Trece

51.9K 2.1K 500
                                    

Sa Burnham

Mcbeth's

Maagang nagising si Pia ngayon. Maaga rin akong pumasok sa Inn, baka sakali kasing makasilay ako. Isang buwan na akong nandito sa Baguio. Isang buwan na akong puro na lang tingin sa malayo. Ang sabi kasi ni Mama Ver, wala raw akong karapatang lapitan si Pia. Wala naman talaga, pinagkakasya ko na lang iyong sarili ko sa pagtingin – tingin at pakikinig sa boses niya kapag nasa restaurant siya. Madalas siyang nakaupo sa terrace sa may kuwarto niya. Nagbabasa siya ng mga libro niya. Araw – araw paganda nang paganda si Pia at araw – araw nararamdaman kong lalong wala nang pag – asa. Araw – araw nandito si Bruce, nililigawan na nga yata niya si Pia – at wala akong magagawa.

He makes her smile.

Ang tagal – tagal na noong huli kong nakitang ngumiti si Pia ng ganoon kaya lalo kong naisip na hind inga panahon na kausapin siya.

Gusto ko pa rin siyang makausap pero kung hindi ko na siya makakausap, ayos na lang rin, kasi masaya naman siya. Kagabi nga hinarana pa siya noong Bruce tapos nakita kong nagsayaw pa silang dalawa sa may terrace. Wala, naranasan ko na rin iyong bigla na lang umiiyak, parang si Pia noon kapag nakikita ako tumutulo ng kusa ang mga luha.


Ang sakit pala. Pero naiisip ko, wala iyon sa kalingkingan ng tiniis ni Pia para sa akin.

Napabuntong – hininga ako. Natigil siya sa pagbabasa nang makita ni si Mama Ver. Hinagkan niya si Mama Ver at naupo muli siya at kinuha ang libro. Parang nag-uusap silang dalawa tapos at tumawa si Mama Ver, si Pia naman ay iling nang iling.

"Mcbeth." Tinapik ako noong kasamahan kong si Rico. Lumingon ako. "Tayo ka nang tayo riyan, magsimula ka nang maghugas ng plato."

"Oo. Sige." I took one last look at Pia before I go. Pumasok ako sa kitchen at nagsuot ng gloves at ng apron, sinimulan ko na iyong unanhg batch ng hugasin ko.

"Pre, gabi ka na nauwi kagabi ano?" Tanong ni Rico sa akin. "Ano bang ginagawa mo rito hanggang alas dos ng umaga? Sumama ka na lang sa amin mag-inom."

"Sa susunod na lang, Pre." Sabi ko pa.

"Sus, sinisilayan mo iyong apong blandina ni Ma'am Ver no? Mukhang boyfriend na niya iyong Bruce."


"Oo nga eh." Sabi ko pa.

"Diba? Swerte noong Bruce, ang ganda ni Miss Pia."


"Oo nga eh. Magkababata ata silang dalawa."

"Oo raw. Nakita ko sa may piano room, may picture si Sir Bruce at Miss Pia noon. Mga bata pa sila noon."

"Oo nga eh." Nakita ko rin iyon. Napabuntong – hininga na lang ako.

"Ano, Mcbeth, kamusta sa kusina?" Nagulat ako nang dumating bigla si Mama Ver, mukhang napagpasyahan niya akong bisitahin ngayon.

"Ayos naman, Mama Ver." Ngumiti ako habang niluluglugan iyong isang plato.

"Rico, pakitimpla mo nga ng kape si Pia."

Naalarma agada ko. Lumingon ako kay Rico at Mama Ver. Inaayos na ni Rico iyong coffee maker.


"Ma, h'wag, Rico, h'wag. Bawal kay Pia ang kape. May GERD siya. Baka sumakit ang tyan noon, madaling tumaas ang acidity niya."

"Ha? Panay pa namang nagkakape iyon. May gamot naman siya siguro."

"Kahit na po."

"Gusto ng apo ko ng kape, Mcbeth." May warning bells sa tinig niya.

"Pwede naman po. Pero iyong tutong ng kanin, tapos lalagyan ng almond milk po." Wika ko pa. Namaywang si Mama Ver.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon