H'wag mo akong I - HA!
Sophia's
"Good morning, Tita, si Mcbeth po?"
Kay aga – aga kong dumayo sa bahay nila Mcbeth. Ang sabi niya kasi kailangan niya ng study buddy at hindi siya masyadong makapag-aral kapag nag-iisa lang siya, Madali kasing ma-distract ang loko. Noong high school kami, ang talino niya, palagi nga kaming naghahabulan sa class ranking pero noong nag – Senior high kung hindi siya pang 2nd, pang 3rd siya. Nabarkada kasi si Mcbeth tapos iyong mga barkada niya medyo wala sa landas. Palagi ko nga siyang sinasabihan noon na h'wag niyang sayangin ang chances niya dahil sayang naman talaga.
"Andyan ka pala, Pia. Andoon pa si Mcbeth sa taas, tulog pa. Pasukin mo na lang sa kwarto niya." Nagbless muna ako kay Tita bago ako umakyat. Sanay naman ako sa bahay nila, palagi naman ako dito at nakasanayan na rin ako ng mga tao rito. Habang paakyat ay nasalubong ko si Kuya Paolo. Mukhang kagigising lang rin niya.
"Aga, Pia ha." Bati niya sa akin.
"Oo nga. Mag – aaral raw kasi kami pero tulog pa siya hanggang ngayon."
"Oo. Gago iyon, lumabas kagabi, kasama si Rocky. Pinagalitan na nga ni Mama kasi ginabi tapos lasing pa. Alam niya may midterms si Mcbeth this week pero inuna pa ang inom. Pagsabihan mor in iyan, Pia, sayo lang rin naman nakikinig iyan."
"Sus, Kuya Paolo, hindi nakikinig sa akin ito. Lalo na pagdating sa barkada.""Bahala kayong dalawa." Nilagpasan na ako ni Paolo. Nagpatuloy naman ako sa paghakbang hanggang sa tumayo na ako sa labas ng pinto ng silid ni Mcbeth. Ilang beses akong nagbuntong – hininga bago ko binuksan iyon. Nakita ko si Mcbeth na tulog pa sa kama niya. Napakagulo ng silid niya. Tipikal na lalaki, parang si Kuya Peter rin, medyo magulo ang kwarto kaya palagi ring napapagalitan ng Stepmom namin.
Lumapit ako tapos niyugyog ko ang balikat niya.
"Huy, Mcbeth, gising na, akala ko ba magaaral tayo? Huy." Dinutdot ko ang ilong niya. Noong una, wala siyang kagalaw – galaw pero nang kalaunan ay napansin kong tumaas ang balikat niya. Alam kong magigising na siya kaya lumayo ako sa kanya pero hinatak niya ang braso ko kaya bigla akong napahiga sa kama, siya naman ay niyakap ako at isiniksik pa ang mukha sa leeg ko, iyong binti niya, ipinatong niya sa binti ko tapos ay hinatak niya ako palapit.
Nanlalaki ang mga mata ko. Tumingin ako sa kanya. Nakapikit siya, bahagyang nakaawang ang labi niya. Alam kong gwapo si Mcbeth Arandia, matagal ko nang alam iyon – high school pa lang kaming dalawa, alam na alam ko na ang hitsura niya pero ngayon ko lang siya natitigan nang ganito kalapit.
Hindi pala gwapo siya gwapo – sobrang gwapo. Ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang mga pilik – mata ni Mcbeth. Matangos ang ilong niya tapos makipot iyong labi – very kissable. Nahalikan ko na siya noong isang beses pero Grade 7 palang kami noon, ganoon na katagal pero minsan pakiramdam ko nararamdaman ko pa rin iyong mga halik na iyon. Malaki ang pagkakahawig niya kay Kuya Paolo – sabagay, pati si Yves kahawig niya – lahat silang tatlo ay talagang magkakamukha na para bang hinulma sa isang arinola.
"Hoy!" Hinampas ko siya sa dibdib bigla siyang napaubo kaya ayun, dumilat ang loko. "Nagtext ka pa man din sa akin kagabi na agahan ko ang punta dahil mag-aaral tayong dalawa! Ano na?!"
"H'wag ka namang sumigaw, Pia, ang sakit sa tainga." Inikutan ko siya ng mata. May hang – over ang loko. "Ewan ko sa'yo, uuwi na lang ako, mag – aaral akong mag – isa, bahala ka na sa buhay mo." Pinanlakihan ko siya ng mga mata at pilit na kumawala sa mga bisig niya. Nang lingunin ko siya ay bumalik siya sa pagkakatulog. Napailing naman ako, mukhang wala siya sa huwisyo.

BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...