Nagpapatalo
Sophia's
But... I didn't take a chance on Mcbeth. Hindi ko alam kung nagalit ba siya sa akin pero umalis siya nang gabing iyon at buong sem ay hindi na niya ako kinausap. Iniiwasan niya ako, umiiwas rin naman ako. Hindi ako komportable sa kanya, sa katunayan, nagpalipat pa ako ng upuan para hindi kami magkalapit. Mukhang wala naman siyang pakialam.
Natapos ang second sem nang tahimik na tahimik ang mundo namin ni Mcbeth. Nakakahalata na rin ang mga kaibigan namin pero hindi na sila nagtatanong. Kapag kasama nila si Mcbeth ay inaaya pa rin nila ako pero hindi na nila pinu-push na sumama ako. Kapag ako naman ang kasama nila ay hindi rin lumalapit si Mcbeth. Mukhang galit siya sa akin.
Hindi naman niya ako masisisi. Ayokong masaktan, ayokong maging tulad ni Daddy. Kitang – kita ko iyong sakit na naramdaman ni Daddy at ni Kuya Peter noon. Ayokong maloko, ayokong magmahal ng tulad ni Mcbeth dahil alam kong masasaktan ako. Inaalagaan ko lang ang sarili ko at kahit na mahal ko siya, pinipigilan ko ang sarili ko.
I know myself, malalim akong magmahal at hindi ko alam kung hanggang saan ang pagmamahal na iyon kung sakaling ibibigay ko kay Mcbeth. Napabintong – hininga ako.
"Hi, Pia!" I rolled my eyes when I heard Diego. Pirmahan ng clearance at balak kong umuwi agad at ayokong makipag – usap sa kanya o kahit kanino dahil nagmamadali ako. Aayain ko si Daddy na manood ng laro mamaya ng Ginebra.
"Kuya Diego ha. Ayokong mag-isip. Layuan mo muna ako." Sabi ko pa. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Alam kong palagi kang nagugulat nitong mga nakaraang araw, gusto ko lang mag-sorry. Pinagseselos ko lang kasi si Atlanta." Sabi niya pa. Si Atlanta iyong babaeng nasa banda nila – maliban doon kay Callista Consunji.
"Bakit kayo ganyan?" Mahinang wika ko. "Kung may gusto kayo, sabihin ninyo kasi sa tao, hindi iyong gaganyan kayo na naghahanap pa kayo ng ibang babae." Napapailing ako.
"Hoy ha! Wala akong ibang babae!" Sigaw niya pa sa akin. "Mula nang magkagusto ako kay Atlanta hindi na ako lumingon sa ibang babae, sa'yo lang." Sabi niya pa. "Technically hindi ka naman ibang babae. You're one of us."
"I'm not one of you.""You are. Girlfriend ka ni Mcbeth diba?" Nanlaki na naman ang mga mata ko. Una si May Laurence ang nagsabi sa akin, ngayon naman si Kuya Diego.
"Hind niya ako girlfriend!"
"Sus! H'wag ka nang tumanggi. Tuwing uuwi kami ng Bulacan kapag bakasyon, palagi ka niyang kinukwento sa amin. Mula raw grade six mag-jowa na kayo." Sabi niya pa sa akin. Napanganga ako. Ano ba naman itong si Mcbeth! "Kaya nga itong ginagawa ko parang suicide. Kapag na-corner ako noon lagot! Baka sapakin ako bigla. Hinahanap nga raw ako noong isang araw sa bahay, sabi ni Mama buti hindi kami nagkaabot."Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sinasabi ba talaga ni Mcbeth sa lahat ang bagay na iyon.
"Naku, Kuya Diego, diyan ka na, Marami pa akong gagawin!"
"Teka! Sasama ako!" Sigaw niya. Hindi ko siya nilingon. Hindi ko naman alam kung bakit niya kailangan sumama pa sa akin. Wala naman kaming pag – uusaoang dalawa. Gusto ko nang umuwi dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong kay Mcbeth. Ayoko nga siyang makita! Baka bigla akong tumalon sa pain niya, ayokong masaktan. "Hoy! Hoy!, Pia!"
Nasa hallway na kami pero sinusundan niya pa rin ako. Kuya Diego grabbed my arm pero pagharap ko sa kanya ay bumiling bigla ang mukha niya. May sumuntok kay Kuya Diego. Napasigaw ako. Napatingin naman sa amin ang mga tao sa hallway.
BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...