"Balita, Liah? Parang ang blooming mo ngayon, nadiligan ba?" Bungad sa akin ni Vivian nang tumabi ako sa kanya sa bench. Mabuti na lang at maaga akong nakapasok dahil hindi ako nakatulog ng maayos sa mga nangyari. That's too fast, I can't even comprehend everything.
"Porket nadiligan ka nang boy bestfriend mo, lumala na ang bunganga mo." Biro ko dahilan para matawa siya.
"So, nadiligan nga? Morning sex?" Patuloy nitong tanong dahilan para takpan ko na ang bibig niya. Jusko naman, sinapian na 'ata ng kamanyakan itong bestfriend ko.
"Nag-breakfast lang kami, walang nangyaring ganyan kahit kagabi." I said as a matter of fact dahilan para may mapaglarong ngisi na gumuhit s alabi ni Vivian.
"Hindi ka man lang nag-deny na sa iisang condo kayo nakatira. Iba ang na-kwento mo sa'kin kahapon." Nagtatampo nitong sabi dahilan para maalala ko ang sinabi ko sa kanya kahapon.
"Hindi ko rin naman inakala na ganoon ang plano niya." Pagsisinungaling ko para makalusot sa nagbabadyang pagtatampo niya. Agad naman siyang napangiti sa narinig ko dahilan upang mabunutan ako ng tinik.
"For real na talaga ang lahat, Liah. Handa ka na bang magdala ng anak ni Mr. Quijano?" Mapanuyang sabi nito dahilan para mapailing ako. Ngayon ko lang din naisip na paano kung mabuntis nga ako? What if hidni siya gumamit ng proteksyon, at sa loob niya na iputok? Paano ang pag-aaral ko?
"I think he'll respect me kapag sinabi kong ayaw ko. Kilala siya sa industry, at siguradong iintindihin niya kapag sinabi kong magtatapos muna ako." Mahina kong sabi dahil hindi ko rin alam ang tamang sagot sa tanong niya. Paano kung gusto niya akong mabuntis? Sabihin niya na siya na ang bahala sa pamilya namin? Ewan, hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang dapat kong isipin.
"Kaya ka niyang i-bahay, Liah. Kahit hindi ka na mag-aral." May isusunod pa sana siyang sabihin ngunit na-intriga agad siya sa pagtunog ng phone ko. Agad ko 'yong kinuha para tignan kung sino ang tumatawag, at nang makitang si Ziyal 'yon ay sinagot ko ito agad.
"Mag-aral kang mabuti, Xaniah. Don't skip your lunch, baby ko." Malambing nitong sabi dahilan para mapangiti ako ng pigil. Kapag nagpatuloy pa 'to ay siguradong wasak ang mga pader na tinayo ko.
"Nag-aaral naman akong mabuti." Mataray kong sabi kahit na naghuhuramentado na ang puso ko sa lambing ng boses niya. Kasabay ng mahinang pagtawa ni Ziyal ay ang pangingiliti sa akin ni Vivian. Pinaningkitan ko ito ng mata dahilan para matawa ito ng mahina.
"Ang aga-aga naman magsungit ng baby ko. Kanina mo pa ako tinatarayan." Natatawa nitong sabi dahilan para mapairap ako. Panay naman ang ngiti at iling ni Vivian habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.
"Tantanan mo nga ako sa baby na 'yan. Hindi mo naman ako baby." Patuloy kong pagtataray kaya saglit akong nakaramdam ng guilt nang tumahimik siya. Ayoko lang naman kasing isipin niya na mabilis lang akong makuha. That's no-no! Pero agad din namang nawala ang gulit ko nang sumagot ito.
"Just let me call you with that. Mamaya n'yan magsisi ka kapag nagka-baby na tayo, hindi na ikaw ang baby ko dahil ikaw na ang reyna ko." Mapang-akit ang boses na gamit nito dahilan para mapairap ako, at siguradong namumula na ako ngayon.
"Magtrabaho ka na lang nga!" Binaba ko na ang tawag, at agad napatakip ng mukha lalo nang tumawa ng malakas si Vivian. Nakakainis ka talaga, Ziyal! Nakakainis ka rin naman, Xaniah, masyadong marupok!
"You should have seen your face, Liah. Pulang-pula!" Panunuya ni Vivian kaya ginamit ko na ang bag ko bilang pangtakip sa mukha.
"I bet, something perverted was raised on your convo with him." Patuloy nitong panunuya dahilan para mapailing agad ako. Wala namang perverted doon, sadyang marupok lang ako!
"Nasaan na 'yong little demoness na Liah?" Pang-aasar nito dahilan para mas mahiya ako sa nangyayari ngayon.
"The demoness was easily tamed by Ziyal." Pag-amin ko, at kahit anong tanong niya kung ano ang nangyari ay hindi ko nagawang i-kwento. Nakakahiya at masyadong pribado kasi para malaman niya pa pati 'yong nangyari kagabi.
Hindi niya naman na ako kinulit, at kahit nang makita niyang sinundo ako ni Ziyal noong uwiian, hindi niya na 'yon tinanong kinabukasan. Lumipas pa ang mga araq hanggang sa nasanay na rin siya sa presensya ni Ziyal, at may pagkakataong nakakasabay niya pa kaming kumain ni Ziyal.
Hindi na namalayan ang paglipas ng mga araw dahil sobrang abala sa pag-aaral, at hindi naman nabibigo si Ziyal sa pagiging sweet nito. Wasak na wasak na ang pader ba tinayo ko pero kailangan ko pang patagalin 'to. A man can play with a woman kahit gaano katagal niya pa gustuhin.
What's intriguing me, sa loob ng isang buwan ay wala pang nangyayari ulit sa amin. Paano kung may iba pala siyang babae? Paano kung natitiis niya lang na walang mangyari sa'min ay dahil may iba siyang parausan?
Isa 'yon sa mga natitirang pundasyon ng pader na itinatag ko. Kailangang may mahawakang pundasyon ang pader ko dahil kapag nasira 'yon nang tuluyan, mahuhulog na ako sa bangin na walang kasiguraduhan kung saan ang bagsak.
"Anong problema ng baby ko?" Tanong ni Ziyal dahilan para mawala ang mga agam-agam ko. I chose this, at namatay naman na ang issue pero pinagpapatuloy ko pa rin. Kaya kapag nasaktan ako ay kasalanan ko na 'yon.
"Wala naman bukod sa pag-aaral." Tipid kong sagot, at nagtungo sa bag ko na nasa sofa ng kwarto namin. Sa porma ng condo unit niya ay talagang mamahalin ito. I doubt na mag-isa lang siya rito noong wala pa ako sa eksena. Bigla na lang naman kasi siyang sumulpot, at wala naman akong natatanggap na balita sa kanya simula nang iwan niya ako noon.
"Sige, baby ko, tawagin mo na lang ako kapag may tanong ka tungkol sa assignment. Magluto muna ako ng gabihan natin." Pagkasabi niya ay siya ring labas niya ng kwarto kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral. Ito ang mga dahilan kung bakit hindi ko maiwasang mahulog sa kanya sa loob ng isang buwan.
BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
Genel KurguEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020