Bagay na bagay sila
Pia's
Pumasok ako ng office kinabukasan nang naka- wayfarers. Magang – maga kasi ang mga mata ko. As usual magdamag kong iniyakan si Mcbeth. Ilang beses kong tinanong sa sarili ko kung hindi na ba niya ako mahal kasi ako kahit sobrang gago niya sobrang mahal ko pa rin siya. Sobrang hirap ng sinasabi niya sa aking h'wag ko siyang gawing mundo. Anong gagawin ko? Umikot sa kanya ang buong buhay ko.
"Awww, Pia..." Bumalik na naman ako sa random na pag-iyak but palaging si Jean ang nakakakita sa akin. She will hug me and let me cry for a while tapos makikinig siya sa paulit – ulit kong litanya.
"How can he be okay like this? Bakit ako hindi okay?!" Hahagulgol na naman ako. Oras – oras tinatanong ko sa sarili ko kung bakit hindi na niya ako mahal, pero hindi ko iyon masagot.
"Wala pa lang kulang sa akin? Wala pa lang mali sa akin bakit ayaw niya akong balikan?" Jean will just look at me, yayakapin niya lang rin ako.
Anim na buwan akong ganoon. Anim na buwan ko ring hindi nakikita si Mcbeth. Wala akong balita sa kanya. Hindi binabanggit nila Luigi o ng kahit na sino ang pangalan niya sa office. Sobrang down ko na naman, hanggang sa isang araw, napikon na yata sa akin si Luigi. Kinausap niya ako.
"Galit ka pa ba kay Mcbeth?" Hindi ko tinatanggi iyon. Galit ako kay Mcbeth dahil sobrang dali para sa kanya ang itapon at iwanan ako.
"Kung ipagtatanggol mo siya, huli ka na. Kaunti na lang bato na ang puso ko."
"Iyon naman yata talaga ang gusto niya." Luigi said. Sumandal siya sa swivel chair. "Wala na si Mcbeth, Pia." Napaawang ang labi ko. Seryoso si Luigi.
"Ha? P-patay na siya?" Nabasag ang boses ko.
"Hindi. Gaga nito. Wala si Mcbeth. Umalis siya. Nangibang – bansa. Mas maganda kasi iyon malayo siya sa'yo pero heto ka naman, malayo na nga siya, basag ka pa rin." He sighed. "Remember the job offers you got from Malaysia, Singapore and Canada? Mcbeth was the one who passed your application and portfolio. I remember him calling me in the middle of the night asking for that favor. Pia, he wants you to expand your universe, pero ikaw mismo ang umaayaw. Tuwing mababalitaan niyang you turned down the job, nalulungkot iyon. Gusto niyang buuin mo ang sarili."
I wiped my tears.
"Hindi ko alam, Pia, kung nakikita mo ba ikaw sa salamin. Sobrang pathetic mo na. You are asking for him to love you again? Why, mahal mo na ba ang sarili mo? That's what he's been trying to tell you. Alam niya na umikot ang mundo mo sa kanya, alam niyang nawala ka dahil sa kanya, although he loves you, Pia, he needed to do that to set you free. Pia, palayain mo ang sarili mo kay Mcbeth."
Hindi ako makakibo kasi alam kong tama siya at nahihiya akong sa kanya pa nanggagaling ito.
"Napapagod na akong panoorin ka, Pia. Hindi ka na iba sa akin, parang kapatid na rin kita and I want your happiness. Hindi babalik si Mcbeth, at kung babalik man siya, hayaan mo siya. Siya naman mismo ang nagsasabi that you don't deserve him because of all the heart ache he gave you. Find someone else! Ang daming ibang lalaki diyan, Pia. Love yourself, first. You cannot give others what you don't have."
At tuluyan akong napahagulgol. Akala ko noong umuwi ako ng Baguio, gagaling ako, pero ang ginawa ko hinintay ko lang pala siyang sunduin ako, at alam ko noon na kapag nakita ko siya, tatakbo ako at sasama sa kanya dahil mahal na mahal ko siya. Sobrang tanga ko. Handa akong tanggapin siya kasi mahal ko siya – kahit na masaktan ako, kahit na alam kong uulit siya, aalis lang ako at babalik muli sa kanya.
"Paikot – ikot kayo ni Mcbeth na parang bote, Pia. He broke the cycle, you should at least try to move."
Alam kong tama silang lahat, kaya sinubukan kong gumalaw – iyong totoong paggalaw, iyong walang Mcbeth na hinihintay ako sa araw na iyon, iyong hindi ko siya iisipin at para mabawasan iyon, sinimulan kong iligpit ang lahat ng gamit na binigay niya sa akin. I don't have the heart to put it away, ililigpit ko lang at kapag kaya ko na, itatapon ko o susunugin ko. Mukha talaga akong tanga dahil habang nilalagay ko sa box lahat ng memorabilia niya ay humahagulgol ako. Kuya Peter was there and he helped me. Matapos iyon ay niyakap niya akong mahigpit.

BINABASA MO ANG
If you come back
General FictionPaulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap. Napapagod siya, oo, pero tinatanggap niya dahil mahal niya ito. But until when the phrase "mahal ko...