Hindi na kita mahal
Sophia's
Galit ako kay Mcbeth. Para akong tanga, isang taon na ang nakalipas saka ko lang naisip na galit ako kay Mcbeth. Napakaduwag niya Hindi niya ako kayang tingnan, hindi niya ako makausap, tapos aakto siyta na para bang siya ang mas nasaktan sa aming dalawa? Anong trip niya? Ako iyong pinagmukha niyang tanga, ako iyong sinaktan niya, ako iyong may pakiramdam na para bang hindi ako kahit kailan magiging sapat tapos siya pa iyong may ganang umiwas sa akin?!
Anong problema niya?!
"Pia, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Lyn. I nodded at her. Inaayos ko ang designs para sa photoshoot kasama ng band na napili namin para sa cover. Lahat ay excited pero ako hindi, nangigihil ako kay Mcbeth. Gusto ko siyang pahirapan! Akala ko ay tahimik na ako sa Baguio – sa Baguio lang pala! Ang kapal – kapal ng mukha niya.
"Pia!"
Napansin kong naputol ko pala ang lapis na hawak ko. Napaawang ang labi ko. Hindi ako okay. Nanginginig ang laman ko sa galit – gusto kong kagatin si Mcbeth!
"Miss Pia, ayos lang po ba kayo?" Parang natatakot na si Lyn. Napakagat na siya ng labi.
"Oo. Ano, kailangan ko lang mag-break." Sa isang taong magkalayo kami at wala kami, nasa Baguio ako, naghihintay sa kanya – kasi talagang ako ang tanga ng dekada, hinihintay kong susunduin niya ako pero hindi! Malinaw na malinaw sa akin ngayon na talagang wala siyang pakialam sa akin dahil nga hindi niya ako kahit minsan minahal! Sinayang ko ang halos kalahati ng buhay ko dahil sa kanya! Nakakainis! Nakakainis! Gusto kong umiyak! Niloko niya ako, pinagmukha niya akong tanga at wala siyang pakialam sa akin!
Wala!
Lumabas ako ng office ko. Nakita ko si Luigi at Jean sa hallway at nag-uusap. Hawak ni Luigi ang kung ano – anong papel habang tango siya nang tango sa sinasabi ni Jean. Hindi ako nakatiis, lumapit ako sa kanila.
"Hoy, Luigi!" Tinulak ko siya. "Anong problema ng pinsan mo?" Gigil na gigil talaga ako. Dalawang araw na akong wala sa huwisyo dahil sa ipinakitang kagaguhan sa akin ni Mcbeth.Talagang gago siya! Talagang nangigigil ako sa kanya.
"Hindi ko alam. Bakit, ano bang nangyari? Nagpunta ba dito si Mcbeth? Alam ko kasi hindi iyon pumasok ngayon dahil may sakit ang baby niya." Napaawang ang labi ko.
"Baby?""Yeah. He calls her baby. Inaalagaan. Dapat kasi may lakad kami ngayon, tumawag kaninang umaga, may sakit raw kasi si Ashley."
"Ha!" Wala akong nasabi. I walked back to my office and took a deep breath. Kaya pala hindi niya ako hinanap noon, kaya pala hindi niya ako binalikan sa Baguio at kaya pala hindi siya nag-rereply sa mga texts ko kasi may Ashley siya – ni hindi man lang iyong Nancy! Ashley talaga iyong pangalan! Walang originality, tinatawag niya ring baby iyong Ashley!
Ilang beses akong huminga nang malalim at nagpasyang bumalik sa trabaho. I couldn't help but noticed that Mcbeth was the one who really moved on. Hindi niya talaga ako mahal.
Sa mga sumunod na araw ay nag-concentrate na lang ako sa mga gawain ko para sa Magazine. I kept myself busy dahil kailangan, nakikita ko na namann kasi ang sarili kong naghihintay na naman saw ala. Bakit kasi hihintayin ko siya? Wala siyang nararamdamang pagmamahal para sa akin, kaya dapat, ako, wala na ring maramdaman para sa kanya. Hindi ko na dapat mahalin si Mcbeth dahil nakakabwisit ang gago niyang pag – uugali.
"Miss Pia, nandito na po ang Palette." Lyn was of course, talking about the band we're going to feature in our Magazine. I stood up and took my notebook at nagpunta sa art room para ma-meet sila. Everyone was there – including Mcbeth. Kasama niya si Yves at nakikipag-usap sila sa lalaking may hawak ng gitara.

BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...