It's been a week since I received the first bouquet of red roses from Nico, and for no reason, I kept on receiving a bouquet everyday. I mean, masyadong mahal ang mga 'yon, at paminsan ay may kasama pang mga chocolates.
Hindi rin naman ako maniniwalang hindi sa kanya galing 'yon, unless may iba pang nakakapunta sa lugar ni tita. My classmates barely talk with me except Nico, of course. Palagi niyang binabantayan ang paligid kaya walang makalapit sa'kin, kahit noong nag-enroll kami para sa 2nd year, 1st sem.
"Ano naman kaya ang nakasulat dito?" Wala sa sariling nasabi ko habang binubuksan ang papel na nakaipit sa mga bulaklak. It's a scented paper, I think... or baka dala na rin ng bango nitong mga bulaklak.
"If I'll say I'm not Nico, would you believe me? It's painful to see you happy with someone. Love, Secret Admirer." Taas ang isang kilay na binasa ko 'yon ng paulit-ulit. Now, it's really weird dahil alam na alam ang nangyari kahapon sa'min ni Nico.
Imposible naman na isa siya sa mga taong nasa crowd kahapon, at medyo nadadala ako sa part na kung sasabihin niyang hindi siya si Nico, maniniwala ba ako? Naisipan kong basahin ng sunod-sunod ang pitong letters, at nang may mapagtanto ay roon na nangunot ang noo ko.
"I hope you're happy everyday. Love, secret admirer."
"I hope you'll finish your course. Love, secret admirer."
"Enrolment niyo pala ngayon, sana ako ang kasama mo ngayon mag-enroll. Love, secret admirer."
"You're really enjoying these red roses, huh? Don't worry, you'll receive more. Love, secret admirer."
"Masaya akong makita na masaya ka. Dinagdagan ko na rin ng chocolates para mas sweet. Love, secret admirer."
"Paano kaya kita malilimutan n'yan? Makita ko lang ang ngiti, nabubuo na ang araw ko. Love, secret admirer."
Then the last one I received today, it's as if palagi siyang nagbabantay sa paligid. Si Nico lang ang nakikita kong tao na pwedeng gawin 'to pero parang may kakaiba eh. Kung pinapasulat man niya 'yon sa iba, parang masyado namang detalyado ang iba. May mga araw sa letters na 'to na matagal wala si Nico, two days. Kung pinapadala man niya sa iba, ang weird naman 'ata masyado.
Hindi rin naman na ako magbubukas ng topic tungkol sa mga pulang rosas kaya nawiwirduhan ako to the maximum level. Nakakabaliw rin isipin kaya siguro, sa kanya na lang galing ang mga 'to.
Bakit ko pa ba iniisip ang mga 'yon? Ako na rin naman ang nagsabi na walang ibang magbibigay sa'kin ng mga 'to. Naudlot ang pag-iisip ko nang tumunog ang phone ko, hudyat na may nag-text.
09*********:
I'll be out of country for years, mag-ingat ka palagi sa Pilipinas.Nagtataka man at binalewala ko na lang ang mensaheng natanggap. Baka nagkamali lang ng numero na na-tipa sa cellphone. Pwede rin namang scammer tapos magpapa-load lang pala.
Ako:
Mag-ingat ka rin sa pupuntahan mo. Kailangan mo ba ng load?I suppressed my laugh as I typed my reply, at nang ma-send ay roon na tuluyang lumabas ang inipon kong tawa. Ang babaw pero natatawa ako sa mangyayari kapag nag-reply 'to.
09*********:
Ang hirap para makuha ang number mo tapos manghihingi lang ako ng load? Give something better than load.Wow ha, demanding din ang taong 'to! Pasalamat siya't nasa mood akong pumatol sa kanya, nako! Kung hindi lang ay pinagmumura ko na siya sa pagiging demanding niya.
Ako:
I can offer sex on call or meet ups. Just give me an address.Mahina akong napailing sa sariling reply, at mahina akong natawa nang agad maka-receive ng reply.
09*********:
I'll call you now.What the fck? Ang lakas din ng loob ng isang 'to! Sa inis ay hindi na ako nag-reply, at naisipang i-save na lang ang number nito. This will keep me busy habang wala pang magawa ngayong bakasyon.
Manyak na Scammer:
Hey, it's just a joke! Sorry!Ako:
Defensive, pre? It's as if I care sa kamanyakan mo! Hindi naman kita kilala!Well, that sounds a bit awkward pero pagbigyan na natin. Baka naghahanap lang pala ng jowa, at pang-bungad lang ang pag-aabroad niya. Well, he's somehow unlucky na ako ang nakausap niya, pero swerte rin siya dahil pinatulan ko ang ginagawa niya.
Manyak na Scammer:
Hindi mo ako kilala pero nag-offer ka ng sex on call at meet ups? Niloloko mo ba ako, baby? Ganyan ka makipag-usap sa hindi mo kilala?Ako:
Hoy, mister manyak na scammer, 'wag na 'wag mo akong tatawagin na baby! Hindi mo ako anak, at excuse me, gusto lang kita pagtripan kaya ko 'yon sinabi!Manyak na Scammer:
Well, that's good to know pero mas bata ka sa'kin for sure, kaya baby na kita!Ako:
Alam mo, isa kang malaking pakyu!Gosh! Nasisira ang delikadesa ko sa lalaking 'to! Para bang kilala ako kung makapag-text ng kung ano-ano!
Manyak na Scammer:
Come on, pakme, baby! It'll be my pleasure!Aba't siraulo talaga ang isang 'to! Sa inis ay binlock ko na ang number niya, at padabog na nilapag ang phone sa kama. Uso na talaga ngayon ang mga ganyang set-up! Mga lalaking uhaw na uhaw sa sex! Ano akala nita sa'kin, madadala niya sa mga pa-baby niya? Siraulo na siya?
Nang tumunog ang phone ko ay inis ko 'yong dinampot, at binasa ang mensahe na tuluyang sumira sa araw ko. Mukhang ang sim card ko na ang kailangan kong palitan para tigilan ako ng lalaking 'to.
09*********:
Why did you block my other number? I'm just joking!Ako:
Will you please stop texting me?Huling reply ko bago shinutdown ang phone upang makuha ang sim card na gamit ko. It's honestly disturbing and weird na hindi 'yon wrong send! Mukhang sinadyang hanapin ang numero ko, at hindi ko alam kung sino siya sa mga schoolmates ko!
He might be one of the seniors dahil sinabi niyang mas bata ako, at ang isa pa sa mga clue ay may planong pumunta sa ibang bansa. Baka sakaling makatulong sa akin si Nico at ang iba naming kilala na seniors. Whoever he is, sinisigurado kong mahahanap at makikilala ko siya!
BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
General FictionEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020