"What the hell is this? Liah! Open your damn account! May panibagong issue na naman ang mga pesteng nilalang!" Paulit-lit niya akong niyuyugyog kaya walang gana kong dinilat ang mga mata ko, at hinablot sa kanya ang phone. Why do I need to open my account, anyway?
"I already expected this. Hayaan mo sila sa gusto nilang sabihin, nakakapagod din kung iisipin ko pa 'yan." Irap ko dahilan para paningkitan niya ako ng mga mata.
"This is too much, Liah!" Patuloy nito pero nginitian ko siya bilang pagpapatunay na ayos lang pero muli na naman niya akong niyugyog.
"A demoness shouldn't fight or argue with lowly creatures. Let them do their dirty business, d'yan naman sila magaling, 'di ba?" Nakangiti kong sabi bago takpan ng unan ang mukha ko. She shouldn't see these tears, at kahit pa itanggi ko, masakit ang mga nabasa kong comments. It's all on me again.
"Bruhilda rin ang Rhyz na 'yon! Ang kapal ng mukha na sabihing kabit ka! Wow, what the fck? Baka raw kaya ka pinili ay dahil inakit mo si Ziyal. She's virgin pa raw kasi, at hinihintay niyang makasal sila. Just wow, ang kapal ng mukha! Ang kapal-kapal!" Ramdam ang galit sa bawat pagbigkas niya, at sa bawat hibla ng galit niya ay siya ring pagtubo ng panibagong sakit.
All of these were too much to comprehend. Tila ba galit sa'kin ang buong mundo, at wala na akong kawala sa pait at sakit nito. Kalat na ang mukha sa internet, at ang mga paratang na kabit at malandi ako.
"Let me answer that woman, at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang sarap asarin, para kahit paano'y makaganti ako sa kanya." I said with an evil smile. Ganoon din naman, nahusgahan na ako ng mga tao kaya hindi pwedeng umiyak na lang ako. I somehow need to fight just to feel at ease. Hindi pwedeng magmukha akong talo, tutal naman ay pinapalaya ko na rin si Ziyal.
Tama na rin sigurong nagsinungaling ako sa kanya noong isang linggo. Hindi niya naman na ako ginulo kaya medyo naging maayos na ang pakiramdam ko. Hindi na rin ako naghangad na magpumilit pa siya dahil siguradong lala pa ang sitwasyon na 'to.
"Kabit? Malandi? Come on, miss Rhyza Montello, alam ko namang hindi ka mahal ni Ziyal. Yet, don't worry, ako na ang lalayo para makuha mo na ang buong atensyon niya. Tinakwil ko na si Ziyal para sa'yo, at kung hindi ka niya talaga mahalin, sorry. Ang malas mo lang, hindi mo natikman ang lalaking minahal 'ako'... oops, wait, nag-aassume ka nga palang mahal ka niya. Where's the marriage certificate? Teka, kung meron man, bakit ako ang pinupuntahan ng 'asawa' mo kuno." I typed with an evil smile still drawn on my lips.
"Gaga ka talaga, Liah!" Natatawang sabi ni Vivian kaya mahina na rin akong natawa. My life is already messed up so a little spice won't matter to me anymore. Bahala silang magkagulo sa statement ko, at least, hindi na ako dehado dahil lumaban ako.
Isang oras lang ang lumipas ay napuno agad ang news feed ko maging ang messenger ng mga suporta para sa'kin. May mga nagsasabing mukhang fake nga 'ata talaga si Rhyz dahil kahit si Ziyal ay sinuportahan ang statement ko. Oh that man, kahit pinalayo ko na ay sinuportahan pa rin ako. Don't worry, baka sakaling maging tayo sa next life, hindi ko kakalimutan 'tong mga ginawa mo out of love for me. Yet, in this lifetime, hindi na tayo pwede dahil masyadong magulo. I still need to finish my studies too, and by that time, baka masaya ka na rin naman sa iba.
"Grabe talaga, as in wala na kayo! Hindi niya man lang talaga ginawan ng effort na magdala ng damit mo noon! Paano kung bigla siyang dumating dito na lasing na lasing? Sabihin na hindi ka kayang palayain dahil mahal ka pa rin niya. Malay mo naman kasi may chance pa, 'di ba? Lalo't sinuportahan niya ang statement, at napahiya ang bruhildang 'yon." Nakapangalumbabang sabi ni Vivian dahilan para mahinang hampasin ni Matthew ang mesa, kaibigan ni Jonas na nanliligaw sa'kin ngayon. Well, hindi ko naman siya ni-reject or accept pero sadyang mapilit.
"Come on, get over it, Vivian. Nadadala ka na naman nang pagbubuntis mo. Last sem pa 'yang mga issues na sinasabi mo." Natatawa kong sabi ngunit naningkit lang mga mata ni Vivian. Botong-boto talaga siya kay Ziyal, at hindi ko alam kung ano ang pinakain niya sa kaibigan ko.
"Those roses, galing 'yon kay Ziyal!" Nabigla siya sinabi niya dahilan para magtaka rin ako. I remember those roses na natanggap ko three days ago.
"What in the hell are you saying, Vivian?" Nagulat ako sa naging reaksyon ni Matthew na inakala kong nagdadala ng mga bulaklak na 'yon.
"Don't speak ill of my wifey, pare." Komento ni Jonas sa gilid dahilan para mapailing si Matthew, at seryoso akong tinitigan.
"What? Wala akong kinalaman d'yan. Malay ko ba kung sino ang nagpapadala ng mga bulaklak na 'yon." Pagdepensa ko dahil sa paraan ng pagtingin niya. Matthew's a good man, at hindi ko 'yon maitatanggi. Well, I'm just explaining dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin. He somehow deserves some explanation, and yeah, alam niyang may feelings pa ako para kay Ziyal. Hindi naman kasi madaling malimutan ang lahat sa loob ng ilang buwan lang.
"Sorry, ayaw niya kasing malaman mo na siya ang nagpapadala ng mga 'yon. Nakakainis lang kasi na ayaw mo talaga siyang pagbigyan. Bet na bet ko pa naman si Mr. Quijano." Nakanguso nitong sabi ngunit nanlaki rin ang mata dahil iba ang dating nang sinabi niya. Mahina akong natawa nang nagsalubong ang kilay ni Jonas sa narinig. These two, they're cute, at kung wala sigurong issue kay Ziyal ay ganyan kami.
"Ipaliwanag mo sa'kin 'yan mamaya sa bahay, Levigne Vianna." Mariing sabi ni Jonas dahilan para lumakas na ang tawa ko. Pinaningkitan naman ako ng mata ni Vivian dahilan para mas lumakas pa ang tawa ko, at hindi na napansin ang pag-akbay sa akin ni Matthew. Ngunit agad ding namatay ang tawanan nang may marahas na humila sa akin palayo.
Napatili ako nang bumagsak sa sahig si Matthew nang nagtangka 'tong habulin ako. Nang maamoy ko ang pabango na dating ako ang naglalagay sa kanya, agad nanlamig ang sistema ko.
"Don't ever lay your hands on my woman." Matigas nitong sabi, at mabilis akong hinila palabas nang convenient store na tambayan namin kapag gabi. Nang makalabas ay tsaka lang ako nagpumiglas ngunit sadyang malakas siya, at agad akong naipasok sa sasakyan niya.
"Talaga palang pinagpalit mo na ako sa ibang lalaki, Xaniah? Inaayos ko ang problema tungkol kay Rhyz, pero talaga palang naghanap ka ng ipapalit mo sa'kin." Pula na ang mga mata niya, at isa-isa na ring tumutulo ang luha roon. Amoy ko rin ang alak sa bawat hinga niya, at sigurado akong hindi maganda 'to.
"Come on, Ziyal, kalimutan mo na lang kasi ako." Matapang kong sabi habang pinipigilan ang emosyon ko.
"Tell me your secret, Xaniah. Paano mo ako kayang kalimutan? Ang hirap kasi na kalimutan ka." Pumipiyok pa nitong sabi, at siguro naman ay pwede ko siyang pagbigyan ngayong gabi. Lilipat na ako sa probinsya, at doon mag-aaral sa nirekomenda ng tita ko na kapatid ni dad. Naayos ko naman na ang mga papel para sa pag-transfer ko kaya nag-eenjoy na lang ako kasama sila Vivian.
"Ziyal, please, kalimutan mo na ako pagkatapos ng gabi na 'to. I'll give you my time, body, and love sa buong gabi na 'to. This will be our last." Buong lakas kong sabi, at hindi ko pagsisisihan ang gabing 'to. Sa huling pagkakataon, magbibigay-daan ako sa pagmamahal ko kay Ziyal. Sa huling pagkakataon, pagbibigyan ko ang sarili kong maging masaya sa piling niya.
Alam ko, hindi niya naman talaga mahal si Rhyz. I still receive some news about it but I can't just be with him right now. Magtatapos na lang muna ako ng pag-aaral, at kung sakaling mag-krus man ang daan namin, I'll accept him. Kung sakali mang ako pa rin ang mahal niya, at siya pa rin ang mahal ko. Without any issues involved.
BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
General FictionEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020