Veinteuno

52.7K 2.3K 549
                                    

Hinala

Welcome back, Baby boy!

Mcbeth's

"Dito ka pa rin matutulog, Kuya Paolo?"

Kalalabas ko lang ng institute at masayang – masaya ang mga magulang ko dahil nakauwi na ako. Ayoko pa nga sana pero noong i-clear ako ni Doc Cynthia ay wala na akong nagawa. Sabi niya sa akin, kung magkakaproblema naman raw ay maaari akong bumalik. Madali raw bumalik – baka raw bigyan niya pa ako ng loyalty card.

"Oo, bakit? Doon ka sa couch ha. Ako sa kama mo."

"Uuwi na lang ako sa bahay ko." I have my own house. Mas malapit iyon sa office namin ni Paolo at mas gusto ko roong manirahan, tahimik kasi, pero ayaw ni Mommy at Daddy. Si Ashley – iyong pitbull ko ay kinuha na muna ni Luigi, siya muna ang nag-alaga habang nasa loob ko. "O kung ayaw ni Mama doon na lang sa condo ko, kapitbahay ko naman sila Yves roon."


"Dito ka lang raw. H'wag matigas ang ulo mo." Sabi niya sa akin. Nahiga na siya sa kama ko. Binato niya ako ng unan at kumot kaya wala akong nagawa kundi ang ilagay iyon sa sofa. Mukhang doon talaga ako matutulog. Ganoon naman ang pwesto namin tuwing doon matutulog si Kuya Paolo. Siya raw kasi ang panganay, siya raw dapat sa kama.

Nahiga na ako roon. Alas singko na kami nakauwi galing sa institute kasi ipinasyal pa ako ng mga magulang ko. Sabi ni Dad dapat raw mag-gym na ulit ako kasi tumaba ako. Iniisip ko rin iyon. Napabuntong – hininga ako.

"Bakit? Bakit?" Napansin kong nakalapit agad si Kuya Paolo sa akin.

"Ha?"

"Eh nagbuntong – hininga ka. Bakit, anong iniisip mo?"

"Kung bakit iniwanan ka ni Ate Mary." Sukat ba naman diniinan niya ako ng unan sa ulo. Tawa naman ako nang tawa.

"Putang ina ka, nanahimik ako rito! Matulog ka na! Bukas raw magpagupit ka!" He groaned at me. Bumalik si Kuya Paolo sa kama habang ako ay nagbuntong – hininga ulit. Hindi na ako sanay dito sa silid ko, hindi ako makatulog, hinahanap ko iyong mga yabag ng paa ng nurses sa labas ng silid ko sa institute. Hinahanap ko ang boses ng Mama ni Victoria, siya kasi ang madalas kong kakuwentuhan roon at hinahanap ko ang katahikan sa loob ng building na iyon. Dito kasi naririnig ko iyong paligid, iyong mga kotse, iyong malalayong boses na nag-uusap sa paligid.

Bumangon ako. Pagod siguro si Kuya kaya maaga siyang nakatulog. Lumabas ako ng silid ko at bumaba ng kusina. Nakita ko si Mommy sa kusina na may kung anong ginagawa. Hindi ko na siya inistorbo at lumabas na ako ng kabahayan.

Natagpuan ko ang sarili kong tinatahak ang pamilyar na daan patungo sa park kung saan tapat lang ng bahay ni Pia.

I miss her – a lot. I still want to see her. Sometimes I get too selfish, I think about our good times together. Naisip ko kasi na kahit iyon lang ay hindi ko karapatan. Hindi ko siya dapat isipin, hindi ko dapat banggitin ang pangalan niya, hindi ko siya dapat tingnan kasi hindi tama.

I sat on the rock under the acacia tree. I was wearing my old hoodie – the one she gave me in our first anniversary. Nakapamulsa ako at nakatingala sa may bintana niya. Tahimik akong humihiling na sana kahit anino ni Pia ay makita ko.

Ang tagal – tagal ko sa labas. Matyaga lang akong naghihintay at hindi naman ako binigo ng mundo, lumabas si Pia kasama si Steve. Magkahawak ang kamay nila at tumatawa si Pia. Naririnig ko ang lutong ng halakhak niya at parang gasoline iyong nagpabilis ng tibok ng puso ko. May sinabi si Steve sa kalagitnaan ng paghalakhak niya, lalong lumakas iyon, hinampas niya pa ang dibdib ni Steve. Si Steve naman ay hinuli ang kamay ni Pia at hinagkan iyon.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon