Ocho

52.5K 2.1K 561
                                        

Tarantado

Sophia's

Nakalabas na ako ng ospital pero ni-require pa ako ng doctor na magpahinga ng tatlong araw pa. Iyong mga trabaho ko ay pinadala ko kay Charisse sa bahay. Kailangan kong tapusin iyon dahil nakakahiya naman sa client namin at sa boss ko. Hindi naman dahil nagkasakit ako ay titigil ako sa trabaho. Ayoko ring tumigil sa trabaho kasi naiisip ko iyong ginawa sa akin ni Mcbeth.

Pumupunta siya sa bahay pero hindi ko siya pinapansin. Mukhang nakahalata na rin si Daddy na hindi basta mababaw na dahilan ang awayan namin kaya kagabi ay binilinan niya si Mcbeth na h'wag munang magpupunta sa bahay dahil na-stress raw ako. Totoo namang na-stress ako kapag nagpupunta siya sa amin. Ayoko siyang makita. Ilang araw na ang nakalipas pero walang gabing hindi ako natutulog nang hindi ako umiiyak. Pakiramdam ko kasi may kulang sa akin. Pakiramdam ko, ang pangit- pangit ko at ang tanga – tanga ko.

Paulit – ulit ang tanong sa isipan ko kung bakit niya ginawa sa akin ito. Bakit hindi ko nahalata? Kailan niya pa kaya ginawa sa akin ito? Was he ever faithful to me? Mula ba noong naging kaming dalawa ako lang ba talaga o may isinasabay siyang kung sino? Hindi mawala ang mga tanong na iyan sa isipan ko. Ang sakit – sakit palagi ng loob ko dahil sa isipan ko wala naman akong hindi binigay kay Mcbeth. Kanya ako nang buong – buo.

"Pia, ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Charisse. "Kanina ka pa tulala. Okay na bai tong story line for National Museum? Need nang approval mo bago iakyat sa meeting bukas."


"Ah, I'm still contemplating sa board 2 and 4. Ano bang mas maganda?"


"Ikaw ang nakakaalam. Ikaw ang creative director." Oo nga pala. Ipinilig ko ang aking ulo. Wala ako sa huwisyo. I sighed.

"Okay. Uhm iyong story board 2. Mas maganda kasi mas informative. May nakuha na ba silang spokesperson?"

"Ahhh, oo. Pero hindi ko pa alam kung sino, top secret raw kasi itomng ad ng National Museum. Parang iyong sa Dept of Tourism ba." Tumango na lang ako at bumalik sa pagtatrabaho. I took pictures of story board # 02 and then asked Charisse to tell the illustrator to send the soft copy in my email. Lalagyan ko lang ng magic.

Matapos ang trabaho namin ay nagpaalam na si Charisse sa akin. Babalik raw kasi siya sa office. Ako naman ay pumasok sa silid ko para magpahinga. Hindi naman na ako nanghihina pero gusto ko lang mahiga at matulog lang lagi. Escape ko kasi ang pagtulog. Ayokong maalala si Mcbeth – ang problema bago ako makatulog, nag-iiyak muna ako. Hindi ko rin siya makalimutan.


"Ate?" Bandang hapon ay narinig ko si Perry na pumasok sa silid ko. Ibunuka ko ang aking mata at ngumiti para sa kanya. "Binilin ni Kuya Peter na ilakad ko raw si Marikit." Iyong aso naming Labrador ang sinasabi niya. "Gusto mong sumama? Sabi ni Mommy ayain raw kita kasi napansin yata niyang maghapon kang nandito lang sa kwarto mo."

"Sige. Wait, magbibihis lang ako ha." Sabi ko. Tumayo ako at pumasoj sa walk in closet ko, Nagpalit ako ng shirt at shorts. Tinali ko ang mahaba kong buhok at naglagay ako ng kaunting lip and cheek tint. Ang putla – putla ko kasi.

Nagpaalam kami kay Tita. I smiled at her. Napaka-supportive niya sa amin ni Kuya Peter. Hindi man siya ang tunay naming Mommy pero ramdam na ramdam kong tunay ang pagmamahal niya sa amin. She was always with us, kapag may problema kami ni Kuya Peter, nakasaklolo agad siya. Mas naging nanay pa siya kaysa sa tunay naming nanay na ngayon ay may iba nang pamilya. Hindi ako nakikibalita sa kanya. Ang alam ko lang hanggang ngayon nagbibigay siya ng financial support kay Dad para sa amin ni Kuya Peter. Maliban roon, hindi ko na alam, ni hindi ko alam kung nasaang lupalop siya ng mundo.

Hawak ni Perry si Marikit. May leash siya. Enjoy na enjoy ang baby namin habang naglalakad siya. I was holding Perry's hand. Kahit naman thirteen na itong kapatid ko, nag-aalala pa rin ako sa kanya.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon