If you come back
Alpha Series # 06
A novel by
xxakanexx
Prologue
Kakaiba
Ten
Ang sabi ni Kuya Yves, kaya raw umiiyak si Kuya Paolo kaninang umaga kasi dadalhin siya ni Papa sa ospital dahil magpapatuli na siya. Hindi ko alam kung bakit nakakaiyak iyon para kay Kuya samantalang sabi ni Uncle Paeng, parang kagat lang raw ng langgam iyon. Noong isang linggo kasi, umuwi kami sa Bulacan para magbakasyon tapos nalaman kong tinuli na si Rosauro, Sabello at si Crisanto. Nakita kong parang nakaliyad sila maglakad. Sabi ni Sab hindi naman raw masakita kaya di ko alam kung bakit nag – iiyak si Kuya Paolo kagabi at ngayong umaga.
Si Papa naman, tawa nang tawa kay Kuya. Ang yabang raw pero duwag naman.
"Gusto mo bang maging supot, Paolo? Nakakahiya iyon. May helmet iyang ulo mo sa baba." Tawang – tawa rin si Mommy habang sinasabi ni Papa iyon nang paulit kay Kuya. Hindi na nga maipinta ang mukha ni Kuya.
"Hindi naman masakit iyong kagat ng langgam, diba?" Tanong ko habang hinahalo iyong cereals ko. Tumingin si Kuya Paolo sa akin.
"Pa, bakit ba hindi na lang kami sabay – sabay na tatlo? Tingnan mo sila Ross, sabay – sabay silang magkakapatid! Si Ampon pa ang naglalanggas sa kanila!"
"Don't call Mona Ampon, Paolo. That's rude!" Babala ni Mommy. Mabait naman si Ate Mona kahit ampon siya. Hindi nga niya pinapatulan si Kuya kahit na araw – araw last week na sinasabihan siya nitong ampon.
"Hindi kayo pwedeng sabay, tagpos na tagpos ka na. Si Yves kaunting laro pa tatagpos na rin, si Mcbeth hindi pa." Ako iyong Mcbeth na sinasabi ni Papa. Ako kasi ang bunso sa magkakapatid, si Kuya Paolo ang panganay, trece anyos na siya, si Kuya Yves naman ay doce, ako ten years old at nasa grade 5 na. Rank 1 ako sa klase. Sabagay lahat naman kaming magkakapatid ay nangunguna sa klase. Si Kuya Yves ay Rank 1 rin sa klase niya. Grade six na siya, si Kuya Paolo na Graden 8 na ay Rank 1 rin kaya proud na proud si Mommy sa aming tatlo.
"Saka ayaw mo noon, sa pasukan, tuli ka na. Lalo kang tatangkad, Paolo. Makakalaro ka ng basketball nang mas maayos." Ngiting – ngiti si Mommy. Walang nagawa si Kuya kundi ang sumama kay Papa nang tanghaling iyon at magpapatuli na siya. Naiwan kami ni Kuya Yves sa bahay. Naglaro kami ng Gameboy niya – Super Mario pa nga ang nilalaro namin. Nakaupo lang kami sa may sofa maghapon, naghihintay.
Alas tres nang bumalik si Kuya Paolo. Paliyad – liyad na rin siyang maglakad.. Tawa kami nang tawa ni Kuya Yves at sa inis niya sa amin ay binato niya kami ng unan. Ilang oras kaming nag-aasaran pero binawalan kami ni Mommy na guluhin pa si Kuya Paolo kaya naisip ko na lang na mag-bike. Si Kuya Yves raw matutulog siya kaya ako na lang ang nagpaalam na lumabas ng bahay.
Dala ang bike ko, nagpunta ako sa may park. Medyo malapit lang ang park sa bahay namin, mga three blocks away. Maraming bata roon kaya maghahanap ako ng kalaro. Nakita ko iyong mga taga – kabilang arko, iyong kambal na Sandoval, naglalakad sila at may dalang bola.
"Japet! Eli!" Sigaw ko. Kilala ko sila kasi same school lang kami pero mas matanda sila ng isang taon sa akin.
"Oh, Mcbeth, ganda ng bike mo ha!" Tumawa si Eli at nakipag-high five sa akin.
"Lalaro kayo?"
"Sana eh, pero binawalan kami noong bantay sa court, doon raw kami maglaro sa park malapit sa street namin eh may nagpa-practice naman ng street dancing."
BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...