Veinteseis

62.3K 2.4K 756
                                        

Usap muna dapat 

Sophia's

Wala akong kibo sa breakfast. Luigi and Steve were talking about the next issue for this month. Jean was busy eating, nakikipag-usap rin siya sa dalawa. Si Leina ay kinukulit si Mama Ver sa recipe ng Strawberry Arrozcaldo niya, si Mcbeth... wala si Mcbeth at nahihiya akong magtanong, pero hindi rin ako nakatiis.

"Nasaan si Mcbeth, Leina?" I asked her. Napatingin siya sa akin. Nilunok muna niya iyong kinakain niya saka siya sumagot.

"Tulog pa. Pagod siguro iyon." Sinabayan niya ng ngisi. Nainis ako pero hindi ko pinahalata. Ilang oras na ang nakalilipas pero hindi pa rin nagbabago ang ritmo ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga luluwa ko na ang puso ko.

"Ahh..." Napatango na lang ako. Natapos ang breakfast nang ganoon lang, basta kabado pa rin ako. Steve cornered me near the stairs. He grabbed my arm. Okay, baka naisip niyang dapat na kaming mag – usap ngayon. Dalawang araw niya akong dinededma, baka time to talk na.

"I'm leaving this afternoon. My dad's coming. I'm picking him up at the airport. I want you to come with me."


"Pag-uusapan ba natin ang trabaho sa—"

"Pwede ka pang mag- back out. Wala pa naman contrata. I want you to go back to Most. Madaling kausap si Luigi, tatanggapin ka niya ulit. Kung gusto mong maayos ito, Pia, just obey me. Mahal kita. I want us together, Pia. Please." May please sa dulo pero parang hindi naman siya nakikiusap. Bumitiw ako sa kanya.

"Steve, girlfriend mo ako pero hindi mo ako pag -aari. I can do whatever I want. I have my own freedom and I don't need your approval to everything I do."

"Hindi kita pinapipili, Pia."

"Ano? Inuutusan mo ako? Kahit kailan hindi kita pinangunahan sa pangarap ko. Nagawa mo naman na ang lahat, bakit ako bawal?"

"Dahil lumilipad ka at iniiwanan mo ako!" Tumaas ang boses niya.

"Hindi naman dapat ganyan diba? You should be happy for me."

"I am, Pia, pero hindi maalis sa isipan ko na habang nag-eexpand ang mundo mo, naiiwanan ako. Paano na ako? Dumarami ang nakikilala mo, paano kung may makilala kang mas kaysa sa akin? Paano ako, Pia?"

"Steve, hindi ako ganoon."

"Hindi? Iyong simpleng pagsundo ko sa'yo sa airport, nakalimutan mo, paano pa kaya iyongh ako mismo? Pia, mahal kita, pero nakikita kong nagbabago ka."

Hindi ko siya maintindihan. Anong pagbabago? I am the same!

"Every time I tell you I love you, you just stare at me, Pia. Never once did I hear it come out of your mouth. Ano ba ako para sa'yo?"

Pero hindi ako nakasagot.

"Papipiliin kita, iyong Channel 3 o ako?"

Why is he doing this to me? Mayamya ay umiling siya at umakyat na sa itaas. Ang sumunod na nangyari ay dala na niya ang gamit niya at umalis siya nang umagang iyon sa Inn ni Mama Ver. Nagkulong lang ako sa silid ko. Ni hindi ko magawang umiyak. Hindi ko rin alam kung bakkt pero palakad – lakad lang ako.

Bigla ay may narinig akong kalabog sa kabilang silid. Parang may nauntog tapos ang sumunof ay:

Ahhh... shit, baby, ahhhng sarap – sarap, Mcbeth! Oh my god!

And I found myself tearing up. Sunod – sunod na luha ang lumabas sa akin. Hindi pa ba sila napapagod? Last night ganyan rin silang dalawa. Kung sabagay, si Mcbeth iyon – and from my experience, he really has an big appetite for sex tapos idagdag pa iyong hitsura ni Eleina, napakaganda niya, talagang hindi makakapgpigil si Mcbeth.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon