I really don't
Sophia's
Dalawang buwan ang matuling lumipas. Nakabalik na ako sa trabaho ko at maayos na ang pakiaramdam ko. Hindi na ako nagkakape o kumakain at umiinom ng kung ano – ano. Patuloy pa rin ako sa paggagamot, nakakatulong talaga sa GERD ko iyon, isa lang naman ang bagay sa akin na hindi yata magagamot kahit anong mangyari, iyong sugat ko sa puso. Masakit pa rin hanggang ngayon.
Dalawang buwan ko nang hindi kinausap si Mcbeth. Nagpalita na rin ako ng phone number kasi ayokong palagi niya akong tinetext. Sinabi ko na kay Daddy na break na kami ni Mcbeth pero hindi ko masabi sa kanya ang dahilan, paano ko naman gagawin iyon, sa sarili ko nga hindi ko maamin na ginago ako ni Mcbeth. Sa sarili k, hanggang ngayon indenial ako na gago siya at sinaktan niya ako. Ayokong tanggapin kasi may parte sa utak at puso ko na tumatangging ginawa niya iyon, naisip kong baka may dahilan siya, na baka nga mag pagkukulang ako...Siguro kasi naging busy ako sa work? O baka dahil madalas kong makalimutan ang monthsary at anniversary naming dalawa. Baka kasi dahil nahihiya ako sa PDA o baka dahil may sexual position na hindi ko magawa. Hindi ko alam. I randomly burst into tears. Natatakot nga sa akin minsan si Charisse dahil bigla – bigla na lang akong umiiyak.
"Pia?" Natulala na naman ako kaya ginigising na naman ako ni Charisse. "Okay ka lang ba? Tulalang – tulala ka eh."
"Ayos lang. Medyo puyat lang."
"Hay, naku Pia, h'wag mo nang isipin si Mcbeth. Hindi mo siya deserve." I only smiled. She was shaking her head. "Nga pala, may naghahanap sa'yo. I swear, hindi si Mcbeth iyon." Bigla akong natawa kahit na masakit sa pakiramdam na marinig ang pangalan niya. Lumabas ako para pumunta sa visitor's lounge kung nasaan iyong naghahanap sa akin. Napangiti ako nang makita ko si Lydia."Oh my god!" Napasigaw pa ako. She stood up and run to me. Nagyakapan kaming dalawa at nagtatalon pa. "Nakakaloka! Akala ko nasa Canberra ka?!"
"Oo! Pero umuwi na ako." Nagtatalon pa rin kaming dalawa pero tumigil kami noong pinagtatinginan na kami ng mga tao. We sat in the couch and faced each other.
"Bakit ka nauwi? Ang saya – saya ko." Ngayon lang ako nakaramdam ng genuine happiness. Si Lydia kasi ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan. Nagulat ako nang itaas niya ang kaliwang kamay niya at pinakita ang napakalaking singsing niya.
"I'm engaged." She announced. Natutop ko ang bibig ko.
"I'm so happy for you!" Niyakap kong muli ang kaibigan ko.
"I'm so happy for myself too!"
"Who's the lucky guy?" Curious ako.
"Remember Edmund Zulueta?" Tanong niya. Of course! Batchmate namin iyon noong college at isa siya sa mga kaibigan namin nila Mcbeth. Kaklase namin siya sa isang subject noon pero hindi sila masyadong close ni Edmund noon. Kilala si Edmund sa university noon na kung magpalit ng babae parang nagtatapon ng tissue.
"Kayo? Oh my god, diba babaero?"
"Sobra! Limang taon kaming dalawa at sa limang taon na iyon tatlong taon siyang nagloloko sa akin, pero nagtyaga ako. I wanted him. I love him kaya sabi ko sa sarili ko gagawin ko lahat para magtino ang mokong." Natahimik ako. Parang... parang pareho pala kami ng sitwasyon. "Ayon, awa't tulong ng Diyos, tumino. Natakot yata noong sinabihan kong iiwanan ko siya. Nagkaayos naman kami, hindi madali siyempre dahil nawalan talaga ako ng tiwala sa kanya, but he did everything to make things better for us hanggang sa nabuo na ulit ang tiwala ko, he proposed and were getting married nect month."
"Agad?" Tanong ko."Yes, at kaya ako nagpunta kasi gusto kong sabihin na ikaw ang Maid of Honor ko. Wala kang aalalahanin. Bukas, Saturday, may fitting ng gown, Pia. Everything is settled, you just have to show up there and look pretty."
BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...