Kahit malamig ay tumatagaktak ang pawis sa aking noo, at tila nasusuka ako sa hindi malamang dahilan. Papunta na kami ngayon sa mama ni Ziyal, and true to his words, medyo mahapdi pa rin sa baba dahil 'di niya ako tinigilan kahit kaninang umaga! Ilang 'I love you' na rin ang narinig ko, at 'yon na lang ang nagpapagaang ng loob ko.
He kept on telling me na kahit anong mangyari'y ako ang mahal niya. Kahit pa may magsabing nakasira ako ng relasyon niya o ano pa man, magtiwala lang daw ako na ako ang mahal niya. Paulit-ulit 'yon, at sa bawat pag-ulit nito sa utak ko ay naiisip ko rin kung bakit nga ba? Meron nga bang iba? Hindi ko maiwasang mabuo ang mga pagtataka ko sa loob ng isang buwan na kasama ko siya.
"Pawis na pawis ang noo mo, Xaniah. Pwede naman tayong umatras muna kung hindi mo pa kayang humarap." Nag-aalalang sabi nito nang abutan kami ng matinding trapik.
"No, Ziyal, nakakahiya naman na dahil sa kaba ko ay i-popostpone pa natin 'to. Para namang may mali sa'kin no'n." Nanlalaki ang mga matang sabi ko. Saan ba niya nakukuha ang mga ideya niya? Baka naman ayaw niya lang talaga akong iharap sa mama niya?
"Naisip ko lang naman." He sighed na para bang may problema.
"Baka gusto mo lang akong pagsawaan sa condo unit mo?" Taas ang isang kilay na sabi ko kahit pa iba ang gusto kong itanong. Hindi ko rin naman maisatinig ang mga pagtataka ako sa kanya.
"Come on, Xaniah, baka iniisip mo na naman na for business lang 'to? Hindi pa ba sapat na iparamdam at sabihin kong mahal kita?" Halata ang pagtataka at tampo sa boses niya kaya padabog akong lumingon sa bintana ng kotse.
"Ganyan lang ba ang tingin mo na kaya kong isipin, Zirus Marshall? I won't moan the words 'I love you too' kung hindi ako naniniwalang mahal mo ako! Bakit ba parang pinupunta mo sa'kin ang topic? May iniiwasan ka bang mangyari? Akala ko rin naman kasi ay iisipin mong kamanyakan ko 'yon! Pasensya na ha!" Nagulat ako nang hinampas niya ang manibela kaya agad akong napatingin. It's like a hit a bulls eye!
"Okay, I'm sorry, akala ko lang kasi-" Hindi ko na siya pinatapos sa sobrang inis ko.
"Ayan ka na naman sa akala mo! Baka ikaw ang walang tiwala sa'kin? O baka naman may kinakatakutan kang malaman ko? Na kapag nalaman ko'y masisira ang mga plano mo. Don't worry, kung sakali mang malaman ko na kabit mo ako o kung ano pa man 'yan, hindi ko ipagdadamot kung sakaling mabuntis mo ako. Ayan, okay na ba 'yang mga sinabi ko, Zirus Marshall? O hindi ka pa kuntento? Sige, pakasal na tayo, para magkaalaman na rin kung kabit mo lang ako!" Walang padadalawang-isip na litanya ko, at hindi ko na napigilang maluha. Mas lalo lang akong naiyak nang tumahimik siya, at kinalaunan ay sumagot.
"I'm sorry, kasalanan ko ang lahat. Gumulo ang buhay mo dahil sa'kin, at hindi pa kita pwedeng pakasalan ngayon. Madami pang problema kaya natatakot akong iwanan mo ako. Hindi ko naman 'yon mahal, pinilit lang ako! I'm sorry, Xaniah." Nanginginig ang kamay niya nang hawakan ang kamay ko, at nang magkatitigan kami'y bakas ang luha sa kanyang mga mata. That's when I realized na totoo ang mga lumabas sa bibig niya, at unti-unti kong iniintindi ang lahat.
Nanatili akong tahimik hanggang sa nakalagpas na kami sa trapik at makarating na sa bahay ng mama niya. I asked for the truth but I was left with puzzle pieces. Hindi niya mahal pero napilitan siya? Saan siya napilitan? Ibig sabihin ba ay kasal na siya sa iba? Bakit ba uso ngayon ang mga lalaking may asawa na pero nanggugulo sa mga nananahimik na babae?
"What the fck? Wrong timing!" Malakas muli niyang hinampas ang manibela dahilan para kabahan ako lalo. Halata ang takot sa mga mata niya nang lingunin niya ako, at sinundan ko ang sunod niyang tinignan. A beautiful woman standing beside his car, and through the way she smiles, I sensed something different. Something that I don't know but I can feel my heart being torn into million pieces.
"Akala ko wala kang balak na uwian ako!" Maligaya nitong sabi na may haling pagtatampo, at agad niyakap si Ziyal na kakalabas lang ng kotse.
"Stop the act, Rhyz, hindi bagay sa'yo." Rinig kong sabi ni Ziyal bago tuluyang sinara ang pinto. Nagdalawang-isip ako kung lalabas pa ba ako ng sasakyan dahil hindi niya naman ako inanyayahan. Napatakip ako sa bibig habang nanlalaki ang mga mata nang halikan nito si Ziyal sa labi. One thing's for sure right now, hindi siya kapatid ni Ziyal.
Mahina siyang tinulak si Ziyal, at pilit pa rin itong yumayakap at humahalik. Bawat segundong pinapanood ko sila ay siya ring pagbuhos ng mga luha ko. The pain stabbed me multiples times, making my feet move on its own. Namataan ko ang susi ng kotse niya kaya agad ko 'yong kinuha't itinago sa dala kong purse. Ilang beses niya akong nililingon pero iba ang pinaghahandaan ko.
I'm good at running, gold medalist ako noong senior high sa track and field. Gusto kong lumaban pero parang sa pagkakataong ito ay mas maganda umatras at lumayo. Tahimik akong lumabas nang abala pa rin si Ziyal sa babae niya, at nagpapasalamat akong casual lang ang suot ko. I can run as fast as I can, at sa bawat hakbang ko papalayo ay nagpapasalamat akong sumali ako noon sa track and field. Magagamit ko rin pala 'yon sa mga ganitong sitwasyon, dapat pala'y pinagpatuloy ko na lang.
Kasabay nang mabilis kong pagtakbo ay ang mabilis din na pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata. Kahit isang beses ay hindi na ako lumingon kahit pa rinig ko ang mga sigaw ni Ziyal. Dinig ko pa ang sigaw nang babae niya kanina, at lalo lang nabiyak ang puso ko roon.
Kabit, pokpok, at may iba pa ngunit hindi ko na iyon inintindi pa. Narinig ko rin ang mga mura ni Ziyal sa paghahanap ng susi na dala-dala ko ngayon. Hindi kasi ako marunong magmaneho, sana ginamit ko na lang 'yong kotse!
Nang tuluyang makalayo ay saglit akong nagpunas ng luha at pawis. Wala sa sariling natawa na lang din ako dahil ang tanga ko. Bakit ko pa ba kailangang umiyak?
BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
General FictionEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020