Doce

55.8K 2.4K 1.1K
                                        

May masakit

Mcbeth's

"Tita, please, sabihin ninyo na po sa akin kung nasaan si Pia?"

Nadatnan kong nagdidilig si ang Stepmom ni Pia sa labas kasama si Perry. Makailang beses na akong nakikusuyo sa kanila na sabihin sa akin kung nasaan si Pia dahil gusto ko siyang makausap. Kailangan ko siyang makausap dahil habang tumatagal ito ay lalo kong nararamdaman na lumalayo ang loob niya sa akin. Kailangan kong mayos ito bago pa mahuli ang lahat. Natatakot akong baka hindi ko na siya mabawi.

"Mcbeth, hijo, pasensya ka na. Magagalit sa akin ang Daddy nila kapag sinabi ko sayo kung nasaan si Sophia. Pabayaan mo na siya. Ayaw naman niya nang bumalik sa'yo. Anak, sobrang nasaktan ang anak ko dahil sa nangyari sa inyong dalawa."

Naiintindihan kong ayaw niyang sabihin sa akin kung nasaan si Pia. Pero gusto kong maintindihan nil ana maayos kaming dalawa kapag nag – usap kami. Si Pia iyon, she always listens to me. Maayos naming dalawa ito.

"Tita, maayos po namin ito. Mag-uusap lang kami tapos maaayos namin ito. Maniwala ka sa akin tita. Kailangan ko lang makausap si Pia."

"Sorry, anak." Hinaplos niya ang mukha ko. "Pero mas nauna kong naging anak si Pia, nasa kanya ang puso ko. Just let her be, Mcbeth." Matapos niyang sabihin sa akin iyon ay iniwanan niya ako. Si Perry ay binasa pa ako ng tubig na galing sa house saka umalis na rin.

Nalaglag ang balikat ko at tumingin sa bintana ng silid ni Pia. Wala talaga siya sa bahay nila. Nakausap ko ang isa sa dalawang maids nila, ang sabi niya sa akin nang gabing mahanap si Pia sa may Jones Bridge ay inuwi siya rito ni Peter kasama si Kuya Paolo pero matapos ang pakikipag-usap sa mga magulang niya ay umalis rin si Pia kasama si Peter at ang Daddy nila. Wala raw nakakaalam sa kanilang dalawa kung saan dinala si Pia at kahit raw noong nakabalik na sila Pete ay hindi raw pinag-uusapan kung saan dinala si Pia.

Bakit ba hindi nila makita na kaya ko hinahanap si Pia ay para makausap siya at maayos ito? Nawawalan na ako ng pag – asa. Habang tumatagal na hindi ko nakikita si Pia, nararamdaman kong talagang wala na at hindi ako makakapayag na mawala na. Sa pagkakataong ito, magtitino na talaga ako. Hindi na ako uulit kasi ayokong nasasaktan siya.

Naupo ako sa ilalim ng puno ng acacia. Maghihintay ako hanggang sa makita nilang lahat na determinado akong makipag – usap at maayos ang lahat. Naalala kong dito ko sa ilalim ng puno ng acacia unang nakilala si Pia, dito kami unang naging magkaibigan at dito ko rin unang naradaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang pinanonood ko siyang magdilig noong high school pa lang kaming dalawa.

Mahal ko si Pia, siya ang gusto kong makasama at nagkamali ako talaga pero itatama ko ang lahat ng iyon. Kailangan ko lang ng isa pang pagkakataon.

"Mcbeth!" Napatayo ako nang makita ko ang Daddy niya. Lumapit ako. Kababa lang nito sa kotse. Galit ng mga mata niya sa akin. Sinapak ako kaya nabiling ang mukha ko. Galit silang lahat sa akin – I get it, sana talaga makita nila kung gaano ako ka-sincere ngayon. "Umuwi ka na at h'wag kang babalik rito!" He hissed.

"Dad---"

"Gago!"

"Sir... Sir... gusto ko lang namang makausap si Pia. Nasaan po ba siya?" Maluha – luhang wika ko.

"Nawawala si Pia, Mcbeth." Sabi niya sa akin. "At kasalukuyan niyang hinahanap ang sarili niya dahil nawala iyon noong sinaktan mo siya. Kaya utang na loob!" He hissed at me. "Umalis ka!"

Pinagtulakan niya ako. Wala akong nagawa dahil inilabas na ni Peter ang aso nila. Palingon – lingon ako habang naglalakad palayo. Ang sama – sama ng loob ko – alam kong wala akong karapatan pero bakit ba kasi? Simple lang ang hinihingi ko at iyon ay ang makausap si Sophia – kahit saglit lang, alam kong kapag nakita niya ako ay magkakaintindihan kami.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon