Old Habits
Sophia's
Napapansin na ni Jean na palagi akong nagpupunta sa office nila. Naroon naman ako para ipakita kay Steve na no matter what gusti ko siyang makasama. Medyo okay na kami ngayon at nagamit ko na rin ang magandag undies ko. He's very malambing na ulo pero ramdam kong pareho naming iniiwasan ang topic tungkol sa work ko, alam naman namin kung saan kami dadalhin noon at hangg't maaari ayokong mag – away kami. I spent the last two nights in his apartment, we kind of catch up kaya masaya na ako.
"Buti ayos na kayo." Wika ni Jean sa akin habang nagta-type ng kung ano sa laptop niya. "Jusko, pagsabihan mo, Pia, madalas dito na natutulog sa office iyan. Madalas tumatawag ang guard kay Luigi in the middle of the night para sabihing nandito pa raw si Steve."
"Workaholic naman talaga siya."
"Oo, per he knows when to stop. Hindi siya ganyan sa New York Out noon. Baka kako nagtatampo talaga. Parang sumama ang loob niya sa amin ni Luigi noong pinayagan namin ang pag-resign mo para lumipat sa ibang kompanya. Ang amin naman, if it will help you grow, why not, diba? Kita mo ngayon, hinahabol ka pati ng mga new paper company. Anywa, kamusta iyong column mo sa Metro News?""Okay naman. Pang – third issue ko na sa Sunday, nakakatuwa naman iyong sinasabi ng editors sa akin, pero alam mo iyon, kahit masaya ako, I can't help but get sad kasi nga hindi masaya para sa akin ang boyfriend ko."
Jean clicked her tongue. "Sana maayos kayong dalawa." She smiled at me. Iyon lang rin naman ang gusto ko.
"Nasaan si Luigi?" I asked her."Nasa bahay ni Mcbeth. Nilalagnat iyong isa, dinalhan niya ng pagkain." Parang nagpantig ang tainga ko. "Mamaya babalik na rin iyon. Kakain kami eh."
"Kamusta naman si Mcbeth?"
"Ewan ko. Hindi pa nga tumatawag."
"Dapat alagaan siya ng girlfriend niya." Naiirita talaga ako kapag naaalala ko ang ginawa ng Leina na iyon sa akin."Wala yata si Leina. Narinig ko sila last time, may byaheng pa-Iloilo si Leina this week."
"Alam ba ni Tita?" I asked.
"Hindi ko sure. Hangga't maaari kasi hindi nagsasabi si Mcbeth sa Mommy niya—ay wait.
Her phone rang. Palagay ko si Luigi iyon, lumambing kasi ang boses ni Jean. I watched her. Namumula pa ang mga pisngi niya habang magkausap sila, saka nakikita ko kung paano kuminang ang mga mata niya kapag malapit si Luigi- lalo na kapag darating ang huli."What happened?"
"Ah, pinapupunta niya ako roon. Gusto raw ni Mcbeth ng chicken soup. Jollibee ang nadala niya."
"Pwede ba akong sumama?" I asked. Nag-aalala lang ako. I guess, he will always have that special place in my heart.
"Okay. Bili muna natin si Mcbeth ng soup."
"No need. Ipagluluto ko siya. Sana may mga ingredients siya sa bahay." Natatandaan kong gustong – gusto ni Mcbeth ang chicken soup ni Tita. Marunong ako noon. She taught me to cook it.
Jean drove. Hindi ko naman kasi alam kung saan siya nakatira. Basta napansin kong palabas kami ng Metro. Ilang minuto pa ay narating namin ang Antipolo. Sa isang subdivision kami pumunta. We drobve around hanggang sa huminto si Jean sa tapat ng isang three – storey house. Ang modern ng design noon, very millennial.
Pumasok kami. Earth tone yata ang theme ng bahay ni Mcbeth na bumagay naman sa design ng bahay niya. Luigi opened the front door, biglang nag-transform si Jean sa isang needy girlfriend na pumalupot agad sa boyfriend niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/147288565-288-k423477.jpg)
BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...