CHAPTER 10.3

468 19 0
                                    

HATINGGABI na nang nagpasya si Arwin na bumalik sa bahay niya. Pitong oras siyang naghintay sa harap ng pinto ni Nadine. Alam niyang malaki ang kasalanan niya rito, pero nag-bakasakali pa rin siyang pakikinggan siya nito at kakausapin. But he was wrong.

Kunsabagay. Sino ba ang tangang makikipag-usap sa taong nanakit sa kanya? It was his fault. Dapat noong una pa lang ay kinaladkad na niya si Rebecca palabas. Ang tanga-tanga niya. Hindi niya man lang naisip na puwedeng dumating si Nadine anumang oras at makita si Rebecca. Hindi niya man lang naisip na magseselos ito at masasaktan.

Darn. Hindi ko alam ang gagawin ko. I'm really sorry, Nadine. Please.

Nang makapasok siya sa sariling bahay ay uminit ang ulo niya. Naroon pa rin si Rebecca. Nakaupo ito sa sofa at hinihintay ang pagdating niya. Kaagad itong tumayo nang makita siya at lumapit sa kanya.

"Arwin, are you alright?" parang tangang tanong nito kahit nakikita naman nitong umaagos na ang luha sa mga mata niya.

"Mukha ba akong alright?! Nagalit sa 'kin si Nadine! Ayaw niya akong kausapin, ni ayaw niya 'kong makita. Now, you're asking me if I'm alright?!" dumadagundong niyang sigaw kahit pa ang lapit-lapit lang ni Rebecca sa kanya. It was totally her fault. Kung hindi dahil sa kalandian ng babaing ito ay hindi hahantong sa gan'on ang lahat.

"I-I'm sorry, Arwin. Sana alam mong ginawa ko lang 'yon because I love you," anito bago hinawakan ang pisngi niya. "Dahil wala na kayo, I'm willing to catch you."

Walang anu-ano'y hinaklit niya braso nito. Nakita niya sa expression ni Rebecca na nasaktan ito but he didn't care. "Wala kang karapatang sabihin 'yan. And don't you dare to say that you'll catch me dahil walang-wala ka sa kalingkingan ni Nadine. At 'wag na 'wag kang magkakamaling lumapit o magbanta kay Nadine dahil kakalimutan ko ang ugnayan ng mga parents natin. I will surely kill you, kahit babae ka pa!"

"A-Arwin," nahihintakutang sabi ng babae.

Sa sobrang galit niya ay kinaladkad niya ito hanggang sa labas ng gate at halos naibalibag niya ito patungo sa kotse nito.

"Don't you dare to come back here!" nakaduro niyang sigaw saka nagmadaling pumasok sa bahay. Napadausdos naman siya paibaba nang maisara niya ang pinto.

Ngayon lang siya na-in love. Ngayon niya lang naranasan ang gan'ong pakiramdam. Ngayon lang siya umiyak nang husto. Ngayon lang siya nakasakit ng iba in the name of love.

At ang pinakamasakit sa lahat, ngayon niya lamang naranasan ang mabigo.

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon