Signs
Sophia's
True to his words, nanligaw nga si Mcbeth. Hindi ako masyadong nagpapa-apekto sa mga pinkikita at ibinibigay niya sa akin, Naa-appreciate ko lahat ng effort niya, iyong pagdalaw niya sa bahay, pakikipag-bonding niya kay Perry at kay Kuya Pete, pati na rin iyong pakikipag – usap niya sa parents ko. Halos araw – araw siya sa bahay namin. Si Daddy nga, hindi nagtataka, kundi ko pa sinabi na nanliligaw si Mcbeth ay hindi pa siya maalarma – pero mas nakakaalarma talaga ang sinabi niya sa akin.
"Oh? Akala ko kayo na. Hindi pala."
Saan mundo kaya mukhang kami ni Mcbeth, samantalang hindi naman ako naglalapit sa kanya lalo na sa university. Hindi ko maintindihan kung bakit akala ng lahat ng tao ay magkasintahan kami. Inisip ko nga kung masyado kaming close sa tingin ng iba pero parang hindi naman. Hindi ko naman siya sinusubuan tuwing kakain kami, inaasikaso ko siya, oo, tinatanong ko kung anong gusto niya, o kung may kailangan ba siya. I help with his acads but that's only because he said na hindi niya raw kaya.
Iyon pala, kaya niya at plastic lang talaga siya. Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis sa ginawa niya. Naalala kong minsang nag-aaral kami sa Math 101, may equation roon, pinakita ko sa kanya kung paano sagutan, pero mali ang naging solution ko, akala ko napansin niya lang iyon, iyon pala, talagang alam niyang maling – mali ako. He called me out in that problem, parang ako pa iyong tinuruan niya. Hindi ako nakahalata noon kasi sabi niya, tsamba lang raw.
I sighed again.
"Hi, Pia!" Ngumiti ako nang makita ko siyang palapit sa may puno ng acacia.Naging habit namin ngayong sembreak ang magkita sa park tuwing hapon. Nakita kong may dala siyang isang pirasong pink na long stemmed rose. Ibinigay niya iyon sa akin kaya tinanggap ko naman.
"What did you do all day?"
"Wala naman. Nagbasa lang ng books. Sorry hindi ako nakakareply agad sa texts mo ha."
"Ayo slang. Naisip ko nga baka busy ka. Sinamahan ko rin si Mommy sa grocery, nagpa-car wash kami ni Yves tapos tinunlungan namin si Kuya Paolo na dalhin kay Ate Mary iyong regalo niya. Anniversary kasi nila.""Wow! Ilang taon na sila?"
"Ewan. Di ko sure kung 3 or 4 years. Pero high school pa lang kasi, mag-boyrfriend na sila. Sa Bulacan nag-aral si Kuya Paolo diba, doon sila nagkakilala ni Ate Mary. Pero mahabang ligawan iyon. Siguro three years rin nanligaw si Kuya Paolo."I was just listening to him. Ang tyaga naman pala ni Kuya Paolo.
"Eh sila Yves?"
"Ah! Iyon walang ligawan roon. Nagkapalitan lang ng red ballpen iyon saka number isang text tapos sila na. Ever since, magkasama na sila. Ako, Pia, gaano baa ko katagal manliligaw bago mo makitang hindi talaga kita sasaktan?""Bakit naiinip ka na ba?" Tanong ko. Napakamot siya ng ulo. Tumawa lang si Mcbeth.
"Oo. Pero magtatyaga pa ako. Alam ko namang may pag-asa ako. Kailangan ko lang ipakita sayp na ikaw talaga ang gusto ko. Gusto talaga kita, promise." Itinaas niya pa ang kanyang kanang kamay na para bang nanunumpa siya sa watawat. Tumawa ako at kinurot siya sa pisngi. Pinaalalahan kong kailangan kong rendahan ang aking puso. Hindi pa siguro panahon. Hindi ko naman siya pinapaasa kaya lang naiisip kong naka-focus siya sa akin ngayon dahil sembreak at wala siyang nakikitang ibang babae dahil abala siya sa pamilya niya, pero paano kapag nasa labas na kami?
"Ay, oo nga pala. Birthday noong Uncle Paeng ko. Pupunta kaming lahat sa Bulacan, doon sa hacienda niya, sumama ka. Overnight lang tapos uuwi rin tayo kinabukasan. Kasama sila Mommy at Daddy at iyong mga kapatid ko."

BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...