Kabanata 5

589 14 0
                                    

"Bakit ba kasi kailangan mo pang umalis?" Nakasimangot na tanong ni Vivian habang nilalabas ko na ang mga gamit ko.

"Ziyal wants to." Tipid kong sagot dahil 'di ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya. Ang sinabi ko lang ay gusto akong dalhin ni Ziyal sa mas maayos na lugar. Hindi ko sinabing magkasama kami sa isang condo unit, at kanina pa rin 'to nag-iisip ng kung ano.

"Masyado namang protective 'yang si Ziyal. Nako, iba na talaga nararamdaman ko tungkol sa inyo." Naniningkit ang mga matang sabi nito dahilan para mabilis akong umiling.

"Let's just say, ginagawa niya 'to para rin sa kanya. Hindi ko rin naman alam ang mga binabalak niya, at baka pang-impress lang 'to sa mga tao. I might live in chaos kahit na maganda ang lugar. Hindi ko lang din naman matanggihan, at hindi naman kami magsasama." Sige lang, Liah. I-deny mo pa ang katotohanan na magsasama kayo ni Ziyal. Galing mo pa ang pag-arte.

Saktong tumunog ang phone ko, at nang makitang si Ziyal ang caller ay nagmadali akong akayin ang mga gamit ko. Nakasimangot pa rin si Vivian nang magpaalam ako, at sumakay na sa sasakyan ni Ziyal.

"Ang bilis mo namang makarating, at alam na alam mo talaga kung saan ang dorm ko." Mahina kong sabi, trying not to be awkward. Nainis ako nang hindi ito sumagot kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana, at nang madaanan namin ang may-ari ng dorm ay nagtaka ako sa ginawa ni Ziyal.

"Salamat po sa pag-alaga kay Xaniah, tita Marlene." Nakangiti nitong sabi, at mas nagulat ako sa sinagot nito sa kanya.

"Hindi ko alam na matagal mo na palang hinahanap 'yan, at mabuti na lang ay nakita mo sa facebook post ko. Ingat kayo, pamangkin." Nakangiti rin nitong tugon bago tuluyang pinaandar ni Ziyal ang sasakyan. Doon ko naalala ang group picture namin dito kasama si aling Marlene.

"Kung itatanong mo, hinanap talaga kita, and luckily, you're living on my tita's property." Hindi pa rin napapawi ang ngiti nito dahilan para gumulo na naman ang isip ko.

"Tsk, 'wag mo na nga akong bilugin. Sigurado namang na-spot-an mo lang ako pero busy ka sa ibang babae. Trip mo na naman ako? Sabagay, inabuso mo nga ako noon." Inis kong sabi.

"Come on, Xaniah. Babawi na nga ako ngayon sa mga mali at pagkukulang ko noon, pero heto ka ngayon, naiinis sa akin." Hindi makapaniwalang sabi nito dahilan para mainis ako lalo.

"Don't act as if you really cared. Hindi mo na ako kailangang lokohin at pahulugin sa'yo. I'm willing to give you anything, okay? 'Yon naman gusto mo, 'di ba? Tumupad ka lang sa usapan, and please, 'wag ka na mag-video ulit. At least, have some respect on me as your future wife." Walang gana kong sagot, at hindi ko na kaya pang magsalita out of my anger. Wala na rin namang kwenta kapag nagalit ako, I'm already tied up.

"I'm trying to make things light, Xaniah. 'Wag mong palalain at pagmukhaing masama ang sitwasyon natin. Okay, I'm sorry, mali ang mga nasabi kong salita tungkol dito. Just let me act like a husband to you. Kahit 'yon na lang, kahit 'wag na 'yong sex." Walang prenong sabi nito dahilan para mapairap ako sa kawalan.

"Ilang babae na ang sinabihan mo n'yan? That's how you play with girls, huh? I just want to remind you, ikaw ang nagsabing this is for pure business. We'll give benefits with each other, kaya hindi na tatalab 'yang trying hard to be sweet actions mo." Malamig kong tugon dahilan para mapabuntong-hininga siya. Siguro ay sumusuko na ito dahil hindi niya na ako maloloko.

"I'm not trying hard to be sweet, Xaniah. Alam kong hindi maganda ang naging umpisa nito. May balak talaga akong pakasalan ka, and I'm sorry for taking this situation as an advantage. Please, maniwala ka naman sa'kin." Halata ang pagmamakaawa sa boses nito pero nakakatakot maniwala. Kahit ngayon lang, magiging matibay ako pagdating kay Ziyal. Siya lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako nagseryoso ng lalaki noon.

"Please rin naman, Ziyal. Tama na ang lokohan, at kung gusto mong gisingin ang batang puso ko, please stop it already. Alam kong alam mo kung gaano ako ka-attach sa'yo noon. Yet, iniwan mo ako, 'di ba? Uulitin mo na naman ba? Mas mabuti pang mambabae ka na lang, at 'wag na lang natin 'tong ituloy." Nagmamakaawa ko ring sabi dahil nakakatakot talaga. Natatakot akong baka mahulog ako ngunit sa huli ay pinaglalaruan lang pala.

"Masyado ka pang bata noon kaya umalis ako, at ngayong nasa tamang edad ka na ay gusto kitang hanapin. Ngayong pwede na tayo pero ganito pa ang naging sitwasyon. Nagkamali ako pero dala 'yon ng selos! Walang kwentang selos ko dahil bata ka pa naman noon! Hindi ko naisip agad na baka wala lang sa'yo 'yon, o kung may halaga man ay masyado ka pang bata! Please naman, Xaniah, ayusin natin 'to." Garalgal ang boses na sabi nito ngunit pinapanatiling nakatingin sa daan ang mga mata.

I took the chance to cry habang nakatingin naman sa bintana. Ayokong maniwala, ayokong masaktan kapag nalaman kong kalokohan lang pala ang lahat.

"I have a video of our promise before, I'll let you watch it. You were nine years old back then, and I know I'm at fault. Mali ang ginawa ko sa'yo pero totoo ang pangako ko, babalikan kita kapag nasa tamang edad ka na, kapag maiintindihan mo na ang lahat. Ngunit nagselos pa rin ako, nagkaroon ka ng iba't ibang lalaki, at 'yon ang dahilan kung bakit hindi maganda ang umpisa natin." Basag ang boses na sabi nito pero nanatili lamang akong tahimik. Ayokong malaman niya na umiiyak ako, ayokong malaman niya na mahina lang ako.

"I know, masyadong magulo ang mga sinasabi ko. Baka nahihirapan kang intindihin, but one thing's for sure, papakasalan kita dahil mahal kita. I've been stalking you since you've got social media accounts, pero bigla kang nawala. No more updates, and when I went on your mother's house, wala ka na roon. That's when I found you on one of tita Marlene's posts." Patuloy nito pero hindi ko na pinansin. It's better this way, iyong ilayo ko ang loob ko sa kanya.

Kung totoong mahal niya ako, I'll let him prove it. Yet, I won't let my guards down. Baka isa lang 'to sa mga paraan niya para lokohin ako.

Unfated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon