CHAPTER 10.1

447 17 0
                                    

"WHAT ARE YOU doing here?!" nahihindik na tanong ni Arwin sa babaing nakahiga sa kama niya nang mga sandaling iyon. Katatapos niya pa lamang mag-shower nang hapong iyon at balak na niya sanang i-continue ang nobelang ginagawa niya.

Rebecca was one of the socialites he have dated before. Actually, tatlong beses na niya itong naka-date. Ito rin ang huling babaing ipina-date sa kanya ng mommy niya before he went to Zambales. Aminado naman siya that the woman was gorgeous. In fact, maraming sikat na personalidad ang nagkakandarapa rito. Kaya lang, she has a bitchy attitude na siyang pinaka-ayaw niya sa lahat.

"Hindi ka ba masayang makita ako, honey?" ani Rebecca bago hinaplos-haplos ang hita nito. Obvious na obvious namang nilalandi siya nito. Halata naman sa suot nitong lingerie.

Napakunot ang noo niya. Bumiyahe ito from Manila to Zambales na iyon lamang ang saplot? Kung kapatid niya ang babaing ito ay siguradong nasakal na niya ito. Hindi na nito inirespeto ang sarili, to think na anak pa naman ito ng isang business tycoon.

Kung paano ito nakarating sa bahay niya at kung paano ito nakapasok sa kwarto niya ay hindi niya alam. Basta ang alam niya, naaalibadbaran siya sa presensya nito. Kung hindi lamang ito babae at kung hindi lamang business partner ng kanyang ina ang daddy ni Rebecca ay sigurado siyang masasapak na niya ito.

"Rebecca, what are you doing here?" ulit niya sa tanong niya habang pinipilit na maging kalmado. May respeto siya sa mga babae at as possible as he could, ayaw niyang may naaagrabyado nang dahil sa kanya.

Tumayo ito mula sa pagkakahiga. Lumapit ito sa kanya at siya naman ang napaatras. Hinaplos nito ang leeg niya. She's totally seducing him. Kaya lang ay hindi yata ito nagbabasa o nanonood nang mga seductive movies and magazines dahil hindi siya tinatablan nang mga strategies nito.

Masyado akong dead sa Nadz ko kaya hindi mo ako madadaan sa ganyan, anang utak niya.

"You're so mean, Arwin. Hindi mo ba napapansin 'yung effort na ginagawa ko to caught your attention? Unang kita ko pa lang sa'yo, alam ko nang tayo talaga ang para sa isa't isa," bulong nito sa kanya.

"P-Please Rebecca. Irespeto mo naman 'yang sarili mo. Bakit mo ba 'to ginagawa?" aniya habang nagpupumiglas sa mga yakap ng babae. Hindi niya alam kung ano ang tamang paraan para mapatigil ito sa kahibangan nito.

"Arwin, mahal kita. Unang kita ko pa lang sa 'yo. Alam ko nang mahal kita. Pansinin mo lang ako, I'll promise to make you happy. Please, Arwin. Accept my love," pagpupumilit nito habang pilit na pinagdidikit ang kanilang mga mukha. She looks so desperate to get him.

Huminga siya nang malalim. "May mahal na 'ko, Rebecca. I'm sorry. Kaya naman kitang tanggapin bilang kaibigan. In fact, I can find better admirers for you. But please, spare me. I'm totally taken. Maganda ka. Don't waste yourself for me."

"'Yun na nga Arwin. Maganda ako. I'm drop dead gorgeous. Pero bakit hindi mo 'ko magawang tingnan in a romantic way? Sino ba'ng pinalit mo sa 'kin? Sino ba 'yang babaing ipinagmamalaki mo. Bring that bitch here then compare us," anito na may halo nang galit ang boses.

"I'm sorry." Alam niyang hindi lang sila magkakaintindihan kaya mas maganda nang hindi na siya makipagtalo pa.

Yumuko ito. Then he heard her sob. Mukhang sobrang naapektuhan ito sa mga sinabi niya. But, atleast, alam niyang natauhan na ito. Alam niyang masakit para sa isang tao ang i-turn down pero alam niyang mas masakit kung habang-buhay itong magpapakatanga para sa kanya.

He held her chin. Ngunit nagulat siya nang bigla siya nitong hatakin palapit dito. The next thing he knew, she was kissing him.

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon