Veintesiete

63.1K 2.8K 599
                                        

What now?

Sophia's

I was in the kitchen with Mcbeth. Nakatalikod siya sa akin habang nagluluto siya. Nakaupo lang ako sa chair, kaharap noong counter tapos si Mcbeth nasa may stove, napapansin kong gumagalaw ang kaliwang balikat niya kas inga nagluluto siya. I sighed. Napansin kong marami siyang peklat sa kaliwang bahagi ng katawan niya. Kanina ko rin natitigan iyong parang mahabang hiwa sa may bandang kilikili niya. I wondered what happened to him.

Humarap si Mcbeth sa akin, parang napansin niyang nakatitig ako sa mga peklat niya kaya mabilis niyang inilapag iyong platong dala niyang may lamang pancake at bacons. Naghagilap siya ng t-shirt. Umalis siya sa kusina, sinundan ko siya ng tingin, hindi naman nagtagal ay bumalik siya – nakangiti pa rin.

"Kumain ka na. Galit na iyang bulate sa tyan mo." Kumuha na rin siya ng plate at pagbalik niya ay nagsimula na siyang kumain. I just keep on looking at him. Biglang nagring ang phone niya pero hindi naman niya iyon sinagot. It keeps on ringing. He looked at me and then finally he answered it. Sa pakikipag – usap niya ay parang isa sa mga kapatid niya ang kausap niya.

"Nandito lang ako sa Antipolo. Mga 8 pm ako dumating. Hindi. Oo? Ahhh, sige bukas, daanan ko bago ako pumunta sa office. Alright. Bye, Kuya."

"Si Popo?" Finally, I found my voice. Gumalaw ang kamay ko para kumain na.

"Oo. Tinatanong kung nasaan ako, nakalimutan ko kasi magpaalam umuwi kanina."

"Ahh..." Waka akong masabi. Hindi ko alam kung bakit nangyari iyong nangyari kanina kasi naman, makikipag-usap lang naman ako dapat sa kanya pero heto ako, hindi ko na alam kung anong sasabihin ko, basta alam ko mahal ko pa rin siya pero sobrang daming tanong sa isipan ko ngayon.


"Kain nang kain." Tinanguan ko na lang siya. Habang sumusubo ako ay napapaluha ako. Hindi ko na natiis, bigla na lang akong napahagulgol. Si Mcbeth ay natigilan rin sa pagkain at tiningnan ako. Inabutan niya ako ng tissue. Suminga pa nga ako tapos ay nagpatuloy ako sa pag-iyak. Hindi ko na mapigilan talaga.

"Hin... hindi na...naman ak...ako dap...pat nandito eh..." Sisinghot – singhot pa ako. "Ma...mali ito eh... Ayokong masira kayo... kasi alam ko iyong pakiramdam noon." I sobbed. Inabutan pa ako ni Mcbeth ng tubig. Uminom naman ako.


"H'wag kang umiyak." Sabi ni Mcbeth. "Wala ka namang sinisira. Wala naman kami ni Leina. Hindi ko alam kung bakit iniisip mo iyan." Bigla akong natulala sa kanya. Napaawang ang labi ko. "What I have with Leina is just like what Ate Molly and Kuya Paolo has."

"Pero nag-se-sex kayo..." Mahinang wika ko.

"Pia nga!" Nanlalaki pa iyong mata niya. "Kita mo ba iyong lumabas sa akin kanina? Kaya nga hinugot ko kasi sobrang dami kundi, naku baka two weeks late, nagsusuka ka na at nahihilo."

"Pero naririnig ko kayo sa Baguio..." Mcbeth shook his head. "Baliw lang si Eleina. Sira tuktok noon. Nang-iinis lang iyon."

"Pero maganda siya." Sabi ko pa. "Nakita ko pa iyong bra niya na red sa ilalim ng kama mo."

"Ha? May bra sa ilalim ng kama ko?" Parang hindi niya alam. "Hala baka si Yves at Lauren iyon! Minsan kasing nagpunta ako ng Cebu, dito sila natulog." Napapailing na lang siya. "Papalinis ko nga iyong kama ko. Nakakaloka ha."

Why is he so calm like this? Ako iyong parang tangang iyak nang iyak. Hindi nga ako matahimik.

"Mcbeth..." I sobbed. "Bakit ang dami mong peklat?" Tanong ko. Hindi siya sumagot.

"Kumain ka muna. Kung iyan ang pag-uusapan natin dapat busog ka, mahabang kwento ito." Hindi ko siya maintindihan pero sumunod ako. Inubos ko iyong pagkain ako, uminom ako ng tubig tapos bahagya kong inusog ang plate ko. Kinuha niya iyon at naghugas na siya ng pinagkainan namin. Bumaba ako sa high chair at sumunod sa kanya.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon