Veinteocho

61.6K 2.5K 705
                                    

I'll wait here

Mcbeth's

Inihatid ko si Pia sa bahay nila. Siya itong ayaw umalis, ayaw niyang umuwi. Iyak pa rin siya nang iyak pero nagpumilit akong ihatid siya dahil kailangan kong mag-report sa office ni Kuya Paolo. He called me last night to tell me that he's sick and I should replace him for today. Minsan lang magkaskit si Popo kaya agad akong sumunod sa kanya.

"Susunduin mo ako mamaya ha?" Ilang ulit sinabi ni Pia sa akin iyon bago siya bumaba ng kotse ko. Ilang beses rin akong tumango. Susunduin ko talaga siya mamaya. Kakausapin ko na rin si Tito at Tita para malinaw na malinaw na kung nasaan ba kaming dalawa ngayon.

To be honest, hindi ko naman talaga alam kung nasaan kaming dalawa ngayon. Yes, we talked, e ended up making love, pero may takot ako na baka kapag bumaba itong nararamdaman ni Pia na adrenaline rush tungkol sa aming dalawa, maisip niya biglang hindi pala ako iyong gusto niya. I know that she is vulnerable right now. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Tulad ko nasaktan siya, paano kung naaawa lang pala siya sa akin kaya sinasabi niyang aalagaan niya ako? She once told Jean that I will always have a special place in her heart because I am Mcbeth. I get that. Pero iba ang sa akin dahil mahal ko si Pia at talagang may puwesto siya sa puso ko. Hindi magbabago iyon..

But it's her... I am so scared right now. Pia has her whole universe at her feet – ayokong makagulo.

Bandang lunch break ay nagpunta ako sa Most. Tumawag kasi si Diego at nagsabing nagpadala raw ng pagkain si Tita Dori para sa lahat. Dumating akong nagsisikain na sila. Siyempre, sweet na sweet si Jean at Luigi. They have told everyone that they are engaged at alam kong mamamanhikan na ang pinsan ko sa darating na Sabado. Everyone is excited.


"Nandito na si Mcbeth!" Sigaw ni Diego. Nag-high five kaming dalawa. Si R3 ay niyakap ako sabay tapik sa balikat ko. Jean smiled at me, si Luigi naman ay pinauupo na ako.

"Nasaan si Yves?" Tanong ko.

"Oh, diba kayo ang magkapatid?" Balik – tanong ni R3 sa akin. "H'wag mon ang hanapin, baka kasama lang si May Laurence noon. Kain, kain. Masarap itong buttered sugpo ni Tita Dori. Naupo na ako. I noticed that Jean was looking at me in a way that made me uncomfortable.

"So, Mcbeth, anong ginawa mo kagabi?" She asked.

"Wala naman. Natulog lang."

"Ahhhh... o e di wow!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Tumawa na lang ako pero hindi na ako nagsalita.

"Nasaan si Pia ngayon?" Tanong ko kay Jean.


"Bakit hindi mo siya tanungin?" Para bang nanunubok talaga siya. Kumunot na ang noo ni Luigi. Jena grinned. "Nasa Channel 3 siya ngayon. May meeting siya with the executives. Baka pumirma na rin siya ng contract ngayon. Sabi ko nga sa kanya, baka hindi siya makatayo dahil sa pagod." Nagkanda -ubo – ubo ako. Agad naman akong binibyan ni Diego ng inumin.

"Dahan – dahan kasi sa tahong, Mcbeth!" Sigaw ni Diego.


"Ayan, tilapia." Binigay ni R3 sa akin. "Masarap iyan, fresh tapos pink pa!" Lalo akong naubo. Si Jean ay ngisi nang ngisi.

"Is there something wrong?" Luigi asked.

"Ah, wala naman. Nabilaukan lang ako sa tahong at tilapia." Tumawa nang malakas si Jean dahil sa sinabi ko. Gusto kong sabihin sa kanila, pero hindi pa yata pwede. Hindi ko naman kasi alam kung nasaang estado kami ni Pia ngayon. Gusto kong pahupain muna ang emosyon niya. Baka magbago ang isip niya at kung sakaling ganoon nga, ayos lang naman, hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko kay Pia.

Matapos kumain ay nagpaalam akong umalis na. Sa hallway ay nasalubong ko si Steve na kasama ang lang staff niya. Napahinto ako, tumingin siya sa akin.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon