HINDI ALAM ni Nadine kung bakit ba siya iyak nang iyak. Naroon siya ngayon sa kanyang kwarto at dinaramdam ang sinabi ng lalaki kanina. Kung tutuusin naman ay hindi siya dapat magdamdam dahil siya naman ang nagpasimuno ng pagpaparinig rito.
Kunsabagay. Sino ba ang hayup na 'yon para pagsalitaan siya nang gano'n kasasakit? Oo hindi sila mayaman pero ano ba'ng paki nito? Hindi siya ipinanganak para husgahan nang kung sinu-sino, lalo na kung ni hindi niya kilala.
Ang sabi sa kanya ng mama niya noong nabubuhay pa ito, ang lahat raw ng tao ay magkakapantay lamang. Kahit paliguan pa ng pabango at pera ang isang nilalang ay mananatili pa rin itong kapantay ng mga payak at mahihirap na mamamayan.
Malaki ang kanyang paniniwala na tama ang mama niya. That's why everytime someone's underestimating her, nag-iinit kaagad ang ulo niya at hindi niya napipigilang sagut-sagutin ang mga ito.
Natatandaan niya pa nang minsang mag-apply siya sa isang restaurant. Ang matandang binatang may-ari noon ay binigyan siya ng isang indecent proposal. Nabastusan siya nang husto kaya tinanggihan niya iyon. Pagkatapos ay unlimited na mga panlalait at panliliit na ang inabot niya rito. Kesyo mahirap lang siya, wala siyang ipapalamun sa sarili niya, wala siyang pagkukunan ng pera, etc., etc.
Mabuti na lang at hindi siya nagpatalo. Mabilis niya itong sinagut-sagot at ipinamukha rito na daig pa ng matanda ang mga palaboy na walang pinag-aralan sa mga inaasal nito. Awtomatiko man siyang pinalayas ng restaurant ay masaya pa rin siya dahil naipaglaban niya ang pagkatao niya.
Malumalay niyang kinuha ang librong Artistang Basura na nasa ilalim ng unan. Ang librong iyon ang pinakabagong nobelang isinulat ng author na si Raven Neil. Die hard fan siya ng author kaya wala siyang pinapalampas na alinman sa mga nobela nito.
Four years ago nang nagsimula siyang magbasa ng mga nobela ng naturang author. Gandang-ganda siya sa mga gawa nito at nai-inspire siya sa mga lessons na nakukuha sa mga libro. Pangit mang pakinggan pero pakiramdam niya ay napupunta siya sa ibang mundo sa tuwing napo-focus siya sa pagbabasa.
Sa sobrang pagkaadik niya kay Raven Neil at sa mga gawa nito ay sumali siya sa mga fans club nito, naging number one follower sa Twitter at sinasalihan ang lahat ng forum ng manunulat.
She even searched for his real identity, but she failed. Wala siyang maapuhap na kahit anong impormasyon. Masyado itong misteryoso at ang tanging alam niya lang ay lalaki ito at nasa edad beinte siete na.
Ang isa pang lalong nakapagpaadik sa kanya kay Raven Neil ay ang ginawa nitong pagpapalubag sa loob niya. Babang-Luksa noon ng mama niya at naisipan niyang mag-post sa Facebook page nito. Ikinuwento niya noon ang sakit na nararamdaman. Gusto niya lang maglabas ng sama ng loob. Alam niyang malabo na mag-respond ito dahil busy ito.
Pero hindi niya inaasahan ang nakita niya. After an hour ay nag-comment ito sa post niya ng: "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam mo bang wala na rin sa mundo ang daddy ko? Masakit talaga. Pero dapat maging matatag ka. Hindi lang iyan ang mararanasan mo. Isipin mo na lang na nagpapahinga na ang mama mo dahil alam niyang kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa. Magpakatatag ka lang. :)"
Magmula nang araw na iyon ay mas lalo siyang naging adik sa author. Not to mention the fact na naiisip niya na sana ay ito na lang ang naging Prince Charming niya. Sa sobrang lawak kasi ng pag-iisip at pang-unawa nito, alam niyang bihira silang mag-aaway. Mukhang magiging masaya ang pagsasama nila at magkakaroon pa sila ng instant genius children.
Natawa siya sa mga pumapasok sa kukote niya. Bigla ay nawala ang lahat ng hinanakit na iniinda niya kanina. Pakiramdam niya ay napakagaan ng pakiramdam niya. Raven Neil was a grat relief indeed. Parang magic sa tuwing naaalala niya ito. Mas lalo naman kapag sumasagot ito sa mga message niya sa official fan page nito. How she wish that she could see him personally.
Ilang beses na rin siyang nakatanggap ng sulat mula sa author. Sumusulat siya rito at laking tuwa niya sa tuwing magre-respond ito na animo'y magkaibigan lang sila. Ito na yata ang pinaka-friendly author na na-encounter niya sa buong buhay niya. Kaya siguro kahit nananatiling misteryo ang pagkatao nito ay kuntento na siya sa gano'ng paraan.
BINABASA MO ANG
Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)
RomanceArwin was a writer. Nadine was a band vocalist. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the ki...