Dos

66.3K 2.4K 284
                                    

Take a chance on me 

Sophia's

Nahihibang... oo baka nahihibang na si Mcbeth. Baka lasing siya o baka sobrang lungkot niya kaya kung anong pinagsasabi niya sa akin. Tama! Nababaliw na siya. Hindi niya ako gusto tulad ng sinasabi niya dahil kung gusto niya ako hindi siya liliko sa kahit na kaninong babae. Dapat diresto siya sa akin dahil ako ang gusto niya – parang sa pagkain, when I am craving for pancit canton, I eat pancit canton because that's the only food that can satisfy my craving pero hindi ganoon si Mcbeth. Gusto niya ako pero may Rocky, may Ronnie, may Melody at king sino – sino pa on the sides? Hindi naman yata kapanipaniwala iyon kaya baka mamaya, binibiro niya lang ako tapos heto naman ako, nagpapakaalipin sa isipan kong nagsusumigaw na gusto ko rin si Mcbeth pero kasi ayokong i-pursue dahil alam kong iba siya sa babae.

"Jusko." Hindi ako makatulog. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatingin sa kisame. Anong gagawin ko? Paano ko siya haharapin bukas? Paano ako makikipag-usap? Paano kapag nakasalubong ko siya sa university? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Jusko talaga. Bakit ganyan ka, Mcbeth?" Nagtalukbong ako ng unan saka impit na sumigaw. That dude isn't even my boyfriend and yet he is giving me sleepless nights!

Kinabukasan ay kabang – kaba ako sa pagpasok. Pagkababang – pagkababa ko ng sasakyan ni Kuya Peter ay nagpalinga – linga ako. baka kasi andyan si Mcbeth. Hindi ko baa lam kung magha-hi ako sa kanya. Basta kinakabahan ako. Iisipin ko na lang talaga nab aka lasing siya kaya niya nasabi sa akin iyon. Basta kakalimutan ko na lang.

"Hello, Pia." Nasa may hagdanan ako noon paakyat sa may third floor nang makasalubong ko si Kuya Diego. Ngiting – ngiti siya sa akin. Kasama niya ang mga friends niya na ipinakilala niya kahapon pero kasama rin nila iyong Atlanta at si Callista Consunji. Masama ang tingin ni Callista Consunji sa akin kaya napalunok ako. Ang alam ko si Aeneas Altarde ang boyfriend niya pero bakit parang kung titigan niya ako, parang papatayin niya ako.

"HALA KA!" Sigaw ko nang halikan ako ni Kuya Diego sa may gilid ng labi. Nalaglag ang mga dala kong gamit.

"Napaka-clumsy mo naman, Love." Sabi niya pa sabay yuko at kuha sa mga gamit ko. Nakangiti siyang ibinalik sa akin iyon. "See you around love!" Wika niya pa sabay baba ng hagdanan. Nagsaludo sa akin si Aeneas Altarde, tinaasan ako ng kilay ni Callista Consunji, si Vito Creon ay kinindatan ako habang si Jason Fabre ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka ngumiti.

"Ikaw pala iyon." Wika niya pa. I made a face. Hindi ko talaga maintindihan kung anong ibig sabihin ng ikaw pala iyon. Umiling – iling ako. Nagpatuloy ako sa pag-akyat ng hagdanan at nang makarating ako sa finish line ay muntik na akong malaglaga ulit. Naroon si Mcbeth, nakasandal sa pader, matalim ang tingin niya sa akin. Kabang – kaba na naman ako but I managed to smile at him.

"Hello, Mcbeth, hindi ka na lasing?" I asked. Biro iyon – pero gusto ko lang i-point out na hindi ako naniniwala na gusto niya ako.

"Talaga bang hindi ka titigil, Pia?" Galit na galit na naman siya sa akin. Napakamot naman ako ng ulo.

"Ano?" I asked. "Ikaw talaga." Sabi ko pa.

"Anong ako talaga?!" Sigaw na naman niya. "Sige pa, Pia, landian mo pa kay Diego." Tiim na tiim ang bagang niya. "Galingan mo pa. Galitin mo pa ako!" Halos anas na iyong lumabas sa bibig niya. Nanlalaki naman ang butas ng ilong ni Mcbeth tapos tinalikuran niya ako. Talagang galit siya sa akin, sa totoo lang, nalulungkot ako sa nangyayari sa aming dalawa. I am comfortable with being just friends with him kahit na gusto ko siya ay hindi naman ako naghahangad ng kahit na ano pang mas malalim roon kas inga alam ko kung paano siya mga babae niya.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon