Kabanata 3

698 15 0
                                    

"What's this, future mister ko?" Nagtatakang tanong ko kay Ziyal nang may i-abot siyang envelope sa'kin. Tinignan ko lang 'yon habang naghihintay ng sasabihin ni Ziyal. Pakiramdam ko ay hindi maganda ang laman nito kaya niyaya niya akong kumain sa labas.

"As soon as possible, titira ka na sa condo ko, at malapit lang naman 'yon sa pinapasukan mong Univeristy. And please, stop the call sign, ang korni kasi." Malamig nitong sabi dahilan upang tuluyan ko ng buksan ang envelope. Bago ko tignan ang nakalagay sa papel ay binalingan ko siya ng tingin.

"Para namang hindi mo nagustuhan, nauutal ka pa nga kanina." Mapang-asar kong sabi dahilan para gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi niya. For a second, nalimutan ko lahat ng galit ko sa kanya, at nag-focus ako sa pagpuri sa kanyang kakisigan at angking kagwapuhan. Hindi nga nakakapagtaka na mabilis 'tong makakapanloko ng babae, at kahit ako ay nabiktima niya.

"It's just an act, and I pity you for believing such thing. Ngayon pa ba ako mauutal? Ayoko lang na masabihan ang mapapangasawa ko ng hindi kanais-nais. That would also be embarrassing for me, isipin mo, asawa ko ay hindi ako malambing? Sasabihin nila wala akong kwenta? Not my thing." Nakangisi ito matapos magsalita dahilan para kumulo ang dugo ko sa kanya. Padabog kong binagsak ang kubyertos dahilan para kumunot ang noo niya, at kasabay nito ay ang pagtingin ng mga tao sa paligid.

"Akala ko naman ay may nararamdaman ka talaga para sa'kin." I was about to walk out when he pulled my hands to stop me. For that moment, nabuhay ang batang pagmamahal ko kay Ziyal pero hindi dapat. Hindi niya naman talaga ako mahal, at hindi ko alam kung ano ang balak niya kaya dapat manatili ang mga pader.

"Tignan mo muna 'yong laman ng envelope, at please lang, 'wag mo akong igaya sa mga pinaglaruan mong lalaki." Walang emosyon nitong sabi kaya napairap na lang ako, at muling umupo dahil napansin ko ang ibang nakatingin na nagbubulungan. Mga taong grabe kung makapagkalat ng issue.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nakalagay sa papel, at nang lingunin ko si Ziyal ay kalmado lang itong kumakain.

"Now you read it already, stay in my condo, or else, babawiin ko 'yan. I'll tell the media na pinilit at pinikot mo lang ako. Choose, Xaniah." Mapaglarong ngisi ang gumuhit sa labi nito dahilan upang mapagtanto kong nahulog na naman ako sa patibong niya.

"Zirus Marshall, CEO ng isang tanyag na kumpanya ay umaming may plano na silang magpakasal ng babaeng kumalat ang pangalan sa internet. Sinabi rin ni Zirus na ang kasal ay naktakdang mangyari kapag nakapagtapos na ng pag-aaral si Louelle Xaniah. Hinihiling nito na itigil na ang pagpapakalat ng mga issue tungkol sa fiancee niya." Isang talatang nabasa ko sa balitang naka-print sa bond paper. Muling umangat ang tingin ko sa kanya, at ngayon ay agad naging mas mapang-asar ang ngisi nito.

"Ano ba ang kailangan mo sa'kin? Pinlano mo ba ang lahat?" Iritado kong tanong.

"Kapag sinabi ko bang hindi ko pinlano, maniniwala ka?" Nanghahamon nitong sabi dahilan upang mawala sa isip ko ang mga dapat ko pang sabihin.

"Hindi." Tipid kong sgaot.

"Bakit mo pa tinanong kung hindi ka rin naman maniniwala? Para lang din maging malinaw sa'yo, ikaw ang mas nangangailangan sa'kin. I just need you to satisfy me whenever I ask you to do so. So deal?" Nag-init lang ang ulo ko sa maangas na pagkakasabi niya habang nakangising nakatitig sa'kin ngayon.

"Tsk, what if I won't agree?" Inis kong tanong pero binigyan niya lang ang ako ng nakakainis na ngiti.

"Ano ba, Ziyal? Paglalaruan mo lang ba talaga ako?" Naiiyak ko ng sabi dahilan para saglit na magbago ang emosyon ng mga mata niya. Nakitaan ko 'yon ng hindi mapangalanan na emosyon ngunit agad din 'yong napalitan ng lamig at mapang-inis na tingin.

"You're not attentive, Xaniah." Dismayado itong tumitig sa mga mata ko dahilan para umiwas ako ng tingin. Damn, kahit na naiinis ako ay 'di ko maiwasang matunaw sa paraan ng pagtingin niya!

"I forgot already." Mahina kong sabi dahilan para kapitan niya ang baba ko, at pilit hinarap ang mukha sa kanya.

"Just like how you dumped your exes? Just like how you forgot our promise? Sabagay, bata ka pa naman noon kaya kinalimutan mo na lahat." Nawala na ang mga ngiti nito, at tanging lamig na lamang ng tono at tingin ang natira. Saglit akong napaisip ngunit ang naalala ko lang ay sinabi niya kanina.

"Fine, I'll live with you, and I'll satisfy your sexual cravings just like the old times." Sabi ko para mabago ang topic namin. It's better to keep it that way, na 'yon lang talaga ang habol niya sa akin. 'Yon lang naman ang tumatak sa'kin pati ang pag-alis niya. Nagulat ako ng kuhain niya ang kamay ko, at masuyong nilaro ng daliri niya ang palad ko bago magtingo sa hinlalaki ko.

"The scars remained pero 'yong tao nag-iba na." Sabi niya sa mapait na tono dahilan para magtaka ako. Agad niyang binitiwan ang kamay ko, at walang lingon na umalis sa harap ko.

Sa pagtataka ay agad kong tinignan ang hinlalaki ko, at pilit inalala kung saan ko nga ba nakuha ang peklat na naroon. Hindi naman ganoon kalaki, at sa paglipas ng panahon ay nalimutan ko na ang dahilan kung bakit meron ako nito. Tulad ng ibang sugat na natamo ng katawan ko.

Pinagmasdan ko ang paglakad ni Ziyal palayo sa akin. Iiwan niya ba ulit ako tulad ng ginawa niya noon? Will he cancel our plans? Agad akong tumayo para habulin siya, at nang magpang-abot kami ay agad ko siyang hinila. Nang humarap siya'y agad kong niyakap ng mahigpit, at doon ko naramdaman kung paano ang magmahal.

I still love him just like how I love him from the fragments of memories I have for him. Kahit hindi ko man tanda ang lahat dahil ilang taon na rin ang nakalipas na wala siya, nand'yan pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi 'yon nawala, at patuloy 'yong umusbong kahit na malayo siya. Na kahit wala siya ay patuloy ko siyang hinahanap, at patuloy kong hinihiling na sana ay bumalik siya.

My feelings for him developed from a kiddie crush to a teenage love. I was busy finding someone who'll replace him in my heart but I failed to do so.

"Great acting, Xaniah. Don't worry, tuloy pa rin naman ang napagplanuhan nating kasal. You don't need to act that you have feelings for me. Let's just keep this casual and pure business. Gusto mo lang naman masalba ang pangalan mo, but of course, you need to satisfy me bilang kapalit." Bulong nito sa tenga ko sa isang mapait at malamig na tono. Nang kumalas siya sa yakap at lumayo ay tuluyang nawasak ang puso ko.

Mahal ko siya pero sapat na ba 'yong dahilan para ipagpatuloy ko pa? Should I just give up that hope for love I dreamed of? Maybe for him, it's all just a business para mapunan ang mga kagustuhan niya. Siguro ay dapat ko na talagang patayin ang pagmamahal ko sa kanya.

Unfated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon