Masaya
Sophia's
Seven months later...
"Jean!" I shrieked right after I saw Jean waiting for us in the departure area of NAIA. Kasunod kon si Steve na dala ang gamit naming dalawa. Jean was holding a piece of long-stemmed pink rose at ngiting – ngiti siya habang hinihintay akong makalapit sa kanya. We hugged each other – tightly and she kissed me. Binigay niya ang rose saka niya binalingan si Steve – the boyfriend. She pertains to him like that. Sa nakalipas na pitong buwan ay araw- araw kaming magkausap ni Jean sa facetime at sa viber. We're both updating each other sa mga maliliit na milestones sa buhay namin.
"I missed you two!" She exclaimed. "How was Canada? How's sex?" Walang abog na tanong niya. Nahampas ko siya sa braso. "What? You two stayed in the same house for seven months, mag-jowa kayo tapos walang sex?!"
"Uh... girl, that's too personal." Natatawang wika ko. Hinawakan ni Steve ang kamay ko para maalalayan ako. We are walking towards the exit, sa labas ay namataan ko agad si Luigi. He smiled when he saw us. Nakipag – high five siya kay Steve tapos ay humalik siya sa pisngi."Welcome back! And as a welcome back gift, dinner is my treat tonight, pasasarapin ko muna kayo kasi bukas, may staff meeting tayo at magtatrabaho na kayo. We need new ideas for the magazine, nauungusan tayo masyado ng kabila. We're only number two in sales hindi ako makakapayag.
"Jusko, Lui, kauuwi lang nila, tapos ang dami mo nang ganyan. Let them rest first. They are lovebirds they should really rest together."
"Whatever... Sakay na."
Nauna naming ihatid si Steve. Sobrang pagod rin niya kaya hindi ko na rin siya pinigilang bumaba ng sasakyan. He kissed me and then said goodbye to the other two. Napansin kong nagtitingnan nang makahulugan iyong dalawa sa harapan kaya napakunot ang noo ko.
"So, uhm, Pia, how was your flight?" Jean asked.
"Ayunin mo seatbelt mo." Wika ni Luigi sa kanya. Sumunod naman si Jean."Okay naman. It was long. Excited akong umuwi, miss ko na kasi sila Daddy especially si Rain at Perry. May mga pasalubong ako, sa inyo rin naman. Ay, wait, anong oras ang meeting bukas?"
"Mga 10 or 11?" Jean looked at Luigi.
"10:30ish."
"Ayun..." They both fell silent. Nakakapagtaka naman talaga. Si Jean pa ang tumahimik samantalang napakadaldal nito. Hindi na rin naman ako nagsalita, I closed my eyes so I can rest at talagang nakaidlip naman ako. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong hindi kami umaandar – as usual, traffic na naman."Mukhang matagal ito ha." Komento ko. Nakita kong pati si Jean ay tulog na rin. "Kamusta ang lahat?" Tanong ko kay Luigi. He just smiled.
"Lahat ba o may particular person?"
"Kasama na rin siya." Sabi ko. "But it's not like before." Na totoo naman. Ang tagal ko nang hindi naiisip si Mcbeth. Sa Canada ay sobrang nag-enjoy ako sa crash course ko roon, marami akong natutuhang mga new strategies and I'm ready to apply them in my workplace. Ang sabi sa akin ni Luigi ay mapo-promote ako once na bumalik ako, I'd be taking Jean's position. Jean will be the executive editor of the magazine, so in the end I will be working under her.
"Ahhh, si Diego, pabalik – balik ng Singapore. May business venture kasi roon si Uncle. Si Paolo, ayun, masungit pa rin, Yves and Lauren keep breaking up, si Mcbeth nasa uhm... nasa Japan pa rin."
"Ah, baka nga mag-asawa na siya pagbalik niya no." Wika ko. Pinakikiramdaman ko ang sarili ko but the thing is I am okay. Kung anuman ang mayroon sa amin ni Mcbeth noon, tapos na iyon, liken him, I want his happiness. Naisip kong may mga pag-ibig talagang hindi nagtatagumpay – isa na iyong sa aming dalawa roon. Masaya naman ako kay Steve, he makes me happy – lahat kapag kasama ko siya ay magaan plus he's always honest with me. Hindi ko hiniling sa kanya but he gave me the passcode in his phone and all his social media accounts – na-touched naman ako roon. He always tells me things about him, iyong mga kaibigan niya ay nakilala ko na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/147288565-288-k423477.jpg)
BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...