MAS EXCITED PA kay Nadine ang mga kabanda niya nang malamang magsu-swimming sila ngayon. All-out expenses iyon ni Arwin kaya mabilis pa sa alas-quatro ang pagpayag ng mga ito na sumama. Kasalukuyan sila ngayong naghihintay kay Drew na hindi pa rin dumarating. Super late na ito. Ginawa na nilang meeting place ang bahay niya.
Si Harvey na ang sumagot sa bayad sa driver at van na maghahatid sa kanila sa airport. May-kaya rin ito sa buhay dahil dati itong international photographer kaya alam niyang hindi rin ito magdadamot sa puwede nitong itulong. Sa katunayan, sila lang naman ni Steed ang 'dukha' sa Crimson Skulls.
"Nag-text na si Drew," inis na anunsyo ni Crate. "On the way na daw siya. Dapat kasi iniwan na lang 'yung pagong na 'yon, eh. Masyadong paimportante."
Nang balingan niya si Arwin ay patapos na itong magsalansan ng mga gamit at pagkain sa likod ng van. Gusto niya sana itong pigilan dahil siya na ang nahihiya. Ang binata na nga ang sumagot ng halos lahat-lahat, ginawa pa itong instant alalay ng mga tamad niyang bandmates. Kaya lamang ay hinayaan na lang rin niya ito dahil ito naman ang nagkukusang-loob.
"'Tagal ha," inip na sabi ni Heidi habang nakasandal sa gilid ng van, katabi ang asaw nitong si Gilbert na nakaakbay pa sa kaibigan niya. "Masisira ang birthday ni Nadz. Baka hatinggabi na tayo makarating sa destinasyon natin. Sasapakin ko 'yan si Drew eh!"
"Baby, calm down," ani Gilbert habang nilalambing-lambing ang asawa. "Si Nadine nga, pa-easy-easy lang, tapos ikaw, high blood kaagad."
"Pa'nong hindi maha-high blood 'yan, eh, naka-perfect attire na. Excited na 'yang si Heidi," natatawang singit ni Crate.
Napangiti siya sa tinatakbo ng usapan ng mga baliw. Oo nga pala, birthday niya na nga pala. Iyon ang dahilan kung bakit nanlibre si Arwin at nagyayang mag-beach. Tamang-tama lang rin dahil summer na. Two days before her birthday, nag-anunsyo na ito sa Crimson Skulls na magkakaroon sila ng swimming sa pribadong resort ng mga ito sa Aklan.
Nasapo niya ang dibdib. Iba na ang pintig niyon. Mas buhay. Mas masaya. Hindi na siya ang babaing araw-araw umiiyak dahil sa santambak na problemang kinakaharap niya. She's now enjoying her life na para bang wala ni isa mang bumabagabag sa puso niya.
"Nadine," pukaw sa kanya ng lalaking laging laman ng isip niya. Napansin niyang may hawak itong balabal. Iniligay nito iyon sa mga balikat niya. "Alas-dos pa lang ng madaling-araw. Kailangan mo 'yan."
Totoo ang sinabi nito. Medyo nilalamig pa siya. Kanina pa siya nakatayo sa harapan ng gate dahil wala na siyang puwedeng upuan. Kanina pa nila hinhintay ang pagdating ng the best nilang kabanda na mag-iisang oras nang late.
"Salamat ha?" aniya na pinakatitigan pa ito para maipakita ang sinseridad sa mga salit niya. "Pasensiya ka na. Sobra-sobrang istorbo na 'to."
Ngumit nang ubod ng tamis ang lalaki. And she hates her heart for reacting too much. Lagi na lang ganoon ang nararamdaman niya sa tuwing nginitngitian siya nito. Kahit 'pag nagdadaiti ang mga balat nila, pakiramdam niya ay may kakaibang spark na umiilaw sa paligid niya. She was like a criminal. He was like a police. At sa tuwing nararamdaman niya na ang presensiya nito ay nagpa-panic na ang sistema niya.
Walang anu-ano'y inakbayan siya nito na naging dahilan para ikabuhol na naman ng sistema niya. "Don't mind it. You know I'll do anything and everything to please you. Gan'on ako kaseryoso sa'yo," bulong nito bago hinawi ang buhok niya at inipit iyon sa likod ng kanyang tainga.
"Guys! I'm sorry!" malakas at humahangos na sabi ni Drew habang nagmamadali sa pagtakbo palapit sa kanila. "Tara na?"
BINABASA MO ANG
Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)
RomanceArwin was a writer. Nadine was a band vocalist. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the ki...