"OH? NAPADALAW KA?" nakangiting bati ni Nadine kay Steed nang pabuksan niya ito ng pinto. Alas quatro pa lang noon ng madaling araw kay hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Nagising na lang siya nang kusa sa paulit-ulit na tunog ng doorbell. "Ang aga mo ah," pupungas-pungas niya pang dugtong.
Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto at iginiya ang kaibigan sa sofa. Inalok niya ito ng kape at ng kung anu-ano pero tumanggi lang ito. Pansin niyang seryosong-seryoso ito, malayo sa Steed na kakilala niya. Nakadagdag pa sa pagtataka niya ang backpack nito na parang punong-puno ng laman. Aalis ba ito? Pero saan naman ito pupunta?
Umupo siya sa harap nito. "Ano'ng kailangan mo, Dude?? Saan ka pupunta? Bakit para kan high school student na naglayas?" pang-aasar niya rito. Suprisingly, hindi nito kinagat ang joke niya. Ni hindi man lang ito ngumiti. Nakaramdam tuloy siya n kaunting pagkapahiya.
"Aalis na 'ko sa Crimson Skulls," diretsahang sabi nito. Hindi siya kaagad nakapag-react dahil nasa state of shock pa ang sistema niya. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "All these years, pinilit nating paunlarin 'yang walang kuwentang bandang 'yan. Si Drew ang nagpo-provide ng financial needs natin pero hindi naman sa kanya naibabalik ang kita niya. Can't you see, Nadz? Para lang tayong namamalimos. Napupuri tayo, yes. Pero hanggang gano'n lang. Nagsasayang lang tayo ng panahon para sa wala. Imbes na nagtatrabaho tayo para may matino tayong pagkukuhaan ng kita, narito tayo at sumusubok nang sumusubok para sa kakapiranggot na perang kikitain natin."
"Hindi!" marahas niyang tanggi. "Napakahina mo naman, Steed. Dahil lang sa ganyan kaliit na problema, eh, susuko ka na? Sisirain mo ang lahat. Sisirain mo ang mga pangarap natin na maging best band sa Pilipinas. Oo, aaminin ko. Nagigipit na 'ko sa pera dahil hindi talaga sapat ang kita natin sa pagbabanda. Pinipilit kong pagkasyahin ang pinapadalang pera ng pinsan ko at ang kinikita ko sa pang-araw-araw. Pero nagrereklamo ba 'ko sa inyo? Hindi 'di ba? Tapos ikaw, aalis ka na lang nang basta-basta?"
"Kahit ano pa'ng sabihin mo, ayoko na talagang mag-stay sa banda niyo. Aalis ako, Nadine, Hahanapin ko ang sarili ko. Hindi ako nababagay sa pagbabanda. Alam ko namang makakhanap pa kayo ng 'di hamak na mas magaling kaysa sa akin. I'm sorry."
Napatayo siya at binigyan nang malakas na sampal ang kausap. "Ang sama mo! Wala kang kuwenta. Hindi mo man lang ba kami inisip? Hindi ka puwedeng mang-iwan nang basta-basta! Napaka-iresponsable mong tao, Dude!"
"So ano'ng gusto mong gawin ko?" mahinahon pero sarkastiko nitong tanong. "Maghintay na tuluyang lumubog ang Crimson Skulls at mawalan ng kapasidad para mabuhay nang maayos? Hindi ganitong buhay ang pinapangarap sa akin ng mama ko noon. She want me to be as successful as my fucking father!"
Nabawasan ang galit at inis niya nang marinig ang mga sinagot nito. Alam niyang emosyonal si Steed when it comes to family. Alam niya ang hirap na pinagdaanan nito. Alam niya ang sakit at poot na bumabalot sa puso nito dahil sa pag-abandona ng ama nito sa kay Steed at pagsama ng mama nito sa ibang lalaki. The best word to describe his family is the word broken. Super broken to be exact. Kung anumang pinagdaanan niya ay mas doble ang pinagdaanan nito.
Tumayo ito at akmang maglalakad na palabas pero hinarang niya ito. Hindi siya papayag. Hindi niya hahayaang mauwi lang sa wala ang lahat. Nangarap sila nang mataas. Ipinangako ng buong banda na magiging sikat na banda sila balang-araw. Kung kinakailangan niyang lumuhod ay gagawin niya alang-alang sa career nila.
"You can't do this, Steed. Magagalit ang buong banda sa 'yo," pagpigil niya rito. In-expand pa niya ang mga braso para masiguro na hindi ito aalis dala ang gano'ng desisyon. "Hindi puwede."
"I'm sorry," malamig nitong sagot bago buong-lakas na tinabig ang braso niya. Napaupo siya sa sofa.
Nagpatuloy ito sa paglakad hanggang sa makarating ito sa pinto. Ilang beses siyang nakiusap, but the man was very ruthless. Umiyak na siya at lahat-lahat pero nagpatuloy pa rin ito sa pag-alis. He left her and all of their bandmates dream hanging in the space.
BINABASA MO ANG
Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)
RomansaArwin was a writer. Nadine was a band vocalist. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the ki...