Maraming salamat dahil umabot pa po kayo hanggang dito! Actually, labag sa loob ko ang part na 'to pero nasa side ni Ziyal ang pinakalabag sa loob na plot twist na naisip ko. Enjoy reading Ziyal's end of the story.
...
Five years had passed since that incident, and I regret those days when I wasn't beside Xaniah. I was trying to fix everything by myself but I'll always end up ruining what should have been built. I, a well-known businessman, Engr. Zirus Marshall Quijano, was a victim of my own crime.
Naging magulo ang lahat sa buhay ko, at sa dapat na pagmamahalan namin ni Xaniah. I was so stupid not think of dealing with things na kasama siya. Akala ko ay kaya kong ayusin lahat dahil doon ako nasanay pero nagkamali ako ng akala. Tama nga na maraming namamatay sa maling akala, at sana ay ako na lang ang nawala.
Hindi ko na mabilang kung ilang gabi akong umiiyak habang binabantayan ang mahimbing na natutulog na katawan ni Xaniah, at ilang beses na rin akong binangungot at patuloy na binabangungot ng mga nangyari. Ngunit maliban rpon ay kumapit ako sa pag-asang masaya siyang naglalakbay sa isang panaginip na binubuo ko sa bawat pakikipag-usap ko sa kanya kahit pa hindi siya sumasagot. Hindi naman siguro masamang maniwala ako na ang mga comatose patients ay naglalakbay sa isang panaginip.
I didn't let an opportunity slip away kaya noong may pag-asa pang mabuhay siya ay kumapit ako. Dalawang taon akong naghintay na gumising pa siya ngunit sadyang mapait ang ihip ng kapalaran at nauwi sa walang hanggang paghimlay ang kanyang mahimbinh na pagtulog. I was too wasted during those times that I just want to deny my own life. Ganon pala talaga kapag nawalan ka ng taong mahal na mahal mo, sobrang sakit at hindi mo na alam kung ano pa ba ang dapat mong gawin.
Tila ba nagyelo ang kamay ng orasan at ang paligid ay tumigil nang umalingangaw ang putok ng isang baril. It came from Marco's gun, and I was late to catch the bullet. I failed to protect my love.
Mariin kong naipikit ang aking mga mata kasabay ng malalakas na putok ng baril at pagbuhos ng aking luha. A bullet pierced her chest, and as I hugged her tight, I can feel his breath trying to catch up as blood drip from her mouth and chest.
"Mahal kita, Ziyal." Habol-hiningang sambit niya, at bago pa ako makapagsalita ay agad lumapit ang iba pang tauhan ko. Tumawag na rin sila ng ambulansya na sana ay umabot pa.
"Please, Xaniah, mahal na mahal kita. Lumaban ka, please, hindi ko kayang mawala ka. Please." I begged habang nananalangin na sana ay kayanin niya pa. I want to stay with her longer, kahit na sandaling panahon man lang.
Kaba at takot ang kumakain sa aking sistema habang naghihintay sa chapel ng ospital, at buong pusong nagdadasal sa kung sino man ang nasa itaas. I'm not a religious person but this time, gusto kong umasa na sana ay matulungan niya ako.
"Lord, I'm sorry if I've been a sinner, and I'm willing to serve You. Just please, make Xaniah stay longer in this world." Paulit-ulit kong sambit sa Kanya, at umaasang sana ay madinig Niya ako.
Ngayon ay nasa harapan ako ng maraming tao, at nandito ako upang ipamahagi sa kanila ang mga natutunan ko sa buhay. As I received the award as the most outstanding businessman of the year, ganoon din ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata. Agad kong pinalis iyon gamit ang aking panyo, at pumwesto na sa harap ng mikropono.
"Ang award na ito ay inaalay ko para sa pinakamamahal kong babae, at sanay ay masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Ginawa ko ang lahat ng ito para sa kanya, at kahit pa wala siya ngayon dito upang makasama sa pagdiriwang, ayos lang. I'll just visit her grave, and share a moment with her kasama ang award na ito. Payo ko lang sa inyong lahat, never let your pride bring you to your own end. Kung may kinakasama ka ay hayaan mong magtulungan kayo sa paglutas ng mga problema. Doon na ako nagkamali kaya sana ay hindi na kayo matulad pa sa'kin. Maraming salamat sa inyo." Napuno ng palakpakan ang auditorium dahilan upang mapangiti ako't naluluha pa rin habang nakatingin sa itaas.
Kung sakali mang napapanood mo ako ngayon, Xaniah. Lahat ng ito ay para sa'yo tulad ng ipinangako habang mahimbing kang natutulog sa ospital.
"It's a miracle that she still lived but unfortunately, she'll be comatosed. Don't worry, it was said that comatose patients can hear everything. I'm a close friend of yours, Mr. Quijano. I just want to light things up, at iyon lang ang maaari mong panghawakan dahil mababa ang posibilidad... Just stay by her side." Katulad nang sinabi ng kaibigan kong doktor ay umasa ako, at araw-araw na kinakausap si Xaniah. Kahit pa hindi ako nakakakuha ng sagot ay ayos lang, ang mahalaga ay nasasabi ko sa kanya ang lahat.
Everytime she'll have seizures ay siya ring pagdaloy ng takot sa akin. Nagsimulang bumagsak ang kumpanyang itinatag ko para sa aming dalawa, at kung hindi pa ako kinausap ni mom at ng mga kaibigan ko'y hindi pa ako matatauhan.
Mahirap sa umpisa ngunit ginawa ko ang lahat upang muling ibangon ang kumpanya habang patuloy na umaasang gigising pa si Xaniah. Ilang araw at buwan na rin ang lumipas bago ako nasanay sa lahat, at ang dating lungkot ay napalitan na ng saya't maraming pag-asa.
Nagpasalamat na rin ako sa Panginoon dahil tinupad niya ang dasal ko ngunit ang kasiyahan ay agad ding napawi. I prayed for her to stay longer with me, and that stay met it's end. Doon muling gumuho ang mundo ko habang binabantayan ang malamig na katawan ni Xaniah na nakahiga sa isang himlayang malilipasan ng panahon, at kalauna'y mabubulok.
Kahit pa paulit-ulit akong dinadalaw ng mga bangungot ay hindi ako nagpatalo't ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang matupad ang mga pangako ko sa kanya. Nangako ako na ang isang diretsong linya ay hindi makakasira sa mga pangarap na binuo ko para sa amin.
Nakangiti akong umupo sa tabi ng kanyang puntod, at dahan-dahang nilapag ang award na natanggap ko. I lit up a candle as I prayed for her soul.
"Alam mo ba, natanggap ko na ang pangarap kong award para sa ating dalawa! Para sa'yo ang lahat ng ito, at mahal na mahal kita, Xaniah!" Nakangiti kong sabi habang nakatulala sa pangalan niyang nakaukit sa isang marmol. Kahibangan man ngunit kahit dito man lang ay mailagay ko ang apelyido ko sa kanyang pangalan.
"Louelle Xaniah Marcon-Quijano." Mahinang sambit ko sa pangalang nakaukit. It was a tragic story for the two of us, and I learned a lot from her. You shouldn't solve a problem by your own kung ang problemang 'yon ay dawit ang taong mahal mo. The two of you should solve it together.
Sa lahat ng mga pagkakamali ko ay isa lang ang hindi ko pinagsisihan... ang subukang ipaglaban ang taong mahal ko kahit marami pang tumutol. It's just that I was too stupid to fight for it alone.
"I love you, Xaniah." Sambit ko sa huling pagkakataon bago iwan ang kanyang puntod. She might not be here physically, but she's still on my heart.
BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
General FictionEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020