Sais

54K 2K 732
                                    

What is wrong with me?

Sophia's

"Congratulations, Baby!"

Dinig na dinig ako ang boses ni Mcbeth kaya lumingon agada ko. Tama ako, he is there with his parents and brothers. Nakatoga na rin siya, may hawak na isang bouquet ng bulaklak habang palapit sa akin. I embraced him and the he kissed me – in front of our parents. Huminto lang yata siya dahil tinapik siya ng Mommy niya.

"Mcbeth! Baka naman mabura ang make – up nitong si Pia." I giggled. Nagmano si Mcbeth kay Dad at Tita tapos nakipag-high five kay Kuya Peter at kay Perry.

"Sorry, Ma, masaya lang ako. Nakaabot kami sa finish line nitong si Pia ko." My heart beat faster when he said Pia ko. Inaari na niya talaga ako, kunsabagay, kanya naman ako at hinding – hindi ako papaagaw sa iba.

"Ready na ba kayo sa real life?" My dad asked. "Baka naman mamaya dito pa kayo maglokohan sa real life, Mcbeth ha. Gusto kita para sa anak ko pero sa oras na lokohin mo si Pia, magkakaalam tayo."


"Ay, Dad, hinding – hindi ko po lolokohin si Pia. Mahal na mahal ko ito." He kissed my temple. Nagkangitian ang mga magulang namin. Sabay – sabay kaming pumasok sa loob ng CCP para sa graduation namin. Ako ang Magna, si Mcbeth ang Cum laude. Sabi ng mga kaklase namin, goals raw kami – feel ko naman iyon. Masaya talaga ako sa relationship naming dalawa.

Sometimes, I feel that it is too good to be true – but every time I hold onto him, every time he I see him smile at me like that, nararamdaman kong part talaga siya ng reality ko. Sabay kaming nag-march. Proud na proud ako sa kanya kasi hindi na siya nagpakabobo sa acads para lang mapansin ko.

When it was his time to give his speech, mangiyak – ngiyak pa ako. Malaman ang sinabi ni Mcbeth at alam kong dama iyon ng lahat pero naurong ang luha ko nang sa huli ng talumpati niya ay bumaling siya sa akin at saka ngumiti nang sobrang lawak: And for the woman who makes my heart flutter, my weakness and at the same time my source of strength, Sophia Aquino. I love you. You are my inspiration. One day, I will marry you and I will love you for all my life."

Sumigaw ang mga batchmates namin – at parang tukso na tinapat pa sa akin ang spotlight na kanina ay nakatapat kay Mcbeth. Naluha ako, si Dad naman ay ngiting – ngiti. Hinawakan pa ang kamay ko.

Tama... siguro nga doon ang hantong namin ni Mcbeth and right now, I couldn't be happier. I am excited for the next part.

xxxx

Hindi pala ako dapat naging excited sa next part. Hindi pala ako dapat naging kampante masyado. Hindi pala ako dapat nagtiwala masyado. Akala ko kasi hindi niya gagawin sa akin. Ang buong akala ko...

Iyak ako nang iyak habang nakaupo ako sa hagdanan ng National Museum. Hindi ko mapigil ang mga luha ko. Hindi ko naman sinadya na makita siya pero nakita ko talaga siya. Saktong may client akong imi-meet dito. Nagtatrabaho ako sa isang advertising company at ako ang ipinadala para i-meet ang curator ng National Museum dahil gagawa ng ads para sa anniversary nito. I was waiting in the lobby when I suddenly heard his laughter. Napakunot ang noo ko noon.

Kilalang – kilala ko ang halakhak ni Mcbeth. Napatayo agada ko at naglingon – lingon. Hindi ko siya makita pero narinig ko na naman siyang muli. Wala pa naman ang client ko kaya umalis muna ako. I followed his laughter – anim na taon na kaming magkasama – alam na alam ko pati ang tunog ng utot niya. Nagpalingon – lingon. Umakayat pa ako roon sa may bridge pero hindi ko siya makita. Ang lakas – lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi ako mapakali. Ang sabi niya sa akin kaninang umaga bago niya ako ihatid sa office ko ay may meeting raw siya kasama si Kuya Palo. He works in their company at kaya raw hindi niya ako mate-text maghapon ay busy siya. I know tha and I understand him. Kapag naman ganoon ay bumabawi siya sa akin, kundi niya ako ilababas to eat dinner o kaya man ipapasyal niya ako.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon