Dalawang linggo na rin ang nakalipas, and everything seems normal. Ang naiba lang ay nandito na ulit si Ziyal na bumabawi sa mga pagkukulang niya, at oo, alam ko namang may pagkukulang din ako. It's partially my fault kung bakit namatay ang anak namin pero I guess, natutuwa ngayon ang anak namin sa nakikitang improvement namin ni Ziyal.
It also took two long weeks bago tuluyang magsink in sa akin ang lahat. Kaya pala tinanggap agad ako ng Ziruniah, nakapangalan pala sa'kin ang kumpanya. About my stepdad, ang habol niya talaga sa'kin ay ang mga mana ko. Kaya ngayon ay kailangan kong magdoble ingat dahil kahit anong oras, maaaring may hindi magandang mangyari.
Nagkaayos na rin kami nila Nico, at nagulat pa nga si Joyce dahil jowa ko raw pala ang boss namin. Natawa pa nga ako sa isa niyang sinabi, at medyo awkward nga naman kasi ang nalaman niya.
"Grabe, matapos kitang hampas-hampasin sa braso, at ipahamak dahil sa pag-inom. Nako, boss pala kita! Ghad!" Mababaw man pakinggan pero natawa talaga ako sa paraan ng pagkakasabi niya noon.
Ngayon naman ay si Vivian ang kakatagpuin ko para sabihin ang tungkol kay Ziyal. Ngunit sa palagay ko'y may alam talaga siya dahil noon pa ma'y boto na siya kay Ziyal. Number one fan will never fade.
"Girl! Nakakagulat ang news mo ha!" Buhay na buhay na bati ni Vivian, at agad ko namang tinanggap ang alok niyang yakap. We're now inside a convenient store na dati naming tinatambayan. I miss this woman, halos hindi na kasi kami nagkakausap.
"Nagulat ka nga ba talaga?" Mapanuyang tanong ko, at mabilis siyang tumango bilang sagot.
"Nagulat ako na magkasama ulit kayo ni Ziyal! Pwede ka namang umuwi na sa tinitirhan mo pero kay Ziyal ka pa rin." Makahulugan itong kumindat sa'kin, at pakiramdam ko'y pulang-pula ako ngayon sa sinabi ni Vivian. I honestly didn't expect that!
Oo nga, 'no? Pwede naman akong lumipat pero sabi kasi ni Ziyal ay mas magandang nandoon ako. Lalo na't may mga natatanggap na kaming threats galing sa stepdad ko. Wala namang ibang magpapadala kung hindi siya!
"So alam mong buhay-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita agad siya.
"I was told not to say it to you, Liah. Gusto niyang siya ang magsabi kaya hindi ko pinakialaman. Kaso naging open ka rin sa'kin about sa mga pinagdaanan mo, at ilang beses kong sinumpa 'yang lalaking 'yan dahil doon! Kaya nagulat talaga ako na magkasama ulit kayo." She defended.
"Napagkaisahan niyo talaga ako! Nakakainis kayo!" Nagtatampo kong sabi na agad niya namang tinanggihan.
"Hindi ka namin pinagkaisahan, at hindi ko rin naman kasi talaga alam na ganoon ang mga mangyayari noon. Hindi na nga kita na-contact dati! Nagtampo na nga ako noon, at mas lalo lang nainis kay Mr. Quijano." Naalarma ako nang may luhang lumabas sa kanyang mga mata.
"No, don't cry, Vivian. Hindi dapat ganito ang mangyari kaya 'wag kang iiyak. We should be enjoying this moment!" Nakangiti kong sabi habang pinupunasan ang mga luhang nagmumula sa kanyang mga mata.
"Ikaw kasi!" Parang batang sabi niya habang magpupunas ng luha. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya na dahilan upang matawa na rin siya.
"I miss this, Vivian. 'Yong mga panahong wala pa tayong masyadong pinoproblema!" Nakangiti kong sabi ngunit dahil doon ay parehas na kaming naluha. Masyadomg naging magulo ang mga nangyari kaya siguro ganito na lang ang pakiramdam kapag inaalala ang nakaraan.
Totoo nga ang sinabi ng isa kong teacher noon na ang problema ay mas dumadami habang tumatanda ang tao. Kung susuko ka na agad ay paano pa ang mga susunod? And I won't deny na sumusuko na ako noon.
Ngayon ay may mas malala pa kaming problema ngunit hindi na ako susuko. Kakapit lang ako sa mga sinabi ni Ziyal, at gagawin ko ang lahat upang hindi ko siya mabitiwan. All this time, ako lang naman talaga ang palaging bumibitiw sa aming dalawa.
Nand'yan lang siya palagi upang pagdikitin ang relasyon naming nawawalan na ng dikit. Naikwento niya na sa akin ang lahat ng problema noon, at doon ako nahiya sa sarili ko. Mas mabibigat ang mga problema niya habang ako, isang teenager ay sinusukuan na agad siya.
Kinasal na ngayon si Rhyz sa ibang lalaki, at doon ako mas nalinawan na wala talagang pagmamahal ni Ziyal sa kanya. Tama nga rin si Nico noon, hindi dapat sayangin ang meron sa ngayon dahil hindi naman natin alam kung may bukas pa ba.
This time, hindi na ako magpapadalos-dalos sa mga desisyon ko dahil doon na ako nagkamali noon. I should think wise lalo't nangako rin ako sa anak ko na kapag nabuhay ang ama niya'y aayusin namin ang lahat. It was an impossible thing before but now, it'll be made possible.
May dahilan ang lahat, at sinisigurado kong bawat dahilan na 'yon ay papakinggan ko.
"Mas madaling isipin ang kasalukuyan, kaysa hulaan ang mangyayari kinabukasan. We'll never know kung aabot pa ba tayo sa bukas." Mga katagang binitiwan noon ni Nico na tumatak sa isipan ko.
Naging masaya naman ang pagkikita namin, at marami na kaming napag-usapan. It's good to have a friend like Vivian. Ngunit nasira ang pagsasaya namin sa dalawang lalaki na pumasok sa convenient store. Paikot-ikot sila sa loob na tila ba may hinahanap, at ang mas nakakakaba ay tumitingin sila sa amin ni Vivian. It's creeping us out lalo't wala kaming kasamang lalaki, parehong busy si Jonas at Ziyal ngayon.
"I think we're in danger, Ziyal." Kinakabahan kong tinipa sa cellphone, at agad pinadala ang mensahe kay Ziyal.
Ziyal:
Nasaan kayo ngayon?Ako:
Nandoon pa rin sa pinagpaalam kong lugar, Pureza.Ziyal:
Magpapadala ako ng mga titingin kung sakaling may masamang mangyari. Gagawin ko ang lahat para mapuntahan ka agad ngayon. Mag-ingat ka, I love you.Ako:
Opo, I love you too.I replied na kahit ngayon ko lang binalik sa kanya ang 'I love you' na 'yon. Natatakot akong maaaring iyon na ang maging huli lalo nang lumapit na sa amin ang dalawang lalaki.
"Pwede bang maki-share sa upuan?" Tanong ng isa, at nagtataka kong tinignan ang kabilang mesa na wala namang tao.
"Doon na lang kayo sa kabila." Matapang na sagot ni Vivian.
"Gusto namin sa tabi niyo, masama ba?" Sagot ng isa, at tuluyan na akong ginapangan ng takot sa boses nito. I heard that voice once, noong hinaharass ako ng stepdad ko.
"Alis na tayo, Vivian." Sa sinabi kong 'yon ay agad silang naglabas ng baril, at ang cashier na mukhang tutuling ay agad tinutukan ng isa. Kahit malamig ay ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko, lalo nang may mga armado na ring lalaki sa labas. Sht!
BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
General FictionEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020