HINDI MAWALA-WALA ang ngiti sa mga labi ni Arwin nang mabasa ang isang post sa kanyang fan page. Galing ito sa Nadine Elisse I. Ludivico. Napaka-sweet nito kompara sa ibang mga fans niya, pero in a decent way. Hindi ito tulad ng ibang babaing parang taga-club kung manalita.
Natatandaan niya ang pangalang iyon. Laging nasulat at nagpo-post sa page niya ang babae. Pero taliwas sa dapat niyang maging reaksiyon, hindi siya nakukulitan dito. As a matter of fact ay naaliw siya sa mga kinukwento at sinasabi nito.
Sa pagkakatanda niya ay isang beses niya lang sinilip ang profile picture at ang profile nito. Hindi kasi siya mahilig mangutingting ng facebook ng isang tao. Busy kasi siya sa sarili niyang mundo at waste of time lang kapag nag-browse pa siya ng mga hindi naman kailangan sa nobela niya.
Kaya lang naman siya busy sa pagba-browse ngayon ay dahil wala pa siyang maisip na nobela. Nag-aalangan na talaga siyang ituloy ang romance story na sinimulan niya dahil hindi niya na ito nagawang dugtungan pa. Name-mental block siya sa tuwing maiisip niya na romance ang ginagawa niya.
Alam mo ba Raven Neil? May buwisit na lalake akong nakaaway. Ang yabang! Akala mo kung sino. Mukha ngang mayaman, masama naman ang ugali. Hindi katulad mo. Pakiramdam ko close friends tayo. :) Pero nu'ng nabasa ko 'yung novel mo, nawala kaagad 'yung bad trip ko. :)
"How sweet," natatawa niyang sabi. "Kung ganito ba naman ka-sweet ang girlfriend ko, malamang para akong teenager na kinikilig."
Totoo iyon. Ang mga simpleng salita lang ng isang tao ay naa-appreciate niya agad. Hindi kasi siya manhid pagdating sa gano'ng bagay. Para saan pa at nagin writer siya? Isa iyon s amga natutunan niya sa pagsusulat. Kailangan niyang makiramdam. Kailangan niyang magmasid sa paligid.
Nag-comment siya sa post nito ng: Wow! We have the same dilemma. Ganyan rin ang kapitbahay kong babae. Napakataklesa. Hayaan mo na. Ganyan na siguro ang mga tumatanda.
Tama naman ang sinabi niya. Pareho sila ng babae. Ito yata ang naging female version niya. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng puwede niyang maging kapitbahay eh, ang bunagngerang iyon pa ang nakatabi ng bahay niya. Sasapukin niya talaga ang kaibigan niyang nagbenta sa kanya ng bahay niya kapag nagkita sila. Hindi man lang nito nasabi na may kapitbahay pala siyang maluwang ang turnilyo sa utak.
Mabilis ang naging respond nito sa comment niya. Nag-comment back kaagad ito. Siguro ay nakababad rin ito ngayon sa internet kaya nasagot kaagad ang sinabi niya.
Yup! Sarap kalbuhin ng lalaking 'yon! Alam mo ba? Nilait-lait niya ako! 'Sarap niya hampasin ng tubo eh, inis na inis na reply nito.
Ang lakas ng tawang pinakawalan niya habang kini-click gamit ng mouse ang profile ng babae. Mabilis rin na naglaho ang tawa niya nang makita ang picture nito. Tinitigan niya iyon nang maigi bago tuluyang nakumbinsi ang sarili.
Hindi siya maaaring magkamali. Ang Nadine na iyon ay ang walanghiyang kapitbahay niya!
BINABASA MO ANG
Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)
RomanceArwin was a writer. Nadine was a band vocalist. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the ki...