager na si Heidi. Halatang mas excited pa ito sa kanilang lahat lalo pa't ito na ang pang-anim na guesting nila sa T.V. station. Nagustuhan kasi ng network ang performance nila sa isang noontime show kaya kinuha pa sila ng istasyon para mag-guest sa iba't ibang programa.

"Excited na 'ko!" nakangiting sambit ni Drew.

"S'yempre. Lahat naman tayo, excited na, 'di ba, Heidi?" habol naman ni Steed.

Pinapipirma na rin sila ng kontrata para maging regular performer na sila. Biglang bumuhos ang lahat ng blessings and they were so lucky to catch almost all of it.

Limang buwan na ang nakakalipas magmula nang umalis siya sa Zambales kasama ang mga kabanda niya. Napag-desisyunan nilang makipagsapalaran sa Maynila at hindi nga sila nagkamali. Sinuwerte sila kaya nakatapak na sila ngayon sa mas mataas na puwesto. They were already conquering their dreams. Wala silang ginamit na koneksyon. Wala silang nilapitang tao. Sarili nilang sikap ang lahat ng natatamasa nila ngayon.

Limang buwan na rin ang nakakaraan nang mapunit ang puso niya. Lahat ng pagtapak at pang-iinsultong nakuha niya mula sa hayop na lalaking nanloko sa kanya ay naglaho na. She had to admit, she's too fragile during those days. Gabi-gabi siyang umiiyak. Hindi rin siya lumalabas ng bahay dahil alam niyang anumang oras, makikita niya si Arwin. Alam niyang mas lalo siyang masasaktan.

He tried to say sorry to her. Nag-text ito at tumawag pero wala siyang sinagot kahit isa sa mga iyon. How dumb he was? Matapos siya nitong lokohin, malakas pa rin ang loob nito para magparamdam sa kanya.

Ilang araw siyang gan'on. Hanggang sa mag-text ito sa kanya.

I'm going back to Manila. Alam kong galit ka pa rin sa 'kin. Kaya sana makatulong ang pag-alis ko. Sana balang-araw, hayaan mo na 'kong magpaliwanag. Hindi ko na hinihingi na maging tayo ulit. But please. Let me explain to you anything and everything. 'Bye, my love. I will love you forever.

Tandang-tanda niya pa ang huling text nito sa kanya. After that, wala na siyang natanggap na kahit anong message mula rito. Nang medyo maka-recover ay tinigilan na niya ang pagkukulong at nalaman niyang totoo nga ang sinabi ng lalaki. Umalis na ito sa bahay nito—at sa buhay niya.

Mas lalo siyang nasaktan nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay mas dinagdagan pa ni Arwin ang lahat ng pasakit na ibinigay nito. Alam niyang dapat, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya, pero taliwas iyon sa naging reaksiyon ng puso niya. Kaya para matapos na ang kahibangan niya, pinili niyang putulin ang lahat ng communications na nag-uugnay sa kanila.

Hindi niya inaasahan na sa saglit na panahong minahal nila ang isa't isa—o mas tamang sabihing siya lang ang nagmahal dito, ay nakaramdam siya ng ultimate heart break nang matapos ang lahat-lahat.

Hindi ko alam kung mapapatawad ba kita.

"Guys, game na daw!"

Tumayo na siya mula sa silyang inuupuan. Mas komportable kasi siyang kumanta kapag nakatayo. Narinig niya ang pag-signal at pag-count ng director. Biglang lumiwanag ang buong studio.

"Ladies and gentlemen. Let us all welcome—"

Napapikit siya. 'Eto na 'to, Lord. Kayo na pong bahala to make this performance successful.

"The Crimson Skulls!"

Ihinampas na ni Crate ang drumsticks at sumabay sa tugtog na likha ng banda nila ang hiyawan ng mga tao. Lagi silang on the performance level sa tuwing haharap na sila sa madla. Sinasabayan pa iyon ng pagtangu-tango ng mga tao na para bang dalang-dala sila sa music.

"No sir. Well I don't wanna be the blame. Not anymore—"

Siya ang pumili ng kantang iyon. Alam niyang hindi naman sinasadya ni Hayley at ng buong Paramore na patamaan siya sa kanta ng mga ito pero sapul na sapul siya ng kantang That's What You Get kaya naman iyon ang kinuha niya para i-perform nila.

"That's what you get when you let you're heart win. Woooaaaahhhh!"

That's what I get when I love that Arwin, kanta naman ng isip niya.

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon