"Ang sweet ha, baka langgamin tayo n'yan." Natatawang sabi ni tita habang naghahabulan pa rin kami ni Nico sa sala. Hindi niya pa rin talaga ako tinitigilan na ulitin daw namin, and somehow, I felt relieved and comfortable with him. This might be a nice headstart on freeing myself from the chains of his death.
"Sawayin niyo nga ho si-" Natigil ako sa sasabihin ko nang mahuli niya ako, at malakas na tili ang lumabas sa aking bibig nang walang hirap niya akong buhatin. Hindi na rin naman ako nagtataka dahil maganda rin ang hubog ng katawa niya, mukhang batak sa buhay probinsya.
"Masyado pang maaga para sa apo." Nanlaki ang mga mata ko sa dineklara ni tita habang si Nico naman ay natawa sa birong 'yon. What the hell? Napag-isahan pa nga nila akong dalawa, ano? Umalis si tita para siguro maghanda ng mga kakainin namin.
"Tita! Nico! Baba mo ako!" Patili kong angal dahil sa paraan ng pagbitbit niya sa akin. Para akong sako ng bigas na nakasampay sa balikat niya, at natatakot na ako't kasabay na rin ang pamumula ng mukha sa sinabi ni tita. Mahihinang hampas ang natanggap ng likod niya ngunit mas lalo lang akong nainis dahil tumawa lang siya.
"Ulitin muna natin 'yong kanina bago kita ibaba." Mapang-asar nitong sabi kaya napalakas na talaga ang hampas ko sa likod niya, at tuluyan na akong namula nang paluin niya ang pwetan ko.
"Masakit, Liah! Lalo kitang hindi ibababa!" Natatawa pa rin nitong sabi ngunit nanghina na ako't wala ng masabi. It might be a joke for him pero iba ang dating sa akin. That's how Ziyal spanked me before, when we did that thing nang paulit-ulit. No, I shouldn't think of it with malice, right? Baka naman nadala lang siya ng sitwasyon kaya niya nagawa, o baka nasaktan talaga siya kaya gumanti't 'yon lang ang mapapalo niya na hindi ako masyadong masasaktan.
Nanatili akong tahimik hanggang sa namatay na ang pagtawa ni Nico, at nang ibaba niya ako ay agad bumungad sa akin ang nag-aalala niyang mga mata.
"Sorry, sumobra na 'ata ako. Hindi na kita pipilitin, at aalis na rin naman ako. Nagdala lang ako ng pagkain, baka sakaling magustuhan mo." Mahinan itong sabi, at mabilis na nagtungo sa pintuan. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kaya pinanood ko lang siyang maglakad palayo.
"Tita, aalis na po ako!" Paalam nito, at nag-aalala akong tinignan bago nag-aalangang ngumiti. Nang buksan niya na ang pinto ay tsaka lang ako nakapag-isip ng sasabihin. Siguro nga'y masyado lang siyang natuwa sa narinig dahil ilang buwan na rin simula nang magtapat siya sa'kin.
"Nico! Kumain ka muna rito!" Tawag ko dahilan para agad siyang humarap sa akin, at muli ay ngumiti siyang tila nag-aalangan at nag-aalalang magkamali. Baka wala naman kasi talagang malisya sa kanya lalo't ngayon lang daw ito nanligaw. Baka akala niya ay ayos lang 'yon kaya kailangan kong sabihin sa kanya na mali.
Halata ang kaba sa kanya nang lumalapit na siya sa akin dahil kita ang pawis sa noo nito. His eyes literally screams of fear and nervousness. Nang tuluyang makalapit ay hindi nito makayang i-angat ang tingin sa akin kahit pa pilit ko 'yong inaangat.
"It's okay, Nico. 'Wag mo lang ulitin 'yong paghampas sa p'wetan ko. I'm not comfortable with it." Nakangiti kong sabi ngunit hindi pa rin talaga siya nag-aangat ng tingin. Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para saglit niyang i-angat ang tingin, ngunit agad ding bumalik sa pagkakayuko.
Mahina akong napailing dahil namamasa na ang palad niya't ramdam ang panlalamig nito. Hinawakan ko 'yon ng mahigpit dahilan para tuluyan siyang tumingin sa mga mata ko, at mula roon ay halata ang pagsisisi sa nagawa niya.
"I-I'm sorry, Liah. Did I just sexually harass you? Sorry talaga." Nang napansin ko ang pangingilid ng luha niya ay doon ako tuluyang napangiti. He's really sincere with this, at ramdam 'yon sa tono ng kanyang pananalita't sa paraan kung paano manubig at makipag-usap ang kanyang mga mata.
He looks innocent kahit pa alam ko namang hindi inosente ang mga lalaki sa ganitong edad. It's his first time to flirt with a girl, at siguradong hindi niya pa gaanong alam ang mga limits. Nasa ugali niya rin kasi ang pagiging pilyo't mapagbiro.
"Don't think of it anymore, ayos na 'yon. 'Wag mo na lang uulitin." I assured him ngunit kumunot lamang ang noo niya na tila may naalala. Nagtataka ko siyang tinignan nang nanlaki ang mga mata niya't namula ang mukha. Agad siyang tumalikod, at parang tangang tinakpan ang mga mata ng kanang kamay.
"Did I just spank you like the way it's done on those clips? Sht! Sorry talaga, hindi naman 'yon ang pakay ko, Liah. Sana talaga napatawad mo ako." Halata ang hiya sa paraan ng pananalita nito kaya natawa na lang ako ng mahina. Bago nga talaga siya ganito, hindi tulad ni Ziyal. Bakit ko ba siya laging iniisip? Siguro ay dahil nakokonsensya ako sa nangyari.
Nakuha naman agad ang atensyon namin nang tumunog ang doorbell, at nang lapitan ko ang gate at binuksan, wala namang tao. Kamot-ulo akong nagpalinga-linga sa paligid ngunit wala talagang tao. Isasara ko na sana ang gate nang mapansin ko ang isang tungkos ng mga pulang bulaklak. Nagtataka ko 'tong dinampot, at muling luminga nang may mapansing nakatingin ngunit agad ding umalis.
Binalewala ko na lang, siguro ay napadaan lang siya rito. Nagtataka ko namang sinara ang gate, at tuluyang napuno ang isip ko kung kanino ba nanggaling ito. These red roses actually smells good which proves that they are real roses.
Bago tuluyang pumasok sa pintuan ay napansin ko ang nakaipit na papel sa mga bulaklak. Agad ko 'yong kinuha't tinignan kung may sulat ba. Hindi naman ako nabigo dahil meron naman akong nakitang sulat ng isang ballpen, this handwriting looks familiar pero hindi ko na tanda kung kanino ba 'yon.
"I hope you're happy everyday. Love, secret admirer." Mahinang basa ko, at wala sa sarili akong napangiti dahil mukhang si Nico ang nagpadala nito. Ang effort niya magpasulat sa ibang tao, at nagpa-deliver pa talaga!
"Bakit naman may pa-secret admirer ka pa? Ito naman, nag-abala ka pa talaga para padalahan ako ng bulaklak." Natatawang biro ko, at mahina ko siya napalo sa braso nang mabilis siyang umiling na tila ba mapapaniwala niya akong hindi sa kanya 'to galing. Siya lang naman ang may lakas-loob na gawin 'to sa akin, at wala pa namang ibang nakakaalam ng tinitirahan ko bukod sa kanya.

BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
Ficción GeneralEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020