Gusto ko
Mcbeth's
Ilang beses na akong bumahing nang gabing iyon. Magkakasakit ako dahil maliban sa malamig dito sa Baguio, madalas akong natutuyuan ng pawis sa likuran tapos nalaglag pa ako sa ilog sa Burnham park at natuyuan rin ako ng damit noon, hindi kasi agada ko nakapagpalit dahil nagtatago ako kay Pia. Hindi ko maintindihan kung bakit nakita niya ako samantalang nahulog na ako at lahat, pag-ahon ko nga may lumot pa ako sa buhok. Ang baho ko kaya noon, nakailang ligo pa ako.
"Huy, ang tindi ng sipon mo ha." Sabi ni Rico sa akin. "H'wag ka dito, baka masipunan mo itong mga pagkain."
"Sensya na, Pre." Bumahing na naman ako at lumabas ng kusina. I was trying to feel okay today. Hindi ko pa kasi nakikita si Pia, kailangan ko siyang makita para naman gumaan ang pakiramdam ko. I sighed. Hindi siya lumalabas sa may terrace. Nasaan na kaya siya? Wala rin siya sa likod bahay, wala siya sa garden, naisip ko tuloy na baka hindi siya umuwi kagabi. Baka hanggang ngayon magkasama sila ni Bruce. Maybe they are having sex.My thoughts are out of nowhere. Siguro sinusubukan ni Pia na gumalaw at wala akong magagawa roon dahil lahat naman ito ay kasalanan ko. My phone rang, katatawag ko lang kasi kay Mama kaya pumasok agad ang tawag ni Yves.
"Nasaan ka? Wala ka raw sa Ilocos sabi ni Luigi."
"Nasa Baguio ako." Mahinang wika ko. Baka may makarinig sa akin kasi. Ayokong ipaalam.
"Oh? Saan? Nandito rin ako. May taping si Lauren ng Lauren's Journey. Wala pang PA so ako muna. Nasaan ka?"
"Magkita na lang tayo. Saan ka ba naka-check in?""Sa Manor ako." Sagot ni Yves.
"Ako rin! Sige. Kuya, alagaan mo ako ha. May sakit ako."
"Gaguuu..." Binabaan ako ni Yves ng phone. Napakakapal talaga ng mukha. Pagharap ko ay napasigaw ako dahil naroon si Mama Ver.
"Aba! At naglalakwatsa ka na ngayon! Babae ang kausap mo ano?!"
Nanlalaki ang mga mata ko.
"Hindi po. Hindi po Mama Ver. Kapatid ko po iyon, si Yves lalaki iyon saka kausap ko rin si Mommy. Wala po akong babae!"
"Sa ngayon, eh paano bukas?"
Natahimik ako. Tinatanong ko rin iyan sa sarili ko. Paano bukas? Alam ko namang sobrang dali kong madistract pero alam kong iba ngayon. Si Pia lang ang gusto ko – gusto ko siya, kasabay noon ay hindi ko ipinagpipilitang makausap siya.
"Nasaan po ba si Pia?"
"Nasa silid niya. Umiiyak na naman.""Bakit po? May masakita ba sa kanya. Alalang – alala ako."
"Wala. Kinuwento ni Bruce kahapon raw nasa Burnham sila, may nakita raw na kamukha mo." Gigil na gigil si Mama Ver sa akin. Pinag-day off kita kahapon para mamasyal ka pero mukhang sinundan mor in ang apo ko!""Hindi po! Nagkataon lang po na naroon rin ako. Nakita ko nga sila, Mama Ver. Naghalikan sila pero wala akong ginawa, nahulog ako sa ilog pero nagtago po ako." Napapakamot ako ng ulo.
"Naghalikan sila ni Bruce?" Tanong ni Mama Ver. "Nakita mo? Kamusta ka naman?"
"Akala ko po mamamatay ako."
"Ah. Kulang pa, dapat, gustuhin mong mamatay!" Tinuktukan niya ako. Nagulat ako tapos napabahing. "Hala! Gawan mo ng kape ang apo ko!"
"Opo, Mama Ver." Ngumiti na lang ako at pumasok na sa loob ng kusina. Bahing ako nang bahing at iniiwasan ko talagang mahingahan ang kape ni Pia. Baka magkasipon rin siya. Pagkatapos na pagkatapos ay binigay ko agad iyon sa kanya. Mabilis akong tumakbo sa labas para silipin kung mag-stay ba siya sa terrace, laking tuwa ko nang makitang naroon na siya habang may kung anong hawak. Nakatingin siya sa malayo. Napakalungkot ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...