CHAPTER 5.1

544 19 2
                                    

            "KANINO NAMAN galing 'yang mga bulaklak na 'yan?" usisa ni Heidi nang makapasok sa bahay ni Nadine nang araw na iyon. Halatang nagtataka ito dahil kahit minsan ay hindi pa siya tumanggap ng bulaklak na bigay lang ng kung sino. Pero hindi naman kung sino lang ang nagbigay sa kanya ng red roses na iyon.

Galing iyon sa sweetest friend of all time niyang si Arwin. Magtatatlong linggo na itong nag-e-effort na bigyan siya ng kung anu-anong regalo at halos magmukha nang flower shop ang bahay niya sa dami ng mga bulaklak na ibinibigay nito sa kanya.

Magtatatlong linggo na silang kaibigan. Pero hindi iyon ang ikinababahala niya. May sinabi rin kasi ito sa kanya at sa tingin niya ay masyado pang maaga para roon. Iyon nga lang, baka pagsisihan niya ang magiging desisyon niya kapag nagpa-choosy pa siya. Kaya niya t-in-ext ang best friend ay para sabihin dito ang lahat ng concerns niya.

"Kay Arwin galing 'yang mga 'yan," pag-amin niya habang prenteng nakaupo sa sofa at kumakain ng brownies na bigay din ng binata.

Nagmamadaling umupo sa harap niya ang kaibigan. "You mean, nanliligaw siya sa 'yo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kanya. Exaggerated ito kung mag-react kay hindi niya maiwasang matawa.

Kunsabagay. Minsan na nitong nakita si Arwin at halatang na-stastruck ito sa binata. Kulang na lang ay sugurin na nito ng yakap ang lalaki dahil sa sobrang kaguwapuhan nito.

"Grabe ka naman maka-react," pakli niya. "Oo. Tinanong niya 'ko kagabi kung puwede ba niya akong ligawan. 'Sabi ko, pag-iisipan ko muna. Kasi alam mo 'yun? Parang masyadong mabilis? Halos three weeks pa lang kaming magkaibigan tapos aakyat na kaagad siya ng ligaw? Ano 'to? PBB Teens?"

"Gaga!" singhal nito. "Kahit kailan, shonga ka talaga, Nadine. 'Yung gan'ung looks? Pinaghihintay mo? Dapat pumayag ka na! Hindi ka naman diyosa para hintayin ka niya nang panghabang-buhay."

"Kung talagang desidido siya, hihintayin niya 'ko. Ganu'n ang love, gaga. Hindi 'yong bibigay ka kaagad. 'Tulad mo naman ako sa 'yo?" ganti niya sa mga eksaherada nitong banat.

Napakamot sa ulo nito si Heidi. "Tange! Grab the opportunity, ate! Hindi lang naman 'yung stunning good looks niya ang pagbabasehan mo, eh. Natatandaan mo ba nu'ng nilapitan ka niya sa park para lang abutan ng panyo? How cool is that? May makikita ka pa bang ganyan ngayon? Baka nga pagtawanan ka pa 'pag nakita kang humahagulgol na parang batang naagawan ng camdy."

Napaisip siya sa sinabi nito. May point nga naman ang kaibigan. Isa pa, kapag nanligaw ang lalaki ay saka niya ito makikilala nang lubusan. Mas masarap yata sa pakiramdam na kilalang-kilala mo na ang lalaki bago mo ito maging boyfriend.

Boyfriend ka d'yan! Sita ng isip niya.

Bakit? Puwede naman ah, singit naman ng maliit na bahagi ng utak niya.

"Fine!" aniya na nag-hands up pa. "Kapag nagpunta siya ulit, sasabihin kong payag na akong magpaligaw. Mahirap na. Baka maging kabit mo pa siya. Hindi ako papayag do'n 'no!"

Hindi pa nakakasagot ang kaibigan kapwa na nila narinig ang tunog ng doorbell. Saglit silang nakgkatinginan bago siya natilihan. Alam na niya kung sino iyon.

"Magtago ka muna, best!" patili niyang sabi at itinaboy ang kaibigan patungo sa likod ng divider malapit sa kusina. "Kailangang kaming dalawa lang para hindi siya mailang. Exit ka muna!"

Sinenyasan lang siya ng dirty finger ng kaibigan at hindi na nagsalita pa. Natawa na lang siya sa reaction nito. Kahit kailan ay luka-luka talaga ang kaibigan. Kahit naman kasi anong gawin nito ay ipagpipilitan niyang magtago muna ito para walang maksiara sa momment nila ni Arwin.

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon