Veintenueve

79.9K 2.8K 1.2K
                                        

Let's go

Sophia's

Kanina ko pa hinihintay si Mcbeth. Mag-to-two hours na akong nasa lobby ng tv station. I kept on texting him but I don't get any reply from him. Hindi rin siya sumasago sa tawag ko. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Baka nagalit siya kasi hindi ako naka-repky kanina, baka nagtampo na iyon o baka naman nagbago na ang isip niya? O baka naisip niyang ayaw niya pala sa akin at mas gusto niyang friends na lang kaming dalawa. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Malinaw naman sa usapan namin at paulit – ulit kong sinabi sa kanya kanina na sunduin niya ako. He agreed, pero bakit wala pa siya?

Two hours na pero wala pa siya. Naupo akong muli sa couch. Iniisip kong umuwi na, baka kasi hindi na niya ako sunduin. Baka kasi nagbago na ang isip niya. Sana man lang tinext niya ako para naman kanina pa ako umuwi. Nagugutom na ako. Habang nakaupo roon ay nakita ko si May Laurence. May kasama siyang babaeng mahaba ang buhok. Nagtagpo ang paningin naming dalawa.

"Pia!" She exclaimed. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nagbeso kaming dalawa. "Nabalitaan ko kay Yves ah! Magka-network na pala tayo! Nakakatuwa!" She was giggling. I just smiled. "Oh, bakit malungkot ka?"

"Wala naman. Sinong kasama mo?" Tumingin ako sa babae.

"Ah, si Danica. P.A ko, nandyan si Yves sa labas. May pupuntahan ka ba? Sumabay ka na sa amin. Pupunta rin kasi kami sa bahay nila. Dadalawin ko si Tita. Come."

Hindi na ako tumanggi. Gusto ko na ring umuwi. Binabalak ko nang mag-taxi, buti na lang at nakita ko si Lauren. Lumabas na kami ng main building. Nasa labas nga ang kotse ni Yves, bumaba pa siya para kuhanin si Lauren. They kissed, pinagbukas niya pa ng pinto ng kotse.

"Ano, Pia, kamusta?"

"Okay naman. Uhm, alam mo ba kung nasaan si Mcbeth?" Hindi ko natiis na itanong sa kanya.

"Hindi eh. Maghapon akong nasa farm sa Cavite. Hindi ko nga napansin kung nag-text siya kanina."

"Hindi ba sila magkasama nila Diego?"

"Hindi ko alam, pero si Diego, umuwi ng Bulacan ngayon."

Nasaan na kaya siya? Nag-aalala naman ako, baka mamaya kung ano – anong iniisip noon. Siyempre, siya iyong vulenerable rito. Matapos ng lahat ng nalaman ko kagabi, hindi ko maalis na hindi mag-alala para sa kanya. He's very fragile. Baka mamamaya hindi na naman siya makahinga, baka mamaya mawalan na naman siya ng malay.

"Pia, kain muna tayo ha." Sabi ni Yves habang nakasakay kami sa kotse niya. "Gutom na itong si B2 ko." Jusko, ang sweet – sweet nila. Lalo akong nagmamarakulyo. I looked at my phone, sakto nag-ring ang phone ko, nakita kong nag-flash ang name ni Kuya Peter sa screen pero nang sasagutin ko ay biglang namatay ang phone ko. Lobatt na ako. Nakakainis naman.

We went to Barrio Fiesta. Kumain rin ako pero nalulungkot talaga ako. Lauren keeps on making her happy tummy dance every time Yves put food in her mouth. She looked so cute – both are radiating. Mabilis lang ang pagkain namin, namili si Yves ng cake para kay Tita Elisa, muli sumakay kami sa kotse niya.

Tahimik na tahimik lang ako pero iniisip ko si Mcbeth.

"Pia?" Nagsalita si Yves. "Okay ka lang ba?"

"Huh? Yeah. I'm just tired." Maliban sa pagod ako ay iniisip ko si Mcbeth. Nasaan ba siya? Hindi nagtagal ay nakarating kami sa tapat ng bahay ko.

"Thank you, Yves..."

"You're welcome. Oh, ayan pala iyong kotse ni Mcbeth oh." Biglang naging alert ang sistema ko. Nakita kong nakapark iyong Fortuner niya sa tapat ng park. Nanlalaki ang mga mata ko.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon