Once

55.8K 2.3K 1.9K
                                    

Look at me

Mcbeth Lemuel Arandia's

Ilang oras na akong tulala. Nakaupo lang ako sa kama namin ni Pia habang nakatitig sa bakanteng closet sa harapan ko. Wala na ang mga damit niya. Wala na ang mga maliit niyang gamit, wala na ang mga libro niya sa bedside table – wala nang bakas ni Pia sa bahay na ito.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko siya babawiin. Mahal ko siya, alam kong totoo iyon pero alam ko ring madalas ko siyang masaktan kasi wala, gago ako period. Sinubukan ko naman talagang magbago, pero pakiramdam ko noon, hindi naa-appreciate ni Pia lahat ng pagbabago ko. Hindi siya natutuwa kapag binibigyan ko siya ng regalo o kapag inaalala ko siya, hindi na siya madalas ngumiti sa akin, hindi niya naibalik ng buo ang tiwala niya sa akin.

Alam kong kasalanan ko iyon. Hindi ko naman siya sinisisi. Wala akong sinisisi kundi ang sarili ko. Walang ibang may kasalanan nito kundi ako lang.

Pinahid ko ang luha ko. Wala rin akong karapatang umiyak dahil ako naman ang may kasalanan nito. I chose this for myself. It was my choice and it hurt her. I broke my Pia. I broke her.

Umuwi ako sa bahay ng mga magulang ko. Sinalubong ako ng maids para sabihing wala si Mom at Dad dahil umuwi sila ng Bulacan. Hindi ako nagsalita, pumasok lang ako sa loob ng bahay pero hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan ay may humatak sa polo ko palabas noon. Nagulat ako – tinapon ako sa lupa at nang lumingon ako, nakita ko si Kuya Paolo. Galit na galit siya.

"Putang ina ka!" Sigaw niya sabay kuwelyo sa akin. "Gago ka talaga!" Wala akong ginawa. Sinuntok niya ako sa mukha. Nakita kong patakbong gumitna si Yves sa aming dalawa. "Tang ina ka!" Sigaw ni Kuya Paolo sa akin. Lumuluha ako ng tahimik. "Kung gusto mo palang maglandi, Mcbeth, magpakalalaki ka! Hiwalayan mo!"

"Tama na, Pao!" Sigaw ni Yves.

"Isa ka pa!" Dinuro niya si Yves. Natahimik kami pareho. "Mga gago! Ang kapal ng mukha mo, Mcbeth. Kapag nabalitaan kong nilapitan mo pa ulit si Pia, sasaktan kita iyong sakit na maoospital ka kahit itakwil pa ako ni Daddy!"

"Bakit ba si Pia ang kinakampihan mo? Ako ang kapatid mo!"

"Kapatid kita oo, pero hindi ibig sabihin sasama ako sa'yo pati sa kagaguhan mo. Lahat tayo may kanya – kanyang kagaguhan Mcbeth. Lahat tayo nagmamahal, swerte kayo ni Yves, andyan iyong inyo, iyong akin, wala na, kaya hindi ko maintindihan, bakit hindi ninyo alagaan? Mga gago kayo!" Dinuro ako ni Kuya. "H'wag na h'wag kang lalapit kay Pia!" Sinapak na naman niya ako bago siya umalis. Itinayo ako ni Yves.

"Umayos ka. Gagamutin kita." Narinig namin ang pagharurot ng kotse ni Kuya Paolo. Hindi ko na tinanong kung saan siya pupunta. Mahirap na, baka masapak na naman ako, although I deserve it, ayoko na muna, ngayong wala si Pia, lahat sa akin masakit.

Nilapatan ako ni Yves ng unang lunas. Nilagyan niya ng yelo ang labi kong pumutok.

"Pet ni Kuya si Pia, kaya pagpasensyahan mo na. Tumawag si Kuya Peter kagabi, nag-aalala kasi hindi raw ma-contact si Pia. Hinanap niya, ayon..."

"Sa-saan niya nakita?"


"Sa may Jones Bridge. Nag-iiyak. Ikaw kasi. Bakit nambabae ka na nga binuntis mo pa."

"Wala naman..." I said. "Hindi ko alam na buntis..." Hindi ko naman talaga alam. Baka nga hindi pa sa akin iyong batang iyon dahil hindi lang naman ako ang nakaka-date ni Nancy. Nakilala ko si Nancy sa isang bar minsang lumabas kami nila Edmund. Hindi siya tulad ng ibang mga babaeng nakikipaglandian sa akin. Disente siya.

Napabuntong – hininga si Yves.

"Anong balak mo?"

"Hindi... hindi ko alam. Kuya..." Napaluha ako. "Wala na si Pia. Kinuha niya na lahat ng gamit niya. Nilimas niya lahat ng laman ng bookshelf niya. Hindi na babalik si Pia." I cried like a little boy. Alam ko, ramdam na ramdam ko, hindi na babalik si Pia. Wala na si Pia.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon