Wala akong ginawa
Sophia's
One year and three months later...
"I don't have time for this, Steve. Please, please naman. Minsan na lang naman tayo nagkakasama, sana naman h'wag na tayong mag -away."
Steve gave out and exasperated sigh. I felt even more frustrated. Nag-aaway na naman kami. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit maliit na bagay, imbes na pag – usapan naming dalawa ay nauuwi sa ganito. Alam kong upsete siya, but I wanted to spend time with him now. Two months ako sa Singapore, halos Facetime lang ang bumubuhay sa aming dalawa, pagbalik ko naman ganito.
"Oh? Are you saying that it's my fault, Pia? I waited for you at the airport! Sana man lang sinabi mo sa aking sinundo ka ni Peter!"
"I forgot, okay?""You always forget! You don't have time! Nagdedesisyon ka sa buhay mo nang hindi moa ko kinokunsulta! You left Most without even discussing it to me! Now, is it my fault that we're like this? You don't have the time because you're too busy! Kung sa Most ka, palagi pa rin tayong magkasama."
At lumabas nga ang bagay na ito. One of the reasons why he's like this is because he's still upset when I decided to leave Most and work for an Asian Magazine. Nasa Pilipinas pa rin naman ako but I go out of the country from time to time dahil kailangan sa trabaho ko. Nag-eenjoy ako, masaya ako dahil ngayon ko lang nakita kung gaano kasarap magtrabaho na para bang nasa paa ko ang buong mundo.One by one, all my dreams are becoming my reality. I couldn't help but be happy – but to Steve, that means I am abandoning this relationship.
"Steve, pangarap ko ito. Can't you be happy for me?" Parang natigilan siya. Pagkakataon ko nang lapitan siya at yakapin. We were at his condo. I made dinner for him pero nauwi nga kami sa away. "Love, I missed you." I cupped his face to kiss him but he turned me away.
"You miss me? Then come back to Most." He said. Nakikipagtitigan siya sa akin tapos ay bigla siyang umiling.
"Steve..." He walked away from me. Pumasok siya sa kwarto niya at iniwanan ako.
"Lock the door when you leave!" Sigaw niya habang nasa kwarto siya. Napabuntong – hininga ako. Nasayang lahat ng effort kong ipagluto siya ng dinner niya. Alam ko namang nagtatampo siya, si Steve kasi, gusto niyang palagi kaming magkasama.
Gusto ko rin naman iyon pero hindi kasi nag-stay dito sa Metro ang pangarap ko.
I left his unit and went home. Masakit ang ulo ko dahil sa away naming dalawa. I just wished n asana hindi niya muna ako inaway ngayon. Kababalik ko lang and I am really hoping for a day with him pero wala akong napala.
Shocks, nagsuot pa naman ako ng magandang panty at bra.
"Pia, is that you?" Maybe Dad heard me coming home. "Oh, akala ko ba may Steve day ka ngayon?"
"Opo, Dad, galing na ako. Happy naman siyang makita ako. May lakad?"
"Ahhh, oo. Ano, gusto mo bang sumama?" He asked me. "Birthday ng Tita Elisa mo. Inimbitahan tayong mag-dinner."
"Ay oo nga pala!" I exclaimed. "Tamang – tama. Ibibigay ko iyong pasalubong ko for her.""Ah, sasama ka? Ano, ha, andoon si Mcbeth."
"Daddy nga. Akala naman nito. Okay lang kami ni Mcbeth. Jusko, ang tagal na noon." Nagmadali akong umakyat para kuhanin ang pasalubong ko para sa kanilang lahat. I;m kind of excited to see all of them. Halis mag-iisang taon kong hindi nakakausap ang mga Arandia – well maliban kay Luigi dahil kay Jean.

BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...