CHAPTER 6.2

434 16 0
                                    

HINDI ALAM NI Nadine kung paano niya pipigilin ang pagtili na para bang may ipis na gumagapang sa balikat niya matapos mabasa ang text ng dearest manliligaw niyang si Arwin. Hatinggabi na pero hindi pa rin siya natutulog. Kung dati ay hindi niya matiis na hindi matulog ng maaga, ngayon ay okay lang kahit magdamag pa siyang maglamay. Nakahiga lang siya pero wala pa siyang nararamdaman ni katiting na antok.

Matulog ka na ha? Ayokong napupuyat ang pinakamagandang babae sa buhay ko. Sana one of these days, sagutin mo na ko. I love you.

Para siyang tanga na paulit-ulit na binabasa ang text na iyon ng binata. She was very happy indeed. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakasuwerteng babae dahil nakilala niya ang best man sa buong Milky Way galaxy. Bibihira ang mga Eba na nakakaranas pa rin ng special treatment hanggang ngayon. Madalas ay ang mga babae na ang naghihirap sa kamay ng mga lalaking napili nila. Pagkatapos ng kanilang sumpaan sa altar, masaya sila. Pero sa paglipas ng mga taon, buwan, o kung minsan ay araw pa lang, ay isusumpa na ng mga ito ang isa't isa.

But Arwin was too different. Gentleman, galante, mabait, mapagmahal, matiyaga. Wala na siyang mahihiling kapag ito ang napangasawa niya. At oras na sagutin niya ito, sigurado siyang wala siyang anumang pagsisisihan. She knew she will love him the way he loved her, too.

Oh yes I will, nakangiti niyang sabi bago ipinikit ang mga mata.

Wala ring nangyari sa pagpipilit niyang matulog. Dalawampung minuto siyang pumikit at kinukumbinsi ang sarili na magkaka-pimples siya kapag hindi pa rin siya natulog. Idinilat na lang niya ulit ang mga mata. Hanggang sa pagpikit niya ay si Arwin pa rin ang nakikita niya. Naririnig niya pa rin ang boses nito na parang sweet harmony ang dating sa kanya.

"I hate you Arwin!" ubod-lakas niyang sigaw bago sumubsob sa kama at tinakpan ng unan ang tenga.

Once-in-a-lifetime Moment With You (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon