Magkahalong gulat at tuwa ang unang naramdaman ni Arwin nang mga sandaling iyon. He was standing infront of his door one sunny morning while he saw a very familiar face opening the gate. Kagigising-gising niya pa lamang nang mga sandaling iyon kaya hindi pa siya nag-aalmusal. Inuna niyang lumabas at mag-stretch sa harap ng kanyang pintuan.
"Good morning," masiglang bati sa kanya ni Nadine habang bitbit-bitbit ang isang tupperware na may katamtamang laki. Gusto niya mang itanong kung para sa kanya ba iyon at mas pinili na niyang manahimik.
Yes. A very good morning for me, gustong sabihin ng isip niya. "Good morning rin. You look so good today. Kunsabagay, you are so beautiful everytime." Hindi na niya hinintay na tuluyan itong makalapit sa kanya. Mabilis pa sa kunehong sinalubong niya ito.
"Bolero," nakangiting tudyo nito sa kanya. "By the way, para sa 'yo," anito sabay abot ng tupperware. "Nagpadala na kasi 'yung pinsan ko. And since, hindi pa 'ko nakakapag-thank you para sa lahat ng kabaitan mo, naisip kong ipagluto ka na lang."
Lalong lumuwang ang matamis na ngiti sa mga labi niya. "Thanks a lot. Hindi mo naman kailangang mag-abala. Ginagawa ko 'yung mga bagay na 'yon para mapatunayan sa 'yo kung gaano ako ka-sincere. That's why, you don't have to thank me."
Masuyong ngiti ang iginanti nito sa mga sinabi niya. Umaga pa lang, kumpleto na ang araw niya dahil nakita na niya ito. He never felt this way before. Not with anyone. The feeling was very new. Very, very new to him. Ang alam niya'y inis siya sa dalaga dahil wala itong kasing-taklesa. But he was wrong. Dahil heto siya ngayon at daig pa ang teenager na katabi ang kanyang crush kung makaasta.
"'Pasok ka muna," nakangiti niyang alok bago nagpatiunang luwangan ang pinto ng kanyang bahay para sa babae. Sumunod naman ito sa kanya at umupo sa sofa.
"May gusto ka bang kainin? Nag-breakfast ka na ba? Gusto mo ba, ipagluto kita?" parang ewan niyang tanong. Daig niya pa ang pusang natatae. Hindi siya mapakali. He wanted to please her a lot. "Sabihin mo lang kung anong kailangan mo, ha?"
Nakita niya ang paghagalpak ng tawa ng babae. "'Wag ka ngang OA. Sasabihin ko naman kung may kailangan ako, eh. Nag-almusal na 'ko kaya 'yang sarili mo na ang asikasuhin mo."
Mablis siyang umupo sa harapan nito at inilapag sa coffee table ang tupperware na inabot nito sa kanya kanina. He wants to stare at her, gaano man katagal niya iyon gawin.
Tumayo ang babae at nagsimulang maglakad. "Ako na ang kukuha ng kanin na aalmusalin mo. Kung hindi mo pa nata-try magtanghalian sa paraang ginagawa ko, well, tuturuan kita." Nagtungo ito sa kitchen.
Agad niya naman itong sinundan at ginagap ang mga kamay nito. "Kaya ko naman kahit hindi ako kumain ng isang buong maghapon. But in return, I need to stare at you the whole day para naman makumpleto ang araw ko."
Napansin niya ang bahagyang pagkahiya ng babae pero hindi niya iyon pinansin. Bagkus, walang pag-aatubili niya itong niyakap nang mahigpit. She was the only woman for him. And he was the right man for her. Anuman ang gawin nito, mamahalin niya pa rin ito.
Hindi niya alam kung kailan at kung paano nagsimula ang pagmamahal niya sa dalaga. But Arwin knew, tama ang desisyon niyang mahalin ang tulad ni Nadine. Kahit tumanggi pa ang mommy niya o ang dalawang kuya niya, hindi niya ito igi-give up. At sa oras na sagutin siya nito, he will make sure that Nadine will be treated as a princess.
BINABASA MO ANG
Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)
RomanceArwin was a writer. Nadine was a band vocalist. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the ki...