Dieciseis

54.7K 2.4K 334
                                        

Duwag

One year later...

Sophia

"Oh my god, Pia?"

Napalingon ako nang marinig ko ang aking pangalan. I was walking with Dee that afternoon in Burnham Park. Nasa Baguio pa rin ako. Hindi ko bumababa ng city. Mas gusto ko naman kasi rito, mas tahimik, mas payapa ang puso at ang isipan ko.

"Jean?" Kunot pa ang noo ko habang nakatingin sa babaeng tumawag sa akin. May dala siyang inihaw na mais, halatang kumakain siya dahil panguya – nguya pa siya. "Jean!"


"Pia! Girl! Nandito ka pala sa Baguio!" Nagyakapan kaming dalawa. Si Jean ay isa sa mga kaklase ko noong college. We have the same circle of friends. Ang huli kong balita sa kanya ay nasa States siya at nagta-trabaho sa isang leading magazine doon bilang Creative Director. I envy her job. I follow her work and she's very good at it.

"Oh my god! Ang tagal nating hindi nagkikita!" Sabi ko sa kanya. Nagtawanan pa kaming dalawa.

"Nakakaloka! Ang tagal – tagal na kitang hinahanap, Pia! Seven months pa lang ako dito sa Pinas pero pagtuntong ko sab ago kong work ay ikaw na agad ang hinahanap ko!"


"Ha? Bakit?" Kabado pa ako. Hindi ko kasi alam ang dahulan kung bakit niya ako hinahanap. Matagal na kaming walang communication sa isa't isa kaya ano naman ang magiging dahilan ng paghahanap niya sa akin?

"Can we talk? May iba ba tayong lugar na mapag-uusapan?" She asked me. Napatingin ako kay Dee.

"May coffee shop doon, Ate Pia. Doon na lang tayo. Naiihi na rin naman ako."

"Sige, sige, let's go." Habang naglalakad ay nagkakamustahan pa rin kami. She told me that she tried contacting all our common friends pero wala raw makapagsabi kung nasaan ako. Wala naman talagang masyadong nakakaalam. Isa pa, hindi ako masyadong nagso-social media. Mas gusto ko itong tahimik na buhay. I post something in Instagram from time to time but that's it.

We settled inside the coffee shop. Si Dee ay nagpaalam na gagamit ng rest room.


"What's up?"

"Before anything else, Pia, ang ganda mo ha." Sabi niya sa akin. "I like your hair." Medyo mahaba na ang buhok ko at may kulay pa rin iyon hanggang ngayon. I got tired of my bleach blonde hair and now I have purple hair.

"Thank you."

"And I am hoping that because of your hair, you'll fit just right."


"Ha? Saan? Ano ba iyon, Jean?"

"Umuwi ako to put up my own Ad company. Hindi ako naging masaya sa trabaho ko sa New York Magazine. Noong una nag-eenjoy ako, but the hours, the stress and the sleepless nights, so I decided to comeback kasi pati sex life ko apektado! Nakakaloka. Now, I have my own magazine – not really my own but at least ako ang Editor – in - chief and ang COO ng company. Now, here's where you fit in – I am looking for a creative director Pia. Ang bobo ng ideas ng mga tao ko. I fired the creative director two months ago, at ako ang gumagawa ng trabaho niya. My boss – the CEO, wants me to find a CD ASAP, Pia at ikaw lang ang naiisip ko. Kilala ka dahil sa work mo sa kalaban namin. You know their insides, Pia, we can use you, plus feeling ko nasasayang ang talent mo kasi wala ka naman yatang ginagawa."

"Uy, meron ha!" Wika ko. She looked at me. "I help Mama Ver in her Inn."


"Pia! You have this talent! Don't let it go to waste. Malaki ang sahod, may pa -car ang company, maraming magagadang benefits. Please, Pia, please, work for us." Tiningnan ko lang si Jean. Inaamin kong nami-miss ko na rin ang trabahong iniwanan ko noon. Inaamin kong gusto ko nang bumalik, pero handa na ba ako?

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon