"It's kind of weird, Vivian. Isang malaking kumpanya ang Ziruniah tapos tanggap agad ako, at start na agad bukas. Wala man lang paghinga, girl, hindi agad nag-sink in sa'kin." Nakatulala kong sabi habang iniisip pa rin ang mga nangyari. I know I have good credentials pero grabe naman kasi ang bilis nang pagtanggap sa'kin.
"Hayaan mo na, at least, may trabaho ka na. Maraming nangangarap na makapasok d'yan pero sadyang mataas ang standards nila. Ni-recommend ni Jonas 'yan kasi alam niyang maganda ang palakad, at nasabihan niya rin ako na papasa ka sa standards nila. Hindi ka lang basta board passer, top three ka out of all the exam takers, Liah." Pagpapaliwanag ni Vivian pero nakakapagtaka pa rin.
"Wala pa ako masyadong experience sa field, at mas pipiliin nila ako kaysa sa mga kasabay kong may mga experience na." I said as a matter of fact pero irap lang ang natanggap ko sa kanya. Napabuga na lang ako ng hangin dahil mukhang hindi naman niya tatanggapin ang mga sinasabi ko. I just want to receive some feedbacks about it dahil tingin ko ay hindi ko deserve ang ganoon kabilis na hiring.
"You passed their standards, at siguradong iniisip nila na magiging asset ka ng company. Pwede mo namang matutunan ang mga bagay-bagay pero ang antas ng pag-iisip mo, hindi 'yon basta-basta makukuha." Pagbibigay-linaw niya ngunit nanatili pa ring malabo ang lahat. Siguro ay dala lang ito ng kaba ko dahil mabilisan ang naging proseso.
Mabuti na lang, may mga nakahanda na akong pwedeng suotin kaya nag-plantsa na agad ako pagkauwi ko. Sana kayanin ko dahil nakakahiya kapag pumalpak ako sa unang araw.
Night passed by so fast, at tila naging mabagal ang oras pagkagising ko. Ngunit hindi ko na napansin ang oras ng i-orient na ako sa mga trabaho ko sa structural design team. Mabait naman ang mga kasama ko, at unang araw palang pero ramdam kong magiging maganda ang pananatili ko rito sa Ziruniah.
"I heard of a woman named, Louelle Xaniah. Magaling daw kaya puro papuri ang natatanggap sa head ng buong department. Looking forward for more, at nang malaman ko ang apelyido, bigla akong napangiti. I'll meet my friend na pinangakuan ko pero hindi ko natupad." Mahina kong basa sa isnag papel na kasama ng isang snack box. It's three in the afternoon, and two hours left bago mag-uwian.
Napatingin ako nang may pumatong sa sandalan ng upuan ko, at sa kaba ay agad kong naitago ang sulat. Nang lingunin ko si Joyce ay mapanuyang ngiti lang ang binigay niya bago bumalik sa ginagawa.
"Ang bilis kumalat ng balita, at mukhang may manliligaw ka na agad. Iba ang kamandag ng isang Louelle Xaniah Marcon." Halata ang panunuya sa boses nito kaya napairap na lang ako sa kawalan.
"Wala namang nakalagay na manliligaw siya sa'kin." Nakanguso kong sagot pero mahina lang itong natawa.
"Matitinik ang mga engineer na lalaki, Liah. 'Yong iba nga'y matulis kaya mahirap magtiwala agad. Mambubuntis sabay alis." Bitterness was present on her last words, and judging that action, mukhang may intriguing past si ateng.
"Alam kong mahihiya kang itanong, kaya sasagutin ko na, proud akong single mom ako. Minalas-malas sa babaerong engineer na 'yon, at ako pa talaga ang napunlaan. Nalimutang mag-condom, at hindi na nahugot. I'm worth it daw pero nang mabuntis, 'ayon gustong ipalaglag kaya iniwan ako." It's kind of weird na nagkukwento na siya agad sa'kin ng ganito. Well, hindi naman ako tsismosa kaya nakakapagtaka't nakakagulat ang pagkukwento niya.
"Well, to be fair, magkuwento na rin ako tungkol sa lovelife ko. I feel like I'm chained with someone pero sa kasamaang palad, he died dahil din sa akin. Hindi ko kayang i-share ang lahat ng detalye, kaya 'yon na ang summary." Tipid kong kwento habang abala sa pag-aayos ng design na binigay agad sa akin. Hindi naman sa pagmamayabang pero isa sa skills ko ang excellency sa paggamit ng AutoCAD.
"Makakahanap ka rin ng iba pero 'wag lang sa engineering. I won't discourage you to love a man dahil sa past ko, pero binabalaan na kita sa mga engineer." May bahid ng pait ang pagkasabi niya kaya siguradong mahal niya talaga ang lalaking 'yon.
"Sorry ha, baka isipin mong ang daldal ko. Well, totoo naman pero hindi ako ganito sa hindi ko masyadong kilala. Ang gaang mo kasi kausap kaya hindi ako nagdadalawang-isip na kausapin ka." Pagbabago niya ng topic dahilan para makahinga ako ng maluwang. I just realized na hanggang ngayon pa rin pala ay hindi pa rin ako nakakalaya kay Ziyal.
Saglit pa kaming nag-usap bago tuluyang natahimik, at tunog na lamang ng pagtitipa sa keyboard ang naririnig. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtatrabaho, ngunit kahit ganoon, paminsan-minsan ay pumapasok sa isipan ko si Ziyal.
Paano nga kaya kung hindi ako umalis? Paulit-ulit na 'yong tumatakbo sa isipan ko simula pa noon pero hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako nito. I guess I'll never find an escape with my past.
Nang malapit nang mag-alas singko ay nagsimula na akong magligpit, at nang nagsimulang umalis ang mga nasa ibang team ay sumunod na ako. Hindi na sumabay si Joyce dahil may inutos pa raw sa kanya ang leader ng team namin.
Pagod akong naglakad patungo sa elevator habang nagtetext kay Vivian, at agad akong dinaluyan ng inis nang may nakabunggo sa akin. Ang lawak-lawak ng daan pero talagang nabunggo niya pa ako! Nakatabi na ako dahil nga nagtetext ako pero mukhang sinadya niyang bungguin ako.
"Tumingin ka naman kung may makakasalubong ka." Masungit kong sabi dahil muntik mahulog ang cellphone ko. Nang magkatinginan kami ay ilang beses akong napakurap-kurap.
"Nico?" Gulat kong tanong, at nakumpirma ko 'yon nang mahina siyang tumawa.
"Akala ko'y hindi na tayo magkikita. Mabuti na lang, in-accept ko ang offer ng company na 'to sa'kin. Kahit hindi mo tinatanong, I'm still reviewing for my board exam, at mag-offer sila na magtrabaho na ako dahil nagustuhan nila ang performance ko. Nag-ojt ako rito, at tinanggap ko ang offer para sa baby ko." Kwento nito nang makapag-order na kami ng kakainin.
Inimbitahan niya akong kumain muna para makapag-usap na rin. Tinanong ko pa nga kung hindi ba magagalit ang asawa niya, pero sinabi niyang nagpaalam na raw siya kanina pa. So I guessed na hindi 'yon coincidence, at napatunayan ko 'yon nang aminin niya na sa kanya galing ang snack box kanina.
"I'm glad na responsable ka talagang ama, at mukhang mahal na mahal mo naman ang asawa mo." Nakangiti kong sabi.
"Well, she deserves it naman kaya no regrets na nabuntis ko siya noon. I mean, hindi naman sa ginusto ko 'yon-" Pinutol ko na ang idudugtong niya pa dahil alam kong ako ang magiging topic.
"Don't think of it anymore. Wala naman sa'kin 'yon, at sigurado naman na akong masaya ka ngayon." I said with a wide smile still plastered on my lips. I'm really happy for him dahil nakahanap na siya ng taong kayang suklian ang pagmamahal niya. He won't be this happy kung nagpatuloy siya sa pagsuyo sa'kin. Nakaukit na ang pangalan ni Ziyal sa puso ko, at nasa punto akong alam ko na hindi na 'yon mabubura at mapapalitan.
Nalilimutan ko lang panandalian ang sakit pero hindi 'yon nawawala. It developed inside me na naiisip ko pa noong sundan si Ziyal. Si tita lang din ang nakaalam ng isa pa sa mga malalalim kong sugat. I was too careless, at masyado akong nagpa-stress. Hindi ko naman alam noon na may nabuo kami kaya nagulat ako nang duguin ako ng matindi after three weeks of delayed menstruation.
Hindi ko naman na kasi naisip noon dahil masyado akong nilamon ng pagkamatay ni Ziyal, at nadagdagan pa 'yon nang pagkamatay ng baby namin. It was a different kind of pain, at nalaman ko ang lahat kung kailan nawala na siya sa sinapupunan ko. It was kept a secret, at hindi ko na 'yon iniisip pa.
I was advised not to think and talk about it anymore kaya sinunod namin 'yon ni tita. It was hard on the first week pero kinaya ko ngunit muli ako nitong hinabol ngayon. I can't ever escape my past wherein I lost both my child and his or her father.
BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
General FictionEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020