Last straw
Sophia's
Araw – araw ay nagpapadala si Mcbeth ng bulaklak sa akin. Hindi ko naman pinapansin iyon. Kung darating babasahin ko iyong card, tinitingnan ko kasi kung ano na namang kagaguhan ang sasabihin niya sa akin, tapos itatapon ko at magpapatuloy ako sa pagtatrabaho. Halos dalawang linggo na ang nakalipas mula noong nagkausap kami sa may designer ni Lydia. Palagi pa rin siyang nagpaparamdam sa akin pero wala na talaga akong pakialam. Sobra niya akong sinaktan.
Hindi ko pa nga nakokopronta si Charisse, at wala akong balak. Hahayaan kong paniwalain siyang wala akong alam pero kung minsan kapag nakikita ko siyang humahagikgik habang nakatingin sa phone niya ay iniisip kong baka si Mcbeth ang kausap niya. Huminga lang ako nang napakalalim. Hindi naman ako paranoid noon, hindi naman ako ganito pero ngayon kung ano – anong iniisip ko. Hindi ako dapat nagkakagamito dahil break na kami ni Mcbeth.
"Pia, may naghahanap sa'yo." Wika ni Charisse. Nakatingin ako sa monitor ng computer ko. Nalipat iyon kay Charisse na nakatayo sa may pinto. She was wearing a mini skirt and a white longsleeves. Naka-ponytail ang buhok niya at may malaking ribbon doon. Gusto ko sana siyang sabunutan pero marami akong ginagawa.
"Pia!" Napatayo ako nang makita si Kuy Diego. Hindi agad umalis si Charisse. Nakatingin siya sa amin ni Kuya Diego lalo nang yakapin ako ng bagong dating. Ginulo – gulo pa ni Kuya Diego ang buhok ko.
"Yes, Charisse?" I asked. "I will talk to Diego alone." Maawtoridad na wika ko. Kahit magka-edad kaming dalawa ay ako pa rin ang boss sa aming dalawa kaya may karapatan akong magtaray. I grinned at Kuya Diego when Charisse left.
"Anong atin, Kuya?" I asked. Pinaupo ko siya.
"Wala naman. Nabalitaan mo sigurong mamaya na iyong farewell concert namin diba?" Tanong niya pa. May bakas ng lungkot sa boses niya.
"Oo, Kuya. Okay ka ba?""Hindi pero ganoon ang buhay. Dumaan lang ako para ibigay itong tickets mo. VIP iyan. Sama mo ang Kuya mo saka iyong jowa niya. Si Mcbeth sana pero break na kayo eh." Tumawa siya, tumawa na lang rin ako para hindi naman awkward. Mayamaya may nagpaalam na rin siya. I kissed him goodbye at nang makaalis siya ay bumalik na ako sa trabaho. Bago iyon ay nag-text ako kay Kuya na manonood kami mamaya sa Synesthesia. Sabi ko isama iya si Ate Ria.
"Pia! Grabe! Diba si Diego Arandia iyon ng Synesthesia! My god! May tickets ako ng farewell nila eh! Manonood kami mamaya ng boyfriend ko!" Atat na atat na wika niya. Tiningnan ko lang siya. May boyfriend pala siya bakit nakipaglandian siya kay Mcbeth? O baka naman si Mcbeth ang boyfriend niya? "Anong ginawa niya rito?"
"Ah, binigay niya ang tickets ko. VIP." Iwinagayway ko iyon sa mukha niya.
"Oh! Nanliligaw ba siya sa'yo?"
"Hindi." Matipid na wika ko."Ay, kung ako sa'yo, kung manliligaw siya sa'yo, sagutin mo. Swerte ka kay Diego! Mabait na gwapo pa."
"Charisse, pinsan ni Mcbeth si Diego – you know Mcbeth diba? Iyong ex ko. Magpinsan sila, isa pa, may asawa si Diego, si Ate Atlanta, iyong manager nila. Baka hindi mo alam, kaya in-inform kita. Kasi baka mamaya, atakahin ka ng kalandiian mo, ahasin mo rin si Diego, tulad ng ginawa mo sa ex-boyfriend ko."Napaawang ang labi niya. Nagtitimpi lang talaga ako sa kanya.
"Ikaw kasi. Matagal na akong nagtitimpi sa'yo, ginalit mo pa ako. Matino akong babae, Charisse. Hindi ako pumapatol sa may sabit na, unlike you."
"Ang sakit mo naman magsalita, Pia." Sabi niya sa akin. "Wala kaming ginawa ni Mcbeth. Nagtetext lang kami."
"And do you think that's better?" I asked her. "Still, you know we're in a relationship pero nakipaglandian ka sa text. Hindi dahil text lang, wala iyon, nakakasakit pa rin kayo. Mabuti nga at hindi kita pinalilipat ng department. Kaya utang na loob, dumistansya ka sa akin dahil baka hindi ako makapagpilig, masampal rin kita."
BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...