Quince

55K 2.4K 424
                                    

Mcbeth's

"Oh buti naisip mo nang pumasok!"

Mukhang si Kuya Yves lang ang natuwa nang bumalik ako sa kompanya, si Kuya Paolo ay nakasimamgot pa rin sa akin. Tinanguan ko naman siya at saka naupo na sa table ko. We share the same office – mas convenient raw kasi ito para sa aming tatlo. Si Kuya Paolo ang CEO, si Yves ang VP, ako naman ang VP for finance. Ang kompanya ni Daddy ang isa sa pinakamalaking supplier ng feeds ng baboy at manok sa bansa. Sinimulan niya ang negosyong iyon pagka-graduate niya sa kolehiyo, ang mga naunang investor niya ay ang mga kapatid niya, now, they are the board members of this company at si Dad ang hinahayaan nilang gumawa ng mga major business decisions, maliban roon, si Dad kasi ang may major stocks sa kanilang apat.

"Buti nandito ka na! Ang dami mong ire-review sa budget!"

"Manahimik kayo at magtrabaho na." Ungot ni Kuya Paolo. Nagkatinginan kami ni Yves. Naging masungit lang naman si Kuya mula noong magbreak sila ni Ate Mary.

"Kuya, ngiti ka na... Ayee."

Tinitigan niya ako sabay sabing "Bobo." Tumahimik na lang ako at bumalik na sa trabaho. Ang sungit – sungit talaga. Panaka – naka ay tinitingnan ko si Kuya habang nagtatrabaho siya. Seryoso talaga siya kaya nagseryoso na rin ako, si Yves naman sa kalagitnaan ng trabaho ay biglang humalakhak nang malakas kaya napatingin kami sa kanya.

"Tang ina, nadapa si Lauren sa Batanes! Nasa bloopers oh!" Pinakita pa niya sa akin. Natawa rin ako dahil habang nagsasalita si Lauren ay bigla na lang itong nawala sa camera. "Tang ina! Kaya pala ang laki ng pasa sa tuhod."

"Ang ingay ninyo!" Sigaw ni Kuya ulit.

"Oo na! Tatawagan ko lang naman ito at baka nagugutom na. Hindi pa ba tayo kakain?" Tanong niya.


"Kuya, kain na tayo?" Alam kong may agam – agam pa rin sa akin si Kuya Paolo. Galit siya sa akin dahil nasaktan ko si Pia. Mahal niya si Pia. Wala kasi kaming kapatid na babae kaya noong pumasok si Pia sa buhay namin, tuwang – tuwa si Kuya, siguro kay Pia niya na rin naibuhos ang atensyon niyang para sana kay Ate Molly – iyong best friend niya – na ex ni Kuya Luis na nagpunta ng Australia. Hindi na sila masyadong nagkikita.

"Mauna na kayo ni Yves. Marami pa akong gagawin."

"Sige, Kuya, anong gusto mo? Ipagte-take out kita."

"Kahit ano." Malamig na wika niya. Napabuntong – hininga ulit ako. Kailan kaya ulit ako papansinin ni Kuya? Natagpuan ko si Yves sa labas, apparently hindi siya sasabay kumain sa akin dahil nasa condo daw si Lauren at masakit na masakit raw ang puson nito kaya mabilis pa sa alas quatro na umalis ang kapatid ko at iniwanan ako.

I decided to eat out. Habang nagmamaneho ay naalala ko ang mg autos ni Mommy sa akin kaninang umaga. Hindi ako umuuwi sa bahay, doon akon sa apartment ko umuuwi, umaasa kasi akong baka maisip ni Pia na umuwi sa akin – baka lang pero naaalala kong hindi niya ako iniisip dahil may vruce siya at masaya na sila. I followed Bruce in Instagram and he was always posting pictures of Pia. Photographer pala siya at ang favorite subject niya ay walang iba kundi si Sophia, hindi ko rin naman siya masisisi, sa gandang iyon ba naman ni Pia.

Kamusta na kaya siya? Isang linggo pa lang iyong nakalipas mula noong umalis ako sa Baguio. Naroon pa rin siya, nakikita ko sa IG ni Bruce na ang ganda – ganda ni Pia, pero wala pa rin iyong glow niya na mayroon siya noon.

Kumain lang ako sa isang fast food chain tapos binilhan ko si Kuya Paolo ng super meal. Bumalik agad akon sa office para matapos ko na ang mga trabaho ko naisip ko kasing umakyat ng Baguio ngayon – kahit sandali lang – kahit malayo lang gusto kong makita si Pia. Mukhang maaga naman akong makakauwi dahil walang tayuan ang trabaho ko pero dahil hindi bumalik si Yves sa office ay sa akin bumagsak ang mga papeles na kailangan niyang i-review at pirmahan.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon