Deiciocho

52K 2.2K 406
                                    

H'wag gawing mundo

Pia's

The next days were hell for me. Hindi nagpupunta si Mcbeth sa office at hindi rin daw alam ni Luigi o ni Kuya Diego o ng kahit sino sa kanila kung kailan siya pupunta rito. Gusto ko siyang makausap para linawin kung anong ibig niyang sabihin. Why would he want me to unlove him? How can I do that? I love him so much na halos kalimutan ko ang sarili ko para lang sa kanya! Ito ngang iniwanan niya ako ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Akala niya ba gusto kong nagkakaganito ako? I want to be free from him pero hindi ko magawa. Gusto ko ng buhay na wala siya sa Sistema ko pero hindi ko magawa because my heart aches for him. I long for him despite of all the things he did to me.

Ang nakakainis pa, ako ang ganito. Ako lang ang basag. Nakikita ko siyang masaya, may Raspberry pa siya, may Jean pa siya at sigurado akong napakarami niyang babae. He can have all the girls in the whole world, and it will only hurt me more because he is the one that I want to be with. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko basta alam ko hanggang ngayon mahal ko si Mcbeth.

"May staff meeting tayo mamaya." Wika ni Jean sa akin. Magkaharap kami at tinitingnan niya ang proposed layout na in-approve ko.

"So, pupunta si Mcbeth?" Biglang tanong ko.

"Ay, hindi ko alam, Pia."

"Diba sabi mo, pumupunta siya tuwing staff meeting?"

"Oo, pero depended kasi iyon, minsan nandito siya, minsan naman wala or kung may gagawin siyang iba, hahabol siya. He is a very busy man."

"May number ka ba niya?"

"Wala."


"Talaga?" Tumaas ang kilay ko. "Akala ko ba gusto mong i-date si Mcbeth?" Tuwing naaalala ko iyon ay nangigigil ako. Napatingin sa akin si Jean. Napakurap siya tapos sabay ngiti.

"Ah... oo... hahaha, sinabi ko nga pala iyon. Sige sige... Pero wala nga akong number niya. Baka si Luigi." Skeptical ang tingin ko sa kanya. I want to talk to him. We need this talk. Hindi ko alam kung bakit iwas na iwas siya sa akin.

Inabala ko na lang ang sarili ko pero napapatigil ako kapag naaalala ko si Mcbeth, kailangan ko talaga siyang makausap.

"Hey." Bandang tanghali ay kinatok kami ni Luigi sa office ko. "Location check tayo mamaya."

"Ha? Meron ba?" Parang lumipad ang tainga ko nang marinig ko ang boses ni Mcbeth. Nakita kong galing siya sa office ni Luigi. Nandito pala siya. Kailan siya dumating? Bakit hindi ko napansin? Nakatayo siya sa likod ni Luigi habang nakatingin sa phone. He looked at us. Kumaway pa siya sa amin ni Jean.

"Naalala ko, Mcbeth, crush nga pala kita." Tumawa si Luigi, si Mcbeth naman ay napakunot ang noo.

"Bahala kayo sa buhay ninyo." Luigi said that while walking away with a huge smile on his face. "Location check tayo mamaya!"

"Si Luigi na lang ang sasama sa inyo sa location mamaya ha." Malumanay na wika niya. Hindi pwede! We need to talk!

"Bakit?" I asked.

"Ha? Ahh, kasi may session ako." Tumaas ang kilay ko. I tried to sound as casual as I could.

"Ahh, iinom? Mambabae. Walang pagbabago no, Mcbeth?" Pinilit kong maging sound like biro ang sinabi ko. I was watching his reaction, wala namang nagbago sa mukha niya, ngumiti pa ang gago. Sobrang gago talaga. Gusto ko siyang kagatin sa tainga. Napatiim ang bagang ko. "Uuwi ako ng maaga mamaya, birthday ni Rain – iyong baby ni Kuya Peter, isasama ko si Tony."

"Ahh! Ang galing meet the parents na. Good luck ha!"

Gusto ko talagang magwala pero pinipigilan ko ang sarili ko.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon