"Kalma ka lang, sis. Kaya mo 'yan!" Iyon ang paulit-ulit kong iniisip habang patuloy ring kinakabahan sa pagharap ko sa mama ni Ziyal. Ang alam ko naman ay mabait ito pero nakakakaba pa rin, paano kung hindi rin maganda ang unang impresyon niya sa'kin? Paano kung kinakahiya niya ako dahil sa nangyari sa amin ni Ziyal?
Hindi ko 'yon mawaglit sa isipan ko dahil maaaring lumabas na napilitan lang talaga si Ziyal. He's a well-known man in the industry, at hindi pwedeng mapahiya siya kaya pinanindigan niya na lang din.
"Want some milk or coffee?" Tanong ni Ziyal dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nasa kitchen area kami ngayon ng condo unit niya, at sa lahat ng araw na ganito ang sitwasyon namin, ngayon lang ako nakaramdam na parang may mali. Kinukutuban akong baka may hindi magandang mangyari pero 'wag naman sana.
"Sabi nila, ang mahilig daw sa kape ay mahilig din sa sex. Mahilig ka sa kape, 'di ba?" Wala sa sariling taning ko dahilan para kumunot ang noo niya. Nabalot kami ng katahimikan dahil sa tanong na iyon kaya agad akong nagsisi na lumabas pa 'yon sa bibig ko. Nanatili siyang nakatitig sa'kin ng seryoso habang paminsan na tumitingin sa tinitimplang kape at gatas. I don't like coffee that much kaya laging milk ang pinapatimpla ko, unless kailangang-kailangan ng kape.
Tanging tunog lamang ng upuan na inayos niya ang naririnig pati na rin ang pagtama ng kutsarita sa paligid ng tasa. Mataman pa rin siyang nakatitig habang inaabot sa akin ang gatas. Ako naman ngayon ang nakakunot dahil tahimik lang talaga siya na tila ba nag-iisip. Sa hindi malamang dahilan ay agad naghuramentado ang puso ko nang dumampi ang daliri niya sa kamay ko nang iabot niya ang gatas ko.
Ano na naman ba 'tong nangyayari sa'kin? Ang kaninang seryosong titig nito ay napalitan ng hindi masukat na pagnanasa habang gumagala sa aking katawan. I suddenly felt conscious through the way his eyes lingered on my body. Nakaramdam ako ng pawis sa aking noo kahit pa may aircon sa condo unit niya, lalo nang ngumisi siya na tila ba nalahubad na ako sa isip niya.
"Xaniah, baby girl ko, ilang beses ko pa bang kailangang ulitin? Kung sa tingin mo ay sex lang ang habol ko sa babae, sana warak na warak ka na. Isa pang pamimilit, haharap ka kay mama na mahapdi ang pagkababae mo." Makahulugan niyang sabi sa isang mababang boses. Damn, it sounds sexy and seducing! Wala sa sariling napalunok ako ng laway, at napainom ng gatas na tinimpla niya. Napaiwas na rin ako ng tingin dahil hindi pa rin nawawala ang ngisi niya kahit uminom na siya ng kape.
Come on, Liah! Ikaw ang nagsimula nito tapos ngayon ay para kang tanga! Mariin akong napapikit nang dahan-dahan itong naghuhubad ng damit. 'Di ko napigilang mapatili nang kinuha niya ang kamay ko, at nilibot sa hubog na hubog niyang pangangatawan. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko sa bawat haplos ng kamay ko sa katawan niya. Pakshet ka, Liah! Bakit mo binibilang 'yong abs?
"Sht!" Malutong na mura niya, at maging ako ay napamura sa isipan nang dumako ang kamay ko sa malaki at matigas na niyang pagkalalaki. Just like how I touched it before, noong wala pa ako masyadong alam sa kamunduhan! Now, it feels different hearing him moan while holding my hand to stroke his length.
"Stop seducing me, Ziyal!" Nakapikit ko pa ring tili pero mas lalo lang akong nag-init nang naramdaman kong nasa tabi ko na siya, at ramdam ko ang init ng hininga niya na dumadapo sa aking leeg. Gusto kong agawin ang kamay ko pero iba ang sinasabi ng katawan ko. Tila natutuwa pa ito sa naririnig na mahihinang ungol ni Ziyal, at ilang sandali pa ay hindi na ako ang may kontrol ng katawan ko. Naramdaman ko ang init ng pagkalalaki niya sa kamay ko, at ramdam ko na hinuhubad niya na ang mga pang-ibaba niyang saplot.
"Matagal na rin nang huling makadikit 'yan sa babae. Kailan nga ba may nangyari sa'tin? Lagpas isang buwan na rin." He whispered in a low and husky voice while his warm breath touches my neck.
BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
General FictionEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020