Kabanata 22

348 13 0
                                    

Agad bumalot ang kaba sa'kin nang pagmulat ko'y nasa loob ako ng isang kwarto. I don't know if I'm touched or anything, but when I moved, I felt a slight pain on my femininity, at kasbaay nito ang pagguho ng mundo ko. I don't have an idea where exactly I am, and I don't even think I can reach the cops.

Muli akong dinapuan ng matinding kaba at takot nang may isa pang maalala. Ano kaya ang nangyari kay Joyce? Mariin akong napapikit nang bumukas ang pinto, at malakas akong napasinghap nang magsalita ang pumasok.

"How are you feeling?" Tears of anger and pain flowed from my eyes as I looked on him.

"Bakit ako nandito? Did you save me from those monsters, so you'll be the one who'll use me?" Walang dalawang-isip kong tanong, at nang akmang lalapit siya ay agad kong binato ang unan na malapit sa'kin. Mas lalo lang akong nainis sa nagtatakang mukha niya na tila ba maitatanggi niya pa.

"Paano ang asawa mo? Ano na lang ang iisipin niya at ng ibang tao? Ako na naman ang masama kahit ako na ang pinagsamantalahan!" Pakiramdam ko'y sasabog na ako sa galit lalo na't nangunot pa ang kanyang noo.

"May tumawag lang sa'king lalaki kagabi, and he told me to take care of you. I don't actually know him, but I bet you have an idea of who he is." Inosenteng paliwanag ni Nico na nagpalinaw sa akin kung sino ang pwedeng gumalaw sa'kin.

"Tell me, ano ba ang nangyari kagabi?" He curiously asked na dahilan upang muling bumuhso sa akin ang mga nangyari kagabi. Maybe, my stepdad was successful to rape me, and how about Joyce? Damn, nasaan si Joyce?

"Nasaan ang kaibigan ko? Si Engr. Joyce?" I freaked out as I imagine her being raped by my stepdad. He'll definitely go to jail, at hindi ako titigil sa paghanap ng hustisya!

"She's all fine, at 'yon ang dahilan kung bakit tinatanong kita kung ano ang nangyari. She's neither raped nor touched on her most private part, which your questions and reactions earlier supposed to mean." Kunot-noo niyang tugon kaya ang kanina'y malinaw ay muling lumabo. If she's not touched, then ako lang ang ginalaw.

"Pwede ko bang matawagan ang tumawag sa'yo kagabi?" I asked kahit na walang kasiguraduhan kung makakapulot ako ng impormasyon mula sa lalaking tumawag kay Nico kagabi. Damn, I don't know what think and feel right now. Masyadong marami ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.

"Ayon pa nga pala ang isa, he said that he wants to talk with you in person. Magkwento ka nga muna sa'kin, naguguluhan kasi talaga ako sa mga nangyari kagabi hanggang ngayon." Halata sa pinta ng mukha nito ang lubusang pagtataka kaya hindi na ako nagdalawang-isip na i-kwento.

I can hear his curses, and his reactions were priceless na parang makakapatay na. Kahit ako rin nama'y gustong mapatay ang stepdad ko pero mas magandang makulong na lang siya. Ayokong mabahidan ang pagkatao ko dahil lang sa isang walang kwentang lalaki.

Hindi ko talaga lubos na maisip na mas malala pa pala ang lalaking 'yon kaysa sa naiisip ko. It was at this moment na naiisip ko rin kung mas maganda sigurong nagpakamatay na lang ako dati. Siguro mas maganda kung tinapos ko na lang ang lahat kaysa may madamay pang iba.

Isa na nga lang ang matatakbuhan ko noon pero namatay rin naman agad si daddy. Ziyal came in the scene, and I know now that he molested me before but I won't consider it as that, I honestly like him before, and it became love up to the present.

Now, I feel like everyone I love who loves me back will die because of me. Natatakot akong baka pati ang mga kaibigan ko ay mawala rin lalo't ang malalapit kong kaibigan ay may mga asawa na. May mga anak silang hindi nila pinapabayaan, at hindi sila katulad ko na basura.

Sinubukan kong maging matapang pero mas lalo lang 'ata akong pinipilit pabagsakin ng ibang tao. I really hate this society na puno ng mga ma-issue na tao. They don't even care kung ano ang background ng taong pinagtutulungan nila. All they know is that masaya silang nakakalamang sila sa kapwa nila, at nagmumukha silang tama sa paningin ng iba.

I know, hindi naging maganda ang ugnayan namin ni Ziyal dahil may mas malalim pa palang issue, but is it enough para husgahan ka kaagad ng mga taong hindi mo naman kilala. Mga taong mababaw lang ang nakikita ngunit hanggang kailaliman na ang hinuhusgahan. Kaya minsan napapaisip na rin talaga ako, is it worth it to continue living in this toxic society?

"Gusto mo bang sugudin ko ang stepdad mo? Hayop ang gago! Kung hindi lang masamang pumatay, papatayin ko talaga siya. Ngayon pa nga lang na bawal, kaya ko na siyang patayin." Halata ang pigil nitong galit kaya mahina lamang akong umiling.

"Don't ever put a blood stain on your hands, lalo na kung dugo 'yon ng walang kwentang tao." Tipid akong ngumiti matapos magsalita dahilan upang maningkit ang mga mata nito.

Saglit pang nagpatuloy ang uspaan namin hanggang sa tinawag na kami upang kumain nang almusal. Nagtaka naman ako nang ibigay niya sa'kin ang phone niya, at nang ituro niya ang messages ay saktong may nag-notify.

"Iyan 'yong sinasabi kong lalaki na tumawag sa'kin kagabi, hindi ko na nalagyan ng pangalan." Kibit-balikat niya kaya binuksan ko na ang mensahe ngunit nakuha ng numero nito ang atensyon ko.

As I read the number, parang may ganitong number na akong nakausap noon. Pinilit kong alalahanin ang mga numero hanggang sa naging malinaw sa'kin ang binitiwan kong salita noon.

"Mahahanap at makikilala ko rin ang manyak na scammer na 'yon." Wala sa sariling lumabas 'yon sa bibig ko, at nang mabasa ko ang mensahe ay mas lalo akong kinilabutan. Talagang kilala pala ako nang lalaking 'yon, and it creeps me out na siya pa ang nagsabi kay Nico kung nasaan ako kagabi.

09*********:
Tell her to meet me at the mall. Hintayin niya na lang ako, first floor bungad ng department store. Mamayang 4 pm.

Unfated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon