CHAPTER 8.2

413 14 0
                                    

THE PLACE WAS truly nice. O mas tamang sabihing perfect. Nang makarating sila sa airport kanina sakay ng van ay alam na ni Nadine na maganda ang lugar na pagdadalhan ni Arwin sa kanila. But she never knew that it would be the greatest paradise she will ever see. Hapon na nang makarating sila sa Boracay pero matataas pa rin ang energy nilang lahat.

"Ang ganda naman dito!" bulalas ng halos lahat ng kasama nila. Nag-unahan pa ang mga ito sa pagbaba ng jeepney na sumundo sa kanila sa airport ng Caticlan, Aklan. Nag-biyahe sila patungo sa private resort ng mga Narvedez.

"Nagustuhan mo ba?" ani Arwin bago ginagap ang kamy niya at inalalayan siya sa pagbaba ng sasakyan. "Beach resort ito ni Mommy. Regalo sa kanya noon ni Daddy as an anniversary gift."

"Mayaman pala talaga ang pamilya mo," wala sa sariling untag niya habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng resort. "No wonder, suwerte ang babaing mapapangasawa mo." Natigilan siya. Ano bang sinasabi niya. Kahit kailan talaga at walang preno ang bibig niya.

"Ikaw lang naman ang gusto kong mapangasawa, eh," sinserong sabi nito. Pinisil pa nito ang palad niya para siguro ipahiwatig kung gaano ito ka-seryoso sa sinasabi nito.

"Sir Russell," anang isang lalaking nasa late fifties na suguro ang edad. Nakangiti ito at naglalakad patungo sa direksyon nila. Nakasentro ang atensiyon nito kay Arwin. "Ang tagal niyo hong hindi napabisita ah."

Russell? Bakit naman Russell ang tawag ni Manong kay Arwin?

"Mang Iko,kamusta po?" masiglang bati ni Arwin sa matanda. Nasa harap na nila ito at tila masayang-masaya sa pagmamasid sa kanilang dalawa. "Siya ba ang inyong nobya?"

"Ah. Nililigawan ko pa lang po siya," magalang na sagot nito. "Siya nga po pala si Nadine."

"Hello po," magalang naman niyang bati bago inilahad ang kanang kamay. "Pleased to meet you po."

"Nasa jeep pa ho ang mga gamit namin, Mang Iko. Pakidala na lang po sa resthouse," ani Arwin.

"Oh, siya. Sige. Maiwan ko na muna kayo," nakangiting paalam nito bago sila nilagpasan at tinungo ang jeepney.

"Bakit Russell ang tawag niya sa'yo?" usisa niya nang silang dalawa na lamang ulit ang magkasama. Magkahawak-kamay silang naglalakad at ninanamnam ang mala-pulburong buhanginan. Napakaganda talaga ng lugar na iyon. Such a romantic place for a couple like them.

Couple? natatawa niyang ulit sa kanyang isip.

"Mahaba kasi ang pangalan ko," nakangiting tugon nito. "Russell Arwin Vincent Evangelista Narvedez. Nakakapagtaka nga, eh. Isipin mo, Mark Kevin at Zac Juancho lang ang pangalan ng mga kuya ko. Samantalang pagdating sa 'kin, ibinuhos yata nina Mommy ang lahat ng mga pangalang naisip nila."

Napahagikhik siya. May point ito. Kasing-haba ng San Juanico bridge ang pangalan nito na animo'y tatlong tao na ang puwedeng gumamit. "May point ka."

Sunod na namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Nakakabingi. Hindi niya napansin na huminto na pala ang binata sa paglalakad. Basta na lamang niyang naramdaman ang paghila nito sa kanya. Awtomatiko siyang napaikot na animo'y nagsasayaw. Napasinghap siya nang matapat na ang kanyang mukha sa mukha ng binata. Sobrang lapit na nila sa isa't isa at halos dikit na ang mga tungki ng ilong nila. She could smell and feel his freash breath. Bigla ay nagrigodon ang puso niya. Para siyang natutunaw sa paraan ng pagtitig nito.

Walang anu-ano'y tinawid nito ang distansiya sa pagitan ng mga labi nila. Awtomatiko siyang napapikit nang ilapat nito ang mga labi nito sa mga labi niya. Wala sa sariling naikawit niya ang mga braso sa leeg nito, forcing him to kiss her more. He was an expert kisser. She wasn't like that. Pero ginawa niya ang lahat para tapatan ang sarap at init ng mga halik nito.

He moved his lips on her upper, and then lower lip. And when she parted her motuh, Arwin completely owned it with his tongue. He wa the best kisser indeed. Pakriamdam niya ay tumigil ang pag-inog ng mundo nang mga sandaling iyon. She felt so hazy.

She knew, deep inside her heart, that she's now completely in love with this man.

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon