Cinco

60.2K 2.1K 835
                                    

Ibinigay 

Sophia's

Second day of being a couple. Nakakakilig pala iyon. Buong gabi kaming nagkukwentuhan ni Mcbeth sa labas ng kamalig. Marami akong nalaman sa kanya. Sabi niya, kalahatian raw ng Grade Sxi ay tlagang crush na niya ako pero nayamot raw siya sa akin noong kinain ko iyong binigay na chocolate sa kanya ni Kirsten noon. Naiinis rin daw siya sa akin dahil hinahabol ko siya sa acads.

"Grabe ka! Paano pala kung nag-aaral lang talaga akong mabuti kasi gusto ko talagang maging top."

"Huli noong na-realize ko iyon." He said. "Kaya noong high school tayo, hinayaan kita, nagpatalo ako sa'yo kasi mas rewarding iyong effect sa akin na gusto kong nakikita ang mga ngiti mo. Okay nang top 2 ako o rank 2 ako, basta ikaw, masaya ka. Masaya ka ba ngayon?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Mcbeth put his arm around me and kissed my temple.


"Pag-uwi natin bukas ng gabi sasabihin ko agad kay Daddy. Basta Mcbeth, promise mo sa akin ha.... H'wag mo akong saktan. Malalim akong magmahal, hindi ko alam kung anong kaya kong gawin, basta ayokong magkasakitan tayong dalawa."

"I will never hurt you." He kissed me again. I kissed back. I believe every word he says. Mahal ko talaga siya at laking pasasalamat kong pinagbigyan ko ang aking sarili ngayon.


Mag-uumaga nang umuwi kami sa mansion. Nagkakasatan pa kami habang naglalakad pero natigil kami dahil pagdating sa mansyon ay may isang itim na van ang huminto. Bumaba roon ang isang may edad na lalaki.

"Ah! Si Uncle. Tara, ipapakilala kita." Pinakilala nga niya ako. May kasama ring anak ang Uncle niyang iyon. "Kuya Luis, si Pia, girlfriend ko. Si Kuya Luis saka si Ate Molly."

"Hello po!" I waved at them. Malaki ang pamilya ni Mcbeth. Napakarami nilang magpipinsan. Tahimik kaming pumasok sa bahay. Gising pa pala si Paolo at Diego, nagiinom sila kasama iyong ibang pinsan nila. Naroon si Sabelo at ang kakambal nitong si Rosauro, iyong Ricardo na magulo kanina pa at walang ibang bukambibig kundi ang kabayo ng mga Arandia, Ron, Romeo at Regino – basta marami sila.

"Molly!" Sigaw bigla ni Kuya Paolo. "Akala ko hindi ka pupunta, sabi mo uuwi kayo ng La Union." Kuya Paolo at Ate Molly hugged each other. Matapos iyon ay nakipag-kamay si Kuya Paolo kay Luis.


"Wala pinagbigyan na naman ako. Nasaan si Mary?"

"Tulog na. Pagod iyon. Galing pa kami sa training niya kanina."

Mcbeth joined them. Nagpaalam naman akong aakyat na sa itaas. I saw Mariake Rojas sitting near the stairs, looking at the boys downstairs.

"Uhm, Ate Mary, anong ginagawa mo riyan?" She smiled at me.

"I was just watching Paolo. He's such a handsome man." She even giggled. "Matutulog ka na ba? We share the same room, sabay na tayong pumasok." Inalalayan ko siyang lumakad. "I'm so glad, you get to join us. Matagal na kitang gustong makilala. Mcbeth is always talking about you."

"Ano – anong sinasabi niya?"

Nakapasok na kami sa room. Ate Mary sat on my bed. She made me sit beside him.

"Well, he always says that he's very happy when he's with you. Minsan pinagalitan ko si Paolo kasi he's making fun of him when he talks about you. And then, one time, he talked to me and he told me that he's scared of you. Alam naman raw kasi niya kung gaano ka nasaktan noon sa mga parents mo and he's scared that he'll hurt you. He's just a very scared baby boy inside. Kaya masaya ako kasi you're giving him a chance."

"Actually, Ate sinagot ko na siya. Official na kami ngayon tapos nagpaalam pa siya na kung pwede raw talagang isama namin sa kuwento na elementary naging kami. Natatawa ako, para siyang bata."

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon